Thursday, May 17, 2012

Sariwa

Sikat na sikat ang lahing fenk nowadays. Una diyan ang tweet ni Miriam Quiambao tungkol sa lie from the devil eklat. Aba't hindi pa nga tayo masyadong nakakarekober sa bagyong 'yan eh may sumunod agad sa katauhan ni Manny Pacquiao. Kesyo may binigkas daw siyang berso mula sa Biblia na tumutuligsa ang 'sangkabaklaan. Galing daw ito sa libro ni Leveticus verse 20:13 na nagsasaad ng "If a man lies with a man as one lies with a woman, both of them have done what is detestable. They must be put to death; their blood will be on their own heads". Kahit sino namang masabihan niyan eh todong maghuhuramentado kaya naman sunud-sunod ang banat sa kanya sa mga social networking sites.

Noong una eh hindi pa ako masyadong naniwala at inantay ko muna ang kanyang interview para fair. Agad agad naman siyang nag-react at sinabing hindi pa niya nababasa ang Leveticus book kaya paano nga naman niya sasabihin 'yan. Wala naman daw siyang tutol sa atin. Sa katunayan ay may bektas sa lahi nila. Ayaw lang daw 'yung gumagawa ng kasalanan, 'yung same sex marriage (watch the video here).

Teka lang, teka lang, 'di pa rin maganda sa pandinig 'yung sinabi niya ah! Just because banal na ang imahe niya ngayon doesn't mean naiintindihan na niya ang kinalalagyan natin. What makes him think na kasalanan agad porke nagpakasal ang parehong lalake o babae? Oh well, sa Bible nga pala.

Ang pinag ugatan ng isyung 'yan ay ang bonggang pagsuporta ni US President Barack Obama sa same sex marriage. Pero 'tol ibang bansa 'yun at hindi Pilipinas. Ang layo nun 'tol! Mas liberal ang lugar na 'yon kesa sa Perlas ng Silanganan. Bilang baklitang Pinoy, alam kong sako sako pang bigas ang kailangan natin lapain bago maipatupad 'yan ditekla. Hirap nga tayong ipasa ang RH Bill de vaaahhhh?!

Back to Manny Pacquiao. From being sugarol at babaero, ngayon ay tagapaghatid na siya ng salita ng Diyos which I truly appreciate bilang maimpluwensiya siyang tao. However, sa todong bilis ng shifting niya eh naging TH at hindi convincing. If you watched his recent interviews, hindi pwedeng hindi niya mabanggit si God. Ayaw ko man ibalik pero kahit ilang taon na ang lumipas, sariwa pa rin ang old image niya. I can still remember ang pag-iyak ni ma'am Jinky sa thanksgiving mass dahil sa isyu with Krista Ranillo.

Ang drastic kasi ng pagbabago ni kapatid na Manny. Kung inunti-unti niya sana, baka sakaling kapani-paniwala pa. Am I right Mommy D?

5 comments:

Harvey Holic! said...

Kaka-comment ko nga lang sa isang site na may ganyang issue nabasa ko ang mga walang walang comment ng iba sa ating mga kababayan,nakakalungkot lang. Yan din ang topic ng post ko :)

Anonymous said...

The devil can cite scripture for his purpose. He is a hypocrite. Eh paano naman ang pakiki apid sa iba? diba marami siyang inanakan?

Anonymous said...

Wala kasing pinag aralan kaya ganyan siya...

Anonymous said...

Naku, nag-isip sana si Pacquiao bago siya nag-comment ek-ek about same-sex marriage. Ayan, eh di tinitira sya about his infidelity and sex outside marriage.

Kasi naman, magsalita na nang magsalita ang kahit sino, but do not touch the subject of homosexuality. Look what happened to Miriam.

Anonymous said...

He wants to be president someday, kaya nagkukunwari. Pretending lang yan.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...