Sunday, May 6, 2012

Kibit-balikat

'Yan ang kontrobersyal tweet ni Miriam Quiambao tungkol sa 'ting lahi. Todong kinuyog ang byuti niya sa Twitter at iba't ibang social networking sites kung saan umani siya ng 'sangkaterbang batikos. Buti na lang at hindi akiz online noong pinost niya 'yan at baka nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin.

Aktwali, wala naman akong naramdamang galit o ano pa man ng una kong mabasa 'yan. Bilang isang homosekswal, hindi na ako naaapektuhan sa mga ganyan. Bakit? Kasi may matibay akong relasyon sa ating Ama. Walang sinumang nilalang ang maaaring tumibag o umimpluwensiya sa aming samahan kesehodang ang turing pa rin ng ilan sa 'ting lahi ay likha ng demonyo. Kesyo wala daw tayo sa bibliya at tayo'y makasalanan. Hanggang ngayon naman, wa-i pa ring patunay 'yang mga satsat nila.

Isa lang naman si Miriam na ganyan ang opinyon pero sa totoo lang, marami pa sila. Malaya lang niyang naibulatlat ang kanyang saloobin dahil nagkataon na meron siyang Twitter account.  

Sa dalawampu't pitong taon ko dito sa mundo, natuto na akong mamili ng gay issues na dapat patulan at dapat ipagkibit-balikat lamang. At dito sa kuda ni Miriam na minsan nang tiningala at niluklok sa dambana ng 'sangkabaklaan dahil sa natamong karangalan sa Miss U, deds akekels. Kung gusto ko ng respeto at pagtanggap mula sa ibang tao, dapat akong matutong rumespeto sa kanilang choices and beliefs. Kung ayaw sa byuti ko, 'di wag. Walang pilitan noh!?

Hangga't alam natin sa ating sarili na wala tayong ginagawang masama at tinatapakang tao, go lang nang go! Move forward, stay happy and bonggacious. Life is beautiful so don't waste it sa mga tulad niya.

9 comments:

  1. bakit kaya biglang naging banal banalan si ateng miriam? di ba nya alam na karamihan ng supporters nya ay gaya natin?

    ReplyDelete
  2. we have the same take on this issue. i like miriam quiambao, from the moment she represented the country in the ms. universe pageant up to her hosting and acting stints.

    ang kaso, ayoko rin sa mga taong ipinamumukha sayo ang religious beliefs nila. yung 24/7 walang ginawa kundi mag-broadcast ng kung ano ang sabi sa bible, etc.

    my long-time partner is a very religious guy. he is very devoted to their religion, bata pa kasi sila dun na sila ng pamilya nya. when we became a couple, minsan lang nya ako inalok abt it, nung I told him that I am somewhat not interested, hindi na namin napag-usapan pa.

    me mga kilala naman ako na devout followers of their own religions pero sakto lang sila. kumbaga if feeling nila na OA to talk about their religious beliefs, then they dont say anything.

    siguro let us accept her for who she is. now that we know how close minded she is about this topic, then we can opt not to have her within our psyche.

    hindi kasi tayo mananalo sa mga ganyang laban. what we can aim for is be the best person that we can be. sa katapusan ng existence naten dito sa mundo, isa lang ang tanong - naging mabuting tao ba tayo sa kapwa naten?

    thanks!

    ReplyDelete
  3. i love this one,,,keber ko naman sa say ni miriam q.,,basta,,im gay and proud!!

    ReplyDelete
  4. sana lang hindi magkaroon ng anak ng bading o tomboy si miriam,kasi kawawa naman,,baka araw araw niyang ipag pray over to o kaya painumin ng holy wateret o ipag bake ng cookies na may pinunit punit na pahina ng bibliya.

    ReplyDelete
  5. Meron kasing bad experience si Miriam Quiambao, sa kanyang ex-husband na gay. Sana naman hindi nilahat ang LGBT community.

    -Mareng Lee.

    ReplyDelete
  6. at dahil sa sobrang relate ako sa inyo mga kapatid, ako'y lubos na natutuwa at natatawa at the same time. nagustuhan ko ang mga punto de vista nyo. perfect yan!
    para naman sa'kin, lubos ko namang ikinagagalak na ganito ako, gay, kasi kung hindi dahil sa kabadingan na 'to ang kitid-kitid siguro ng isip ko sa mga ganitong bagay.
    di lang ako open-minded, broad pa! bongga! hahaha!

    ReplyDelete
  7. HUWAT!?!

    Ako'y nagulantang ng malamang ikaw, Madam Melanei, ay dalawampu't pitong taong gulang pa lamang! Sa hilatsa kasi ng iyong fez napagkalamang kong ikay tatlongpu't walong taon nang naghahasik ng kagandahan sa kailaliman ng mundo!

    HUWAW!!!

    ReplyDelete
  8. Actually, hate ni Miriam ang mga ladyboys...kasi yun ang umahas sa ex-jowa nya, di ba?

    Agree ako na wag nang sumali ang mga TG sa Miss Universe pero para sabihin nyang "homosexuality is a lie from the devil", heto ang sagot ko - "TSE!"

    ReplyDelete
  9. -Teh ZaiZai, hard core Christian na daw kasi si Miriam. Part yata nun ang pamumudmod ng mabuting salita ng Diyos.

    -Teh Anonymous May 6, 2012 5:13 PM, SWAK na SWAK ang opinyon mo. Walang nananalo kapag religion ang pagtatalunan kasi kanya kanya tayong paniniwala diyan eh.

    -Teh frej travels at mackvergil, taas kamay pa tayo sa pagiging proud!

    -Teh Anonymous May 7, 2012 2:28 AM, KALOKA naman ang cookies na 'yan! :D

    -Mareng Lee at 'teh Anonymous May 7, 2012 12:44 PM, pers taym kong marinig ang chismax na 'yan about her ex-husband. Nakaapekto siguro 'yon sa kanyang pananaw about us.

    -Teh Anonymous May 7, 2012 12:14 PM, don't judge my byuti... see it personally. CHARAT!

    ReplyDelete