Tuesday, August 31, 2010

Putol

Krimen ang pumatay sa tao dahil tanging Diyos lamang ang may likha ng ating buhay. Pwede bang i-apply ito sa pagputol ng mga puno?

Naloka watashi ng todo sa nabalitaan ko kagabi sa Bandila. Mahigit-kumulang limang daang puno ang pinutol sa isang probinsiya (Nueva Vizcaya yata) dahil hadlang 'daw' sa irigasyon. Haller!?! Kailan pa naging hadlang ang mga puno? Eh sila nga itong tumutulong sa pagkakaroon ng tubig sa mga sapa at ilog. Kung di ba naman tinamaan ng lintik ang mga namumuno sa probinsiyang 'yan oh!
Ang tao, kayang bumuo ng buhay sa loob ng siyam na buwan samantalang taon ang bibilangin bago maituring na puno ang isang halaman. Hindi man nakapagsasalita ang mga puno, buhay din ito na tulad natin. Pinakikinabangan mula sa hanging ating nilalanghap hanggang sa pagkain ng kanilang mga bunga. Nakakalungkot lang talaga na sadyang malupit ang ibang tao sa mga bagay na walang kalaban-laban.

Pangalagaan natin ang ating kalikasan lalo na ang mga puno. Kung hindi ay mapuputol din ang itatagal ng buhay natin dito sa mundo.

PaBATI

A BIG HAPPY HAPPY BIRTHDAY to my sweet fantasy Kevin Zaldarriaga.

Ang tanging hiling ko para sa'yo sa araw na ito ay makatikim ka ng isang masarap na tulad ko.

Saturday, August 28, 2010

Shanelle

Part of our incentives as a hard-working beauty queens ay ang pagkakaroon ng HMO Card. My good friend Shanelle (gitna) decided to use it para magpacheck-up ng kanyang bodacious body. Ending, naka-admit siya ngayon sa The Medical City for further examination. I just hope that she'll get better soon and work again. Mahalya fuentes ang magkasakit ngayon kaya naman I pray for her fast recovery. Love you mare!

Friday, August 27, 2010

L na L

My sweet and tender juicy days will not be complete without Leonardo Litton.

Kasagsagan noon ng Seiko Films as El Primero Productor ng Titillating Films. Gardo Verzosa, Rosanna Roces, Priscilla Almeda, Diana Zubiri at Klaudia Koronel ang ilan lamang sa mga napasikat nila. Takaw atensyon naman ang mga pangalang Brigette de Joya, Deborah Carpio at Nini Jacinto. Pero sa lahat ng nabanggit, tanging si LL ang gumising sa aking bubot na kamalayan.

Di pa allowed ang isang tulad ko na manood ng kanyang mga pelikula noon dahil sa underage pa watashi. So bonggang antay lang ako ng mga trailers at interview niya sa TV. Ginugupit ko din ang mga movie posters niya sa tabloid at kinokolekta. Kapag napapadaan naman sa komiks stand, napapa-second look ako sa mga nakasabit na Chika Chika magazines na cover siya.

Bad News: During my college years, huminto na sa pagpo-produce ng pelikula si Robbie Tan kaya naman kahit legally blonde na ang lola niyo, hindi ko siya napanood sa malaking telon.

Good News: Nagkaroon ng VCD copy ang karamihan sa mga pelikula ng Seiko kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng oras at pinakyaw ko lahat ng pelikula ni LL.

Introducing siya sa Burlesk King kung saan napanganga ako ng todo sa macho dancing scene niya. Sobrang nakakatawa naman ang Talong na may bonggang frontal nudity. Gigil is also funny while Tikim and Arayyy! tackled serious matters.

One of LL's best assets aside from his baby face is his convex buns. Mapapakape ka talaga sa sarap! Last news that I heard about him is nasa New York daw siya. I wonder kung may family na siya. At kung wala, pwede pa kaming bumuo.

