Sunday, June 14, 2015

Nakatunog

Naglalakad kami sa TriNoMa ni friend-na-laman-ng-mall-almost-everyday nang bigla na lang siyang lapitan ng isang lalaki at tinanong "Taga ABS-CBN ka ba?". Deadma lang kami at bumaba ng escalator. Nilingon ko si guy at sinundan pala kami. Nakita ko na parang may sasabihin siya pero binilisan namin ang lakad. Eventually, nawala din siya. Nakatunog siguro na 'di kami interesado sa kanya.

Kwento ni friend, madalas daw siyang lapitan nitong guy at 'yun at 'yun lang ang tinatanong. 'Di na lang daw niya pinapansin dahil obvious naman ang pakay. Though hindi na ako kasing dalas mag-mall tulad dati, pamilyar sa akin ang fes niya. Describe ko siya sa inyo - matangkad, lean body, may pagka-chinito, may tattoo (sa tenga yata?) at maayos tingnan. Naka-purple shirt, black jeans at flip-flops siya that day. Inobserbahan ko talaga oh! Kuda ni friend, maayos na nga daw siya noong nakita namin. Dati daw parang nakapambahay lang.

Last rest day naman, bumayla ako ng cork board at nagpa-print ng picture sa SM North. May isang otoko akong nakasalubong na ang lagkit ng tingin. Nang malapit na siya sa akin, bumagal ang pacing ng lakad at naging friendly ang fes. Alam na this! Buti na lang wala pang sahod or else, baka 'di ako nakapagpigil. ECHOS! Actually, takot din ako sa ganyan. Malay ko ba kung holdap ang ending ng inakala kong booking. Mahirap na de vaaahhh?!

Tanong lang mga ateng, naka-encounter na ba kayo ng tulad nito and how did you handle the situation? The best answer will be declared as the new Miss Universe. CHAREEENG!!!

7 comments:

  1. Naku Ms Melanie, yang lalaking yan, naikot na lahat ng mall sa Maynila. Madalas sya sa Trinoma, Gateway, and SM North. Nag-Isetann Recto na rin yan, so alam mo na

    Ang modus nyan, kunwari trip-trip. Pagkatapos nyong magpakaligaya, maniningil ng malaki.

    Minsan pa nga, kahit kinausap mo lang yan, maniningil na. Mag-eeskandalo pa sa mall.

    Iwasan nyo yan.

    ReplyDelete
  2. Nakakatakot naman... Wag naman sana mangyari sa akin yan....

    ReplyDelete
  3. mommy said when I was a kid : dont talk to strangers

    ReplyDelete
  4. May ganito pala sa trinoma! Well ako Bb. M sa isetan ako usually nakaexperience nyan way back college. May mga otoko na nagigive in ako dhl gwapo o d kaya mukha magaling o ung tipong bgla akng naL sa knila. May naexperience n rin akng mdyo naonse nla ako pero ako mega drama para d tluyan makuha ang anda. Well mdyo kapusukan kya mdyo shushunga shunga!

    Honestly kht di sa mall merun akng naeexperience minsan sa LRT/ MRT, sa Underpass sa Makati Business District and sa may Ortigas din ung tipong habang naglalakad ka bgla ka na lng mapapatingin sa kasabay mo dhl kung makatitig sau eh parang may pagnanasa tpz ung guy na nakatitigan mo bgla ng hihinto tpz ikw tloy sa paglakad at kapag nilingon mu eh sinisipat ka pa rin.

    Minsan nakakaexcite ung mga ganun eksena pero dapat mgng wais kc bka nga mabigo ka ng sobra sobra kaya ngaun may regular akng kaFUBU with paysung nga lang.

    -Piyu Ross

    ReplyDelete
  5. Oo madami ngang ganyan, lalo na pag dis oras na ng gabi, dati kasi afternoon shift ako so pag uwian meron ka talagang mapapansin. Mahirap lang ding ma sense dahil parang mga normal na mamamayan lang din sila na ginabi. May isang time nakatitigan ko sa overpass mga split second lang yun, pero maya maya napansin ko katabi ko nang nag aabang ng jeep. Tapos itinuloy namin ang titigan pero wala ring nangyari dahil matatakutin talaga ako. Mga 20 minutes din kaming naglaro ng titigan game para lang syang isang eng student na pauwi na from school. Nawala sya bigla tapos may nag approach sa akin, natakot naman ako dahil madungis yung mama kaya nag fight or flight ako. Yun pala middleman yun na kinausap ni eng student. On a hindsight, dapat naging mas adventurous ako dahil 5 years after, naiisip ko pa rin ang moment na yun. Meron naman minsan gabi makasalubong mo magtatanong kung anong oras na. Alam na this na rin yun pero tulad ng dati di ko pinapatulan kaya eto tumanda akong dalisay at lantay. May kasabihan nga tayong "Regret for the things we did can be tempered by time; it is regret for the things we did not do that is inconsolable." - Sydney J. Harris. Thank you.

    ReplyDelete
  6. punyeta! bakit dito sa pangasinan wala akong naencounter na ganyan??!! nagpunta na akong robinsons pangasinan, sm rosales, nepo mall dagupan, csi lucao dagupan at kung anik anik pang mal... WALA!!!!! yung totoo? sabik din ako sa ganyang thrill adventure?! hay naku!

    ReplyDelete
  7. Dami rin sa shangrila plaza...try ninyo

    ReplyDelete