Sunday, June 21, 2015

Espesyal

Wit talaga papakabog ang mga Noypi sa pag-post ng status, comment at pictures 'pag may special occasion, mapa-regular at special holiday o simpleng paggunita lang. Tulad ngayon, we are celebrating Father's Day. Bilang ginawan ko ng entry si mudra last month, dapat lang na pati si La Pudra din!

Isa 'yan sa pinaka-espesyal na litrato sa photo album ko. Galing kami sa pamamasyal but I can't remember kung sa Manila Zoo o Luneta ba kami nagpunta. May nadaanan kaming nagbebenta ng payong at nagpabili ako. Bata pa lang eh bilmoko queen na akez. ECHOS! Pinili ko yung printed na kulay orange with ruffles lining at small whistle.

"Ito na lang kulay itim." sabi ni pudra.

"Ayaw, gusto ko nun." sabay turo sa orange na payong.

Walang abog-abog na binili niya at hindi pinagpilitan ang kanyang gusto. Hanggang sa sasakyan, nakangiti ako habang hawak ang bagong payong. Kita niyo naman sa picture, hindi ako agad nagpalit ng damit at halos lunukin ang malaking bayabas. 

My father may not be perfect and I know he is far from that, pero isa sa pinagpapasalamat ko sa Diyos ay nunca niya akong kinwestiyon, nabugbog, nadiskrimina o pinagtabuyan dahil sa pinili kong kabaklaan. Doon pa lang, lamang na siya sa iba. 

Minsan, susunduin niya ako sa opisina para ihatid sa bahay tapos may pabaong ulam. Kapag galing siya ng probinsiya, lagi siyang may bonggang pasalubong. He's such a sweet father, maybe that's why he is my favorite parent. Oh! Hindi ibig sabihin niyan mas matimbang na siya kay La Mudra. I love them both! 

HAPPY FATHER'S DAY LA PUDRA!
I miss you and see you soon ♥

3 comments:

  1. me too, si pudra ay dating US navy. namamalo nung bata ako si pudra pero dahil lang yun sa kakulitan naming magkakapatid. marami akong memories sa kanya na di ko makakalimutan like nung 3rd year highschool ako at may outing ang section namin, isa ako sa nakatoka na magdadala ng kanin. so mega gising ako ng maaga para magluto ng kanin namin pero waley ang kanin na niluto ko, nagkulang sa tubig. sayang yung kanin, ang dami dami pa naman so nung nakita ni pudra tinanong nya kung para sa saan tapos sinabi ko nga para sa outing namin, im expecting na magagalit sya pero di nagalit bagkus nung inihatid na nya ako sa meeting place namin, bumili muna sya sa nadaanan namin karenderia at bumili ng dalawang kaldero ng lutong kanin...... hindi pa ata ako nag thank you noon hahaha... dami pang memories.... haay... i miss my father... kaso wala na sya eh. wew naluluha ako sa part na toh ng comment hehe

    ReplyDelete
  2. ur so blessed and lucky teh melanie kasi nga ung iba nakaranas ng pambubugbog, panglalait at descriminasyon kahit sa sarili nilang tatay o kaya ung ibang bading pilit na itnatago at ikinukubli ang sarili para di malaman ng tatay kasi bka di sila matanggap.

    ReplyDelete
  3. - Teh Anonymous 1, ang sweet naman ni pudra mo! Kahit wala na siya, just continue to make him proud sa heaven. For sure, lab na lab ka niya ;)

    - Teh Anonymous 2, I feel for our sisterets na ganyan ang naranasan. Hopefully, we can change the world at dumami ang mga pudra na mapagmahal, mapagkalinga at mapag-unawa.

    ReplyDelete