Iba

Here's the perspective of my good friend Ate Paul to the hostage crisis that happened last August 23:
"Huwag naman natin masyado apihin ang mga pulis na humawak sa hostage taking kamakailan. 3rd world country tayo, salat sa training, tactics, gamit etc. May mga pagkakamali man sila, tinaya pa rin naman nila ang buhay nila na hindi iniisip na may mga anak at pamilya din sila na pwedeng maulila dahil sa kanilang serbisyo (hindi kasama dito ang mga officials na walang kwenta)"
Somehow may point siya. Sana lang talaga walang namatay.

Thursday, August 26, 2010

Raymund Lim

Where on Earth...

is Raymund Lim?

Naaalala niyo pa ba siya mga shupatemba? The hot chinito guy sa Provoq Voyeur eklaboom video. Kahit 2006 pa yun inilabas, sarap na sarap pa rin ako sa panonood habang siya'y nagluluto nang naka apron lang. Susme! At dahil nabulag ako before sa kakapantasya sa kanya, bumili pa ako nung 1st issue ng Climax magazine (or coffee table book ba yun?). Halos umiyak ako sa presyo pero worth the price naman ang mga pictures kung saan ibinahagi niya sa atin ang kanyang ngik ngak ngok plok plok plok.

I terribly miss him. Saan na kaya siya ngayon?

Wednesday, August 25, 2010

Mali

First periodical exam ng pamangkin ko na nasa Grade 3 at meron silang provided reviewer from their teachers. Siyempre, bilang dakilang uncle eh kailangan ko siyang i-review para naman kahit papaano at maipasa niya ang mga exam. I was browsing his Science reviewer at may mga questions na hindi ko alam ang sagot. I asked him kung may Science book siya and he said walang binigay sa kanya. Yung ibang classmates daw niya ay meron. Intiendes ko na kinulang sa supply ng Science book ang public school na pinapasukan niya. Sinabi ko na lang na bibilhan ko siya ng libro.

So went ako last Sunday sa aking shopping haven Recto slash Quiapo slash Avenida slash Isetann. Pumunta muna ako sa suki kong bookstore at nagtanong ng pinakamurang Science book na pang grade 3. Pero mahalya fuentes ang kanilang tinda kaya naman ni-refer niya ako sa mga nagbebenta sa bangketa. Oo nga naman. Kung gusto ko ng murayta avenue, dun dapat ako. Paglabas ko, ask ko kaagad si kuyang tindero kung meron sila nung libro.
"Public or private?" tanong niya.

"Yung pang private po. Wala naman po kayong pang public di ba?" litanya ko.

"Meron" sagot niya.

"Magkano?"

"100 sa public at 120 sa semi-private"

"Sige patingin ako"
Nakipagtawaran portion muna aketch pero matigas si kuya sa suggested retail price. Umalis siya sa kanyang pwesto at pinag-antay ako ng hindi naman lalagpas sa limang minuto. Mukhang dinayo pa niya sa ibang pwesto yung mga libro.
Pagkabalik niya, sinipat sipat ko muna yung mga libro. May pagkakapareho at pagkakaiba sa topics ang dalawang libro. Nag-isip muna ako kung ano ang kukunin at napagdesisyonan kong bilhin yung pang public. Natawaran ko ng 90 pesos.
"May nakulong na akong kasamahan sa pagbebenta ng ganitong libro" habang pinaplastik niya ang libro.

"Eh bawal ho ibenta yan eh"

"Dapat unahin nila yung sa taas"
Hindi na ako nakipagdiskusyon pa at inabot ko na ang bayad.

Kaya naman pala hindi nabigyan ng Science book ang pamangkin ko at kinukulang ng book supply ang mga public schools sa Pilipinas, may mga taong walang pusong inilalabas ang mga libro at ibinebenta ng palihim. Sana naman ay makarating sa DepEd ang isyung ito at maaksyunan nang husto. Nakasalalay dito ang kinabukasan ng kabataang Pinoy.

Mali man ang pagbili ko sa naturang libro, ang magagawa ko na lang ay i-donate ito sa eskwelahan pagkatapos ng school year.

