Thursday, September 30, 2010

Refreshing

Ayan, bonggang bongga ang aking dalawang araw na pagha-hibernate mula sa technology. Feeling ko kasi todong radiation na ang nasasaganap ng bodacious body ko sa magdamagang tunganga sa harap ng computer. Kaya naman nag-ala Flintstones ako nitong nakaraang rest day ko. No blogging, no tweeting, no Facebook for 2 days. At perfect naman dahil 'ika nga ni Ces Drilon, I survived.

Pansin ko lang kasi, naging dependent ako masyado sa chat at exchanging of electronic messages na halos nakalimutan ko na ang value ng personal conversation. It's refreshing to see friends personally, have fun and bond with them. Masarap din i-spend ang araw with family at mag-usap ng kung anu-anong topic.

Kaya naman paggising ko kaninang umaga, feeling fresh and energetic ang byuti ko. At dahil masarap sa pakiramdam, I'll try to live a pre-historic life every rest day ko.

No technology.

Just pure Science.

Monday, September 27, 2010

Gusto

Meron akong dalawang bagay na gustong ma-achib. Una...

Saan kaya ako makakabili ng sandalyas na tulad ng suot nila? Ang ganda di ba?!? Basta morayta avenue lang, buysung talaga ako ng 'sang pares.

Pangalawa, gusto kong maging ka-fez si Rozanna Purcell. Bet na bet ko ang eye muk-ap niya at matatambok na labi.

Ano kaya sa dalawa ang madaling ma-achib? Hhhmmm...

Happy

Ang swerti-swerti ni ateh Heart Evangelista dahil siya lang naman ang nakasungkit sa heart ng kapanta-pantasyang si Daniel Matsunaga. Napanood ko kahapon sa Showbiz Central ang interview nilang dalawa with antie Raymond G. at infernez, bagay na bagay sila. Nakakakilig!

Sa lahat ng naging jowa ni ateh, si Daniel lang ang bumagay sa aura at ganda niya. Aprubado pa ng mudang at pudang niya kaya hindi maitatangging masaya siya. Well, she deserves to be happy naman kaya lets do the same thing... ang maging happy para sa kanya at sa lablayp ng iba. 

Happy Monday everyone!

Sunday, September 26, 2010

Bruno Alves

 
Magtatanghalian na mga ateh at sagot ko na ang ating panghimagas. Imported from Brazil, here's Bruno Alves.

Todong dinagsa ang ating bansa ng mga dayuhang modelo katulad nina Daniel Matsunaga, Akihiro Sato at Fabio Ide. Talaga namang masasarap sila di ba?!? Pero sa mga Brazilians na dumating dito, bukod tanging si Bruno lang ang naging crush ko (wow! highschool). Well, hindi naman kasi maitatangging kaakit-akit ang kanyang hitsu. Fes pa lang, sogbu ka na. Lalo na ang kanyang mga pande-pandesal na hindi lang sa tiyan pero nakakalat sa dibdib, braso at kung saan saan pa.

Oh, busog ka na ba?

Kung hindi pa, watch mo na lang ang kanyang PH Care commercial dito.

Saturday, September 25, 2010

Effort

Noon: Effort ang mga bakla para mag-mukhang mujer.

Ngayon: Effort ang mga bakla para mag-mukhang mhin.

Friday, September 24, 2010

Still the best!

Si Brent Javier pa rin ang maituturing kong best Pinoy model sa panahon ngayon. Medyo nag-lie low nga lang siya sa modeling industry at hindi ko knows kung bakit. Medyo iilan na lamang ang mga Pilipinong modelo ngayon samahan mo pang dinagsa tayo ng mga banyaga (di ako nagrereklamo ah).

Personally, I like his body. Parang Coke, sakto lang. Hindi masyadong ma-maskels at payat. Mapapakape ka naman sa kanyang mga pandesal. Yum! Kung face value naman ang pag-uusapan, wa ako ma-say sa kagwapuhan ng lolo niyo. Isa sa mga paborito kong advertisement na nagawa niya ay ang Ponds beauty powder kung saan kasama niya ang equally gorgeous na si Alvin Alfonso.

