Sunday, May 20, 2012

Pagsuyod

"Ganyang ganyan ang itsura ko nang marealize kong panget ako."

Salamat sa libreng SM Gift Pass na nagetlak ko sa isang bonggang credit card promo at nakabayla ako ng isang dibidi. Atat ang byuti ko na mag-DVD shopping pero kailangan orig dahil wa-i naman japeyks sa SM. Halukay ube ako sa record bar para pumili. Ilang beses akong nagpabalik balik dahil wa ako matypan. Kandaduling ang paningin ko sa pagsuyod sa bawat pelikula, from foreign to local. At bago pa bumigay ang kamay at paa ko sa todong kapaguran, choose ko ang Bathhouse, isa sa mga early gay indie flicks ni Crisaldo Pablo.

Haaayyy. Isa pa ulit. Haaayyy. 'Yan lang ang nasabi ko after kong pagtiyagaan 'to. Inabot yata ako ng tatlong araw dahil pahinto hinto ako sa panonood. Nalito ako sa istorya. Andaming gustong sabihin at paiba-iba ang shifting ng topic mula sa makalumang paraan ng pakikipag-date ng bakla, rejection dahil sa physical byuti hanggang mauwi sa bath houses. Saving grace ng pelikula ang acting performance nina Andoy Ranay at John Lapus pero dahil karamihan sa kasama nila ay baguhan, nagmukha tuloy silang OA. Ooopppsss... baka naman sabihin niyo walang maganda sa movie. Meron naman nakakatuwang eksena like the okrayan portion ni Andoy at isang unknown beki. Kaloka naman ang sex scene sa rooftop habang dumaan ang LRT 2 sa background. Enjoy din ang aura sevilla moments ni Rey Pumaloy sa loob ng bathhouse pati na ang pagrereyna niya sa dark room. Delight din sa mata si Jet Alcantara na mala-Derek Ramsey ang kakisigan. Hhhmmm... where is he na kaya?

No comments:

Post a Comment