Tuesday, August 24, 2010

Salamat

Thank you so much to Maria Venus Raj for giving us a reason to smile despite of what happened last night. Nalubog man tayo nang bongga sa kahihiyan dahil sa hostage taking kagabi sa Quirino Grandstand, todong iniangat naman tayo ng isang Pinay.

MABUHAY KA VENUS!

Isang malaking TSE! sa mga laiterang hindi masaya sa na-achieve niya para sa ating bansa. Lalo na dun sa mga nagsa-suggest na dapat isinagot niya (in mabulaklak na english sentence). Kung ikaw man ang nasa pwesto niya, baka hindi ka natawag kahit sa top 15 man lang kaya wag kang ambisyosa. Matuto kang makuntento sa kung anong meron lang.

Request Granted

Madami kayong nag-request kaya naman bilang reyna ng masasarap na beki, eto ang aking malinamnam na handa para sa inyong lahat. Malugod kong ibinabahagi sa 'sangkabaklaan ang masasarap na larawan ni Richard Pangilinan.

Magdiwang tayo!

*Special thanks to Ate Bullfroglita for the exclusive and saucy "peeks"

Monday, August 23, 2010

Badtrip

Ynez na ynez veneracion watashi sa pagpunta ko kanina sa isang dental clinic located in Walter Mart Muñoz. Imbes kasi naka-smile akong lumabas ng klinika, imbyernang imbyerna aketch. 6 PM ang schedule ko sa dentist at wala pang six eh andun na ako. Aba, 6:47 PM na akong tinawag. Antagalog kong nag-antay di ba. Nung dumating ako, wala pa yatang pasyente si doktora dahil nakita ko siyang nakikipag-chikahan lang sa iba dentista. Dagdagan mo pang labas-pasok siya sa klinika.

At eto pa, nauna ako dumating sa isang pasyente pero siya pa yung inunang tingnan. Eh magsi-six na. Kung nauna mang magpasched yun, dapat sinabihan siya na mag-antay after ko since malapit na yung schedule ko at mukhang late siya. Badtrip na badtrip talaga ako! Nung tinawag na ako ng assistant para umupo dun sa dental chair, sabi ko cancel na lang dahil naiinis ako. Siyempre, nagulat si ateh pero walang nagawa. Sa totoo lang, halos magwala na ako sa loob nung klinika dahil bukod sa inis, sinayang pa nila yung oras ko yet pinigilan kong mag-transform. Ayaw kong matulad sa kanila na tinaguriang propesyonal sa piniling larangan pero hindi alam ang tunay na kahulugan ng pagiging "professional".

#$+@&* !^@ talaga! Peste! Hanggang ngayon pala naiinis aketch! GGGRRRRR!!!

Saturday, August 21, 2010

Minsan May Isang Gamu-Gamot

At long last, nakapagpacheck-up na si mother dear sa kanyang doctor. Nag-undergo na rin siya ng laboratory test and all. Hindi nga lang maganda ang resulta dahil mataas ang kanyang cholesterol and sugar level. The doctor decided to update her maintenance medicines. So go agad ako kanina sa The Generics Pharmacy to buy it at NALOKA talaga ako sa presyo. Though mas mura na kumpara sa mga gamot na binebenta sa Mercury Drug at Southstar, hindi ko pa rin naiwasang manlumo. Ang mahal na pala talaga ng mga gamot ngayon. Para sa aking mahal na ina, isang malaking DEADMA sa presyo.
Pero paano na kaya yung iba nating kababayan na hikahos sa buhay at meron pang sakit? Ngayon, naiintindihan ko sila ng lubos kung bakit mas pinipili nilang wag na lang ibili ng gamot ang pera nila. Bagkus, ilalaan na lang sa kumakalam na sikmura. Naalala ko tuloy yung panahon ng kampanya na karamihan sa mga kandidato ay nangako ng mas murang bilihin para sa mamamayang Pilipino. Wish ko lang, in the process na ang pangakong ito bago mahuli ang lahat.

Friday, August 20, 2010

Hatawin niyo 'ko

Richard Pangilinan
Jojo Nepacina
KONGRACHULEYSHONS to Richard Pangilinan and Jojo Nepacina for bagging the 1st and 3rd place in Hataw Super Bodies Year 5 last August 18. In all fairness naman, deserving sila. Katawan pa lang, panalo na!

