Thursday, May 10, 2012

Oh tukso, layuan mo akooohhh!

Isa na namang krimen ang naimbento ng mga timang na mapagsamantala sa ating kahinaan. Ayon sa nabasa ko sa blog ni ateh Lex Bonife, sa public CR naman ang crime venue. Kapag namataan tayez ng mga lintek na kriminal habang nagbabawas, iipitin ang byuti natin sa loob at bonggang tatakutin. Once na nadala ka sa kanilang pananakot, ♫ wala ka ng magagawa kundi sundin sila ♪ kapag natakot ka na, lagot na, siguradong holdap ka ♪ 

May siste pa silang ipapasight sa atin ang kanilang noches. 'Yan ang pinakamahirap mga 'teh! ♫ Oh tukso layuan mo akooohhh ♪ dapat ang theme song kapag nasa kubeta or else, limas ang ating dala-dalahin.

Magsilbi sana itong babala sa 'sangkabaklaan at mag-doble ingat sa mga pampublikong lugar. 'Wag na wag din magpapadala sa pananakot ng mga gunggong na 'yan. Tumakbo agad palabas at todong humingi ng tulong.

1 comment:

Ares said...

BB Melanie thanks so much for posting this story/modus to us...this one is scary tlga...let this be a warning to all of us!! salamat tlga...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...