Nakaka-miss siya. Sana maging active ulit siya sa runway or di kaya sa mga TVC's and print ads.

Burlesque movie poster

Bonggang bongga ang concept ng movie poster ng pelikulang Burlesque. Simple, elegante at kabog na kabog! Excited na ako sa pagbabalik pelikula ng ageless byuti na si lolah Cher. Isama mo pa diyan ang feyvorit kong si Christina Aguilera, ay talagang watch ko ito sa big screen. Sana lang maipalabas ngayong taon ito dito sa Pilipinas. 

Click here to watch the movie trailer.

Thursday, September 23, 2010

Buhay ang kapalit sa buhok na 'di nagupit

Nakakarimarim na balita. Isang estudyanteng labing-apat na taong gulang ang walang awang pinag-sasaksak hanggang mamatay ang kanyang guro. Nakakaloka! Hindi ko kinaya ang bad news na ito.

Ayon sa balita, ang rason kung bakit nagawa ng estudyante ang krimen ay dahil sa sinita lamang siya sa kanyang mahabang buhok. Ano ba naman iyan!?! Sa murang edad ay nagawa niyang pumatay. Kulang na kulang na nga tayo sa mga titser, nabawasan pa. Sa pag-iimbestiga, hinihinalang initiation rite ito ng isang fraternity at balak na isunod ang principal at iba pang guro. Juice koh! May pagka-satanas yata ang lider ng fraterniting ito at trip kumitil ng buhay.

Para sa kabataang Pinoy, kung trip sumali sa mga frat frat na yan, tantyahin niyo naman kung tama o mali na ang pinagagawa sa inyo. Kung alam niyo namang mali, maghanap kayo ng ibang grupo na ang hangad ay ang inyong kabutihan. Huwag din kayong matakot na humingi ng payo sa ibang tao lalong lalo na sa mga magulang ninyo.

Nawa'y bigyang aksyon ito ng mga kinauukulan at protektahan ang ating mga mahal na guro. Hindi biro ang magturo maghapon sa mahigit-kumulang na limampung estudyante sa isang pampublikong paaralan. Buhay at kaalaman ang alay nila para sa kabataan. Huwag sana silang pababayaan.

Tuesday, September 21, 2010

Impaktita

Yehey! After so many years, napanood ko na rin ang Impaktita ni Jean Garcia. Noong 1989 pa pala pinalabas ang pelikulang ito so 4 years old ako nang makita ko sa TV ang trailer nito. This movie is produced by Regal Films and directed by Teddy Chiu. I've been wanting to see this for years now pero wala akong makitang VCD or DVD copy sa mga malls. Buti na lang at mayroon akong nakita sa Quiapo (sorry sa pagtangkilik ko ng japeyks).

Siyempre, kakuntsaba ko ang mother dear at pamangkin ko sa panonood. Todong nakakakilabot ang mga eksena. Nakakadiri ang hitsura ng impaktita pati yung paniki na mukhang dagang kanal. All praises ako sa pelikulang ito dahil lahat ng special effects was made of manual work. Prosthetic in its most basic and powerful form. Nakakaloka sa takot ang pagta-transform ni Ms. Gloria Romero at Jean sa pagiging impakta. Nakakabilib din yung paghati ng katawan hanggang sa paglipad. Makatotohanan.

Serialized mula sa Tempo tabloid ang orihinal na istorya sa panulat ni Menard Amoroso. Story wise, hindi mo matatanggal ang mga mata mo sa panonood mula simula hanggang katapusan. Maganda ang takbo ng pelikula mula sa back story, establishment ng bawat karakter at pagkakasunod-sunod ng mga eksena. Ito yung tipo ng pelikulang hindi ka magtatanong ng "bakit ganon?" or "paano nangyari yun?" kasi kumpleto ang detalye. First time ko ding mapanood na magkasama sina Richard Gomez at Aga Muhlach sa isang pelikula. Mas gwapo pala si Goma noon.