Pahataw naman oh... pleeease?


*Big thanks to Ate Bullfroglita for the exclusive "peeks".

Kabog!

Fresh na fresh from the preliminaries of Miss Universe 2010 ang mga pictures na yan. Todo ang saya ko sa bonggang performance na binigay ni Ateh Venus. Talbog ang ibang kandidata sa paraan ng pagrampa niya. Idagdag mo pa na halos dumagundong sa loob ng venue sa dami ng Pinoy. Nagkaisa yata ang mga Pilipino sa States na pumunta sa Las Vegas para suportahan ang ating pambato. Nakaka-proud talagang maging Pinoy!

Click here to experience how Venus conquered Las Vegas.

*Special thanks to JB of Facebook for exclusive photos.

Thursday, August 19, 2010

Bitin

Can I Just Say:

Hindi ako masaya sa mga numerong nakikita ko sa aking payslip. Kaya naman ang payo ko na lang sa aking sarili ko ay...

"Matutong mamaluktot pag maiksi ang kumot"

Boybands

Nasa unang baitang ako nang aking "pagdadalaga" ng bonggang mauso ang mga boybands. At dito ko nakilala ang mga lalaking nagpa-awit sa aking bubot na pukelya este puso pala.

Jimmy Constable, Lee Brennan & Spike Dawbarn
911 ang nakauna sa akin. Grade 6 ako nang mahumaling nang husto kay Lee Brennan, ang kanilang lead singer. Lalake pa yata ako nung Grade 5 kasi may crush ako sa section 2 na Esperanza ang name. So bale after one year pa bago ko natuklasan ang paraiso ng mga adan. Ang MTV Asia ay nasa Studio 23 pa noon at todo antay talaga ako sa kanilang music videos kahit galit na si mother dear dahil gusto nang ilipat sa ibang istasyon. Pumunta sila ng Pilipinas 1998 or 1999, basta first year high school ako to promote their Moving On album. Nag-mall show sila sa SM North at napilit ko si Zoe Marie (classmate ko) na samahan ako para manood. Kaya naman after ng Earth Science class namin, dali-dali kaming sumugod sa event . Buti't sa Cubao lang location ng school namin. Deadma kahit naka-uniform at backpack pa, basta masight lang ang first love ko.

Bryan McFadden, Nicky Byrne, Mark Feehily, Shane Filan & Kian Egan
After ma-disband ang 911, agad na nalipat ang atensyon ng bata kong puso kay Shane Filan ng Westlife. Wala yata akong pinalagpas na songhits mapa-imported man o local, basta may poster or article about them, bibilhin ko. Todong trade pa kami ng mga classmates kong sina Princess at April ng mga cut outs. Kung may budget na mas malaki, sa Booksale ang journey ko. Pressured din ako na makaipon ng 140 or 150 peysosesoses para mabili ang cassette tape version ng album nila on its first week release.

Lee Ryan, Duncan James, Antony Costa & Simon Webbe
Then Blue came in to my life. It was 2001 when Lee Ryan stole my heart from Shane but not the entirety of it (ambisyosa level 1). Nalito ang puso at nahati atensyon ko sa kanilang dalawa (ambisyosa level 10).

But just like any other feelings (feelingera!), ito'y nawala at dinala ng hangin sa paglipas ng panahon. Westlife still makes music while Blue is back in studio to record a new material. I just hope that 911 will make a comeback and make beautiful music.

Wednesday, August 18, 2010

Limot na Yaman

Upon browsing my VCD collection, may isa pa pala akong hindi napapanood. Kaya naman hindi ko pinalagpas ang rest day ko nang hindi isinasalang ang Dyesebel ni Ate Vi.
Aliw na aliw kami ng pamangkin at mother dear ko sa panonood ng pelikulang ito. Ang totoong title pala nito ay Si Dyesebel at ang Mahiwagang Kabibe na pinalabas 37 thunder years ago. Bongga! Infairness, malinaw pa naman ang kopya at maayos ang audio quality.

