Thursday, June 4, 2015

Agawan

Last Friday ay sinamahan ko si mudra papuntang ospital para sa kanyang check-up at sa Quezon Ave. dumaan ang sinakyan namin. MTV moment ako habang nakatingin sa bintana nang makita ko ang tarpaulin sa harap ng Universal Tower building. May sale ulit sila! Kaya matapos ang daughter duties, pinauna ko na si La Mudra umuwi dahil sure na sure na todong matatagalan ako sa pangangalkal at pamimili.

Pasado ala-singko na ng hapon pero dagsa ang utaw. Friday pay day kasi. Agawan ang iba sa limited stocks ng DVDs at CDs. Pinabayaan ko muna sila at umastang supervisor na nag-ikot-ikot at nagmasid. I think bi-annual ang ganitong pa-promo ng Universal Records dahil noong 2011 at 2013 ay nakapunta rin ako. This time ay kasama nila ang Warner Records na nagtinda.

Bente pesos pataas kahit saan ka lumingon. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagdakot ng bibilhin. Nagtataka ako kasi 'yung iba, ilang kopya ng iisang album ang binili. I can't help but to eavesdrop to some conversations. I'm such a chismosa, right?! They sell it or trade online. 'Yung katabi ko sa pila, dinadala niya sa ibang bansa at doon ibinebenta. Bongga!

Sa dami ng pagpipilian, limang CDs lang ang nabili ko. May araw pa nung pumila ako, pasado ala-siete na ako nakabayad. Bukod sa iisa lang ang cashier, sobrang dami talaga mamili nung mga nakasabay ko. Karton-karton ang bitbit nila samantalang ako, naka-paperbag lang. Pero worthy naman ang pag-aantay dahil nadagdagan muli ang aking koleksyones.

Kaya kung kolektor din kayo at gustong makamura, pwede pa kayong humabol. May dalawang linggo pa silang magbebenta!

5 comments:

Anonymous said...

kaloka waley na talaga ang mga vcd o cd matket. P20 na lang?! if i remember it correctly, i was like 14 or 15 back then (im like 27 now, i know right, im so old na), yang mga vcd obcd sa odyssey eh P450 pa lang at ang unang una na pinag ipunan ko ay anv limited edition vcd/cd ni brinry spears album na 'britney' i am so happy back then, actually nasa akin pa rin at mukhang new pa. ayoko naman itapon o sunugin. what will i do kaya? ibenta? msy bibili pa kaya? how much naman? hihihi

Anonymous said...

shet 20.00 lang ang kiss me once ni Kylie? eh 800 bili ko nung last year

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, oh well, the cons of the Internet :(

-Teh Anonymous 2, TREW! Nagulat nga din akez kasi last year lang ni-release 'yan. One of the best albums of Kylie ♥

Christopher Rabanal said...

Ay sayang naman... Di ako nakapunta best....

Anonymous said...

Buti nalang wala c madonna dyan ang kanyang rebel heart album.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...