I wish magproduce ng original copy ang Regal Entertainment ng pelikulang ito para idagdag ko sa aking video collection.

Monday, September 20, 2010

Wala

Dumating si Papa last week. Mahilig talaga siyang dumating nang walang pasabi. Bata pa lang ako ganun na siya. Dahil super namiss ko siya, imbes na magmano na kinaugalian ko na, niyakap ko siya ng mahigpit.

Sa loob ng bahay...

Papa: May boyfriend ka na ba?

Narinig ko yung tanong pero di ko sure kung tama ang pagkaka-intindi ko.

Melanie: Ano po?

Papa: May boyfriend ka na?

Para akong nanigas.

Biglang umiwas ng tingin.

Nabalisa.

Shocked.

Melanie: (mabilis ang pacing) Wala po. Busy pa ako sa trabaho. Kung meron po, ipakikilala ko naman sa inyo ni Mama pero wala pa po.

Natawa si Papa.

Sa lahat naman kasi ng itatanong niya, tungkol sa boyfriend pa. Si Mama nga, hindi ako tinatanong about boys.

Wala tuloy akong naisagot.

Saturday, September 18, 2010

Patas lang

Araw-araw na lang haggard ang byuti ko kapag papasok sa trabaho in Makati. Kahit na may MRT, shogod me sa byahe kaya naman nung isang linggo, napag-tripan kong mag-apply sa isang call center in UP Ayala Land na 30 minutes away lang from home.

Interviewer 1: Tell me something about yourself that is not on your resume.

Melanie: One thing about me that is not on my resume is that I am gay.

Pasado ang beauty ko! Level up to my second interview.

Interviewer 2: What are your short and long term goals?

Melanie: My short term goal is to become an Operations Manager. My long term goal is to die happily.

Pasok sa banga ang mga sagot. Pinag-test nila ako.

Question #1: (hindi ito yung eksaktong tanong pero ganito siya kahirap intindihin) If RS/- is willing to pay for chorva, how many chuck chak will A produce if B will type 20 pages.

Shet! Anong klaseng tanong yan. Kesa pahirapan ko ang sarili ko, hinulaan ko na lang ang sagot. After 30 minutes, tapos agad ang exam. Balik lobby ang byuti ko.

Examiner: Congratulations! You passed the exam and you got a very high score. I'll endorse you to Operations Interview and that is tomorrow by 1pm.

Melanie: (sa isip ko) Talaga lang ah.

Kinabukasan, dumating ako ng 12:56PM. Maaga ng 4 minutes.

Ang 1PM ay naging 2PM. Hindi pa ako tinatawag.

Ang 2PM ay naging 3PM. Huwaw! Sa wakas, natawag din. Tagalog ilang-ilang productions nang inantay ko.

Operations Interviewer: What are your strengths and weaknesses?

Melanie: (kailangang mambola) My strengths are I love resolving technical issues since I came from a technical campaign. I love speaking with people with different kinds of culture. I feel honored whenever I resolve their problems. My weaknesses... Ahhhmmm... I cannot give you any weaknesses because I don't list them. I'd rather focus to my strengths.

Tumagal lang ng around 40 minutes ang interview portion. Balik sa lobby for the result.

Lumipas na naman ang mga minuto.

4:50PM na at kumukulo ang tiyan ko. Gusto kong pang mapanood ang He's Beautiful. Sige, mag-aantay pa ako hanggang 5PM.


Wala. Tumayo na ako at dumiretso sa elevator. May dumaang beki na may ID lace ng company.

Beki: What happened?

Melanie: I cannot wait anymore.

Beki: Hahahaha...

Last Tuesday, tumawag sila ulit sa akin.

Recruitment: May I ask what happened to your application?

Melanie: Oh! I went home because I was already starving. My scheduled interview was 1PM and they called me by 3PM. Then after the interview, they told me to wait at the lobby. I gave them an hour but nothing happened so I decided to go home.

Recruitment: I'm sorry then. I will schedule you again for another interview.