Simple lamang ang kwento at wala masyadong komplikasyon. Nakakatuwa ang mga eksena nina Ike Lozada (RIP) at Kuya Germs. Madaming MTV moments sina Ate Vi at yung leading man niya na si Romeo Miranda. Uso pa kasi noon ang harana sabi ng mother ko. Ngayon, korni nang maituturing ito.

May na-realize ako sa panonood ng Dyesebel. Ibang-iba na ang kalidad ng pagsasalita natin sa ngayon kumpara noon at ang mga kaugaliang Pinoy na dapat pinagyaman ay nabaon na sa limot. Nakakalungkot man isipin ngunit totoo.

Aylabyu

Bakit ba ginaganito mo ako? Di ba't sinabi kong kakalimutan na kita. Hindi tayo bagay dahil out of reach program ang isang tulad mong nabibilang sa alta de sosyedad. Bukod diyan eh anim na taon ang tanda ko sa iyo. Ngunit hindi ko mapigilan ang puso kong lab na lab ka.

Gayon pa man, uso ang mga cougar ngayon. So pwede pa rin tayo

Tuesday, August 17, 2010

Identical

Kaya pala hindi ko pinagnasaan ng todo si Joseph Bitangcol kahit nagboldie-boldie siya sa Walang Kawala, kamukha pala niya si Mura.

At eto ang tunay na identical. Hindi man sila magka-fez eh pareho naman ng ugali kaya magkasundong magkasundo sila. Di ba?!?

Saturday, August 14, 2010

Anahaw

Talbog ang pambansang dahon natin sa pilik-mata ni Miss US Virgin Islands.

HoMayGash!


Wet na wet ang Agosto dahil bukod sa umuulan, basa rin ang feyk feyk ko because of Richard Pangilinan. My gash! Nabubulunan ako sa nasa-sightsung ko! Tubig nga!

He's one of the male candidates for the upcoming Super Bodies Bikini Open Year 5. Yes, bikini open sa tag-ulan. Magaganap ito sa ika-18 ng Agosto, Miyerkules sa Metro Comedy Bar in West Avenue, QC.


Labing-pitong kalalakihan at (sige na nga) labing-walong babae ang maglalaban-laban at rarampa para sa titulo. Special guests ang Masculados, Mocha Girls at si Princess Ryan. Ito ay produced ng Jumpstart Productions. Para sa tiket, tawag lang sa Ticketnet (911.5555), Ticketworld (891.9999) o buy na lang sa mismong venue.

Special thanks to Ate Bullfroglita for the exclusive photos.

Bumawi

Kung chakaness at disappointed tayo sa kahel na evening gown ni Ateh Venus Raj, bumawi naman siya nang bonggang bongga sa kanyang official Fadil Berisha glamshot, headshot and swimsuit photo. So FIERCE! For sure, marami sa ating mga shupatemba lalo na ang mga kontesera ang gagaya sa kanyang poses.

Iboto natin siya para magwagi bilang Miss Photogenic. Pindutin lamang
dito.

Friday, August 13, 2010

And the nominees for best supporting actress...

Melanie (walang muk-ap, depressed pero naka puting night gown):
Hindi ako makakapayag na magsama kayo! Akin lang siya!
Arem (may bitbit na LV bag, kuntodo alahas at naka Chanel na pumps):
Hindi mo siya pag-aari!
Melanie:
Oo! Pero mahal ko siya. Nagkatampuhan lang kami pero bigla kang umentra. Inakit mo siya! Mang-aagaw!
Arem:
Wag na wag mo akong paparatangan ng mga bagay na walang katotohanan. Umpisa pa lang alam mong ako ang mahal niya.Nagparaya ako nang sinabi mong gusto mo siya dahil kapatid kita. Pero anong ginawa mo, niloko mo siya. Malandi ka!
Melanie:
Kasalanan ko bang matukso. Gutom ako. May masarap na lalaking nakahain. Anong gagawin ko? Tititigan lang? Ano ako tanga! Eh di siyempre tinikman ko.
Arem:
At nagustuhan mo naman kaya inulit-ulit mo. Nagmamahalan kami at sa pagkakataong ito, hindi kita hahayaang humadlang.
Sabay talikod pababa nang hagdan. Dali-daling sumunod sa likuran niya si Melanie at sinipa siya sa spinal column. Nagpagulong-gulong siya hanggang duguang bumagsak sa ibaba ng hagdan.

