Tuesday, May 29, 2012

I know I know I know...

...na kaka-blog ko lang tungkol kay Edward Mendez pero hindi ko talaga mapigilan ang mahayok sa kanya. Jumuwelay watashi kahapon ng maaga sa balur para maabutan ang pilot episode ng Hiyas. Sulit ang pagmamadali ko dahil ang more more exposure siya. May topless scenes pa na talagang nagpawet sa aking hiyas. Kinulang ang tatlong patong ng pantiliner ko! Hindi ko na nga masyadong nagets ang istorya sa sobrang kilig. Salamat sa seryeng 'to at piyesta na naman ang 'sangkabaklaan!

3 comments:

Anonymous said...

teh melanie dva nalink din itey kay doktora viki? swerte nman ng lola mo ang sasarap na ntikman ng hitad.

Anonymous said...

Talagang pinagtatapat sila ni Zanjoe sa Hiyas e.

Ine-establish sa kuwento ung pagiging malakas nila pareho e--si Zanjoe bilang matapang at matipunong mandirigmang taga-tribo, si Edward naman bilang malakas at makisig na martial artist. Nagma-martial arts si Edward, matapos niyang patumbahin ang kalaban niya, sabi sa kanya, "bilib ako sayo, hanggang ngayon para ka pa ring kabayo sa lakas mo sumipa.." May ilang eksena rin si Zanjoe na nakikipagbasag-ulo siya sa mga masasama sa lunsod at pati sa mga kalaban sa tribo.

Tila nagtatapatan ang dalawa sa pagpapakita ng kapwa magandang hubog ng mga maskulado nilang mga katawan. Kapwa may mga eksenang mainit at kita ang kanilang kakisigan. .. Si Zanjoe sa mga tribal scenes niya na naka-bahag lang siya, at si Edward naman sa kanyang martial arts training scene kung saan maiksing puting shorts lang ang suot niya habang nakikipag-bakbakan. Dagdag pa riyan ang mga eksena nilang naka-sando, naka-underwear, swimming pool scenes, workout/push-up scenes, at half-naked scenes ng dalawang naglalabang aktor sa istorya.

At higit sa lahat, magku-krus ang landas nila dahil sa isang babaeng mahuhulog ang mga puso nila pareho. At yan ang magsisimula ng isang kapana-panabik na labanan ng dalawang makisig na karakter.

Dahil sa parehong lumalaban at parehong may mga eksenang maiinit, asahan natin ang isang lumalagablab na pagtutunggali kung saan kapwa nila ipapamalas ang kanilang lakas at katawan!

Dahil sa umuusbong na apoy sa pagitan ng dalawa, tiyak sa bandang huli ay magkakaroon sila ng umaatikabong bakbakan kung saan suot lamang nila ay maikling salawal upang magpapamalas ng kanilang makikisig ng katawan (ala-ufc.) Ung talagang banatan to the max at bugbugan hanggang sa magkaubusan sila ng lakas! Walang humpay na buntalan, tadyakan, wrestling at grappling na magkaakap at pagulong-gulong sa daan at nakapulupot ang mga katawan nila sa isa't isa habang pawisan at duguan ang kanilang mga katawan.

Isang napakainit at makapigil-hiningang sagupaan na tila walang katapusan at patas na patas ang laban. Kung sino ang magwawagi sa huli, ang mga manonood siyempre!

Anonymous said...

haha, melanie, totoo!!

hindi mo na iintindihan pa ung istorya, looking forward ka na lang talaga sa mga hot/skin-flaunting scenes nila ni Zanjoe.. at ung encounter ng dalawa.. sana sa bandang huli, maglaban sila nang naka-bahag lang..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...