Melanie:
Nyahahahahaha! Yan ang napapala ng katulad mong mang-aagaw! Nyahakhakhakhak!
Arem sa pelikulang "Buhay ang Kapalit sa Masarap na Lawit".

Thursday, August 12, 2010

Orange

Isa ako sa mga nasasabik sa taunang Miss Universe competition at talaga namang talbog ang ibang kandidata sa ating pambato sa taong ito. Hubog pa lang ng katawan at projection ni ateh Venus Raj, luz valdez na sila.

Pero look naman at her official evening gown sa Miss Universe website, ang chapter 2 to the max. Okay sana yung color kasi it compliments her skin tone pero juice ko naman, kulang sa WOW factor ang design. Tapos yung sandalyas na sout, hindi bagay sa kulay ng gown. Maganda pa yung mga Parisian shoes sa SM.

Kayo... anong sey niyo?

Wednesday, August 11, 2010

Midnight Snack

Clockwise from top: Ervin David, Jobo Roa, Rafa da Silva, Gerard Sison,
Laxie Villar, RR Meneses, Michael Acuna, Farzam Nasirian,
Mehran Khaledi, Kevin Zaldarriaga, Anthony Roque and JR Tirona

Bago matapos ang gabi mga shupatemba, tara at lumaps muna tayo nang bongga. Magpaka-busog tayo sa iba't ibang putaheng nakahanda. Basta, akin sina Anthony Roque at Kevin Zaldarriaga ah.

Ang sarap saraaaaappp!!! Teka't magtitimpla lang ako ng Chocquik...

Tekken

Can I Just Say:

Akin ka na lang Jon Foo AKA Jin Kazama.

Balak ko sanang panoorin sa big screen ang pelikulang Tekken pero dahil sa nangyari kagabi, parang nagbago ang isip ko. Nagkaroon kasi ng bonggang special screening sa loob ng bus na sinasakyan ko ang pelikulang ito in full HD. Nakakaloka! But wait... hindi ko ito natapos kaya baka matuloy pa naman ang balak ko. Tsaka gusto kong ulit masilayan nang todo ang kahubdan ni Jon Foo. Nabitin kasi ako kagabi eh. Cute din ng accent niya kapag nagsasalita.

Ang sarap sarap niyang papakin! Yam! Yam!

Tuesday, August 10, 2010

Pila, Misa, si Lady GaGa at ang Fink Fence ni Bayani

Dahil sa rest day ko kahapon sa trabaho, sinamahan ko si mother dear sa Capitol Medical Center for her check up. Juice ko day! Todo sa haba ang pila. Number 21 or 23 yata kami at si number 6 pa lang ang natatawag. Estimate ko eh mahigit kumulang isang oras si doktora sa isang pasyente kaya napagpasyahan namin ni mother sa ibang hospital na lang pumunta. Since hapon na, resched na lang next week same day pero hindi na same hospital.

Nauna na siyang umuwi sa bahay at ako naman at dumaan muna sa Quiapo church para magsimba. Dahil sa weekdays, 5PM pa ang misa. Alas-kuwatro pa lang nang hapon kaya naman bumaba muna ako ng Morayta para dumaan sa Recto at tumingin tingin nang libro. Napansin ko si aleng tindera na kinikilan ng tindang hotdog sandwich. Pinipilit niya yung tambay na bayaran ang kinuhang paninda pero hindi siya pinakinggan. Kapal nang mukha ng hayup na tambay! Naawa ako dun sa tindera dahil bukod sa matanda na, magkano lang naman ang tubo niya sa paninda at may isang hayup pa na hindi nagbayad sa kanya. Diretso sa impyerno ang walanghiyang ‘yun for sure.


Pinuntahan ko ang bookstore na nagtitinda nang paborito kong libro pero walang bagong nobela ang paborito kong awtor. Punta ako nang National Bookstore. Nag-ikot ikot at medyo nagtagal sa kakatingin pero wala akong nagustuhan kaya napagpasyahan ko nang pumunta sa simbahan.


On my way, nadaanan ko ang isang stall kung saan may nagtitinda ng mga original CD’s half the price. Mga bago at hindi pa nabubuksan. Balak ko sanang bumili ng old albums ni Kylie pero walang available. Super search ako sa stack of CD’s na nasa harapan ko. Halos malunod ako sa dami. May mga DVD’s din. Hanggang sa nakita ko si Lady GaGa. Tinanong ko si ate kung magkano. 250 daw. Bongga! Morayta avenue to the max. Pero sinumpong ako ng kakunatan ko kaya mega tawad ako. Sabi ko 200 na lang. 220 na lang daw sabay tanong kung ilan ang kukunin ko. Isa lang sagot ko. Ayun! Nabili ko ang The Fame sa halagang nais ko. Perfect! Dagdag sa koleksyon ko.

Pumasok ako sa simbahan nang hindi pa nagsisimula ang misa.
Sakto para maka-usap ko si Hesus. Sa totoo lang mga shupatemba, feel na feel kong magsimba kapag hindi masyadong matao ang simbahan. Mas nakakapag-focus ako sa misa at hindi masyadong mainit. Sabi ni Father sa homily “It pays to be obedient”. Swak na swak para problema ko sa opisina. Kung matututo lang daw tayong sumunod, ligaya ang babalik sa atin. Tamaahh! So from now on, I’ll try my best to be obedient. I’ll not promise anything pero susubukan ko at iyon ang mahalaga.

Pagkatapos ng misa, pumunta muna ako sa National Bookstore sa Avenida near LRT station. Sa wakas, may napili akong libro. Pagkabili ko, napagdesisyunan ko nang umuwi dahil pasado ala-sais na nang gabi.

Sakay nang jeep pabalik nang Quezon City, napansin ko si lola sa aking tabi na nagrorosaryo. Likas talaga sa ating mga Pilipino ang pagiging relihiyoso. Bumaba si lola sa Pantranco at nagpatuloy ang biyahe ng jeepney. Medyo mabagal ang takbo dahil sa rush hour pa. Pasado
ala-siete na nang gabi. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng Quezon Avenue malapit sa Delta, biglang nag-menor si mamang driver sa kaliwa. Bumilis ang takbo ng sasakyan at napunta kami sa gitna nang kalsada. May narinig akong tili at pag-aalala. Napuno ako ng pangamba ngunit nanatili akong tahimik.Laman ng isip ko ang aking pamilya. Nawalan ng preno ang aking sinasakyan. Alam kong titigil din ito at hindi Niya kami pababayaan. Naisip kong maaring bumangga ang aming jeep sa fink fence ng MMDA. Nasanggi na namin ang mga tanim na bonggangvilla at umakyat na sa gutter ang aming sasakyan. Natatakot akong baka bumaligtad ang jeep at masaktan ang karamihan sa amin. Sa wakas, huminto ang aming sasakyan (thanks to ex-chairman Bayani Fernando's fences). Walang nasaktan sa mga pasahero at higit sa lahat, hindi nangyari ang inisip ko. Dali-dali akong bumaba at sinabi sa mga pasahero na magsibabaan na rin. Saktong may jeep sa gitna ng daan na parehong ruta kaya sumakay na ako kaagad.Nakauwi ako pagkatapos nang ilang minuto.

Ito na ang pangalawang beses kong nakasakay ng jeep na nawalan ng preno sa taong ito. Abot-abot ang pasasalamat ko sa Kanya at hindi niya ako pinababayaan. Binigyan pa Niya ako nang isa pang pagkakataon para mabuhay sa mundo kaya naman hindi ko ito aaksayahin. Patuloy akong magiging isang mabuting alagad at pahahalagahan ang bawat araw na Kanyang regalo para sa akin.