Melanie: Yeah! As long as I'm not gonna wait for long hours again.

Recruitment: Yes. I'll call you back for your schedule.

Tumawag si ateh at 1PM daw ulet ang schedule.

Wednesday morning sinamahan ko si Mama sa Medical City in Ali Mall for eye check-up. Natapos ang session namin sa Ophthalmologist ng past 1PM. Sakay kami agad ng jeep at bumaba ako sa PHILCOA. Patawid na sana ako ng over pass nang biglang bumuhos ang ulan. Parang walang bukas sa lakas. Baha agad sa may McDo. Kapag nilakad ko hanggang UP Ayala Land eh baka mukhang basang sisiw na ako habang ini-interview. Sumakay ako ng taxi.

Manong driver: Saan tayo?

Melanie: Sa Visayas Avenue po.

Hindi ko na pinuntahan.

Ending, sila naman ang nag-antay sa byuti ko.

Patas lang.

Marco 3.0

They say "save the best for last" so here he is. The youngest in my Marco series... cum laude graduate, host and theater actor Marco Mañalac.


Well, hindi ko naman talaga siya pinapantasya (weeehhh!?!) kasi I'm four years older than him. Hindi ko kasi masyadong bet ang mga bagets. Chos! Humahaba na ang ilong ketch.


Last July ko lang siya unang nakilala (sa internet ah) because of the theater play Equus. He portrayed the controversial role of Alan Strang, the character with fully nekkid exposure. Wiz ko nga lang napanood dahil mahalya fuentes ang ticket. Ang cute ng eyes niya noh. So expressive.

While doing Equus, isa din siya sa mga finalist ng MYX VJ Search 2010. Multi-talented si kuya. He also appeared sa pelikulang Cinco ng Star Cinema.

Last September 9 naman, todong naloka ang mga kababaihan lalo na ang 'sangkabaklaan (isa na ako dun) nang siya'y rumampage para sa taunang Cosmopolitan Bachelor Bash. Hindi man siya ma-maskels, isa naman siya sa mga bonggang tinilian ng mga audience. Ang fogi fogi niya! Game na game din siyang magpa-picture sa mga utaw.

If you can't get enough of him, buy the September ish of Cosmopolitan Magazine dahil kasama siya sa pulutong ng mga nag ga-gwapuhan at nag se-seksihang otokodeshe. Now na!

Friday, September 17, 2010

Marco 2.0

Next on my Marco series is the Frontal Nudity King, el primero indie film actor... Marco Morales.

It was late 2008 ng mag-boom na boom ang indie films sa UP Cine Adarna. After Quicktrip of Cris Pablo, Walang Kawala ni Joel Lamangan ang napanood ko. Grabe ang press releases ng pelikulang to kaya hindi na namin pinalampas ng mga beki kong friends ang director's version. Hindi naman kami nadismaya lalo na sa mga initimate scenes ng pelikula. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko... Marco's frontal scene. 

He attended the premiere night in UP at dahil sa kanyang mapangahas na eksena, dinumog siya ng press. Siyempre, waiting to exhale ang beauty namin para magkaroon ng chance to have a picture with him. After that, lahat ng pelikula niyang nag-premiere sa UP ay pinanood ko (Butas and Booking).  

Para siyang anghel na ibinaba ng langit para sa 'sangkabaklaan. Ibinahagi niya sa atin ang kapiraso ng kanyang langit. Matalinghaga talaga?!?

a scene in Laruang Lalake
He's part of Lexuality Entertainment's debut film Laruang Lalake and it will be showing next month. Hope we can all support it.

Thursday, September 16, 2010

Marco 1.0

I'm gonna have a 3-part Marco series here in my blog. Tatlo kasi sa mga pinantasya at pinapantasya ko ay nagngangalang Marco.

First is Marco Grazzini, Mossimo Bikini Summit 2004 grand winner, model and actor.
Una siyang tinibok ng puso ko noong tag-araw ng taong 2004. Naakit ako sa kanyang taglay na karisma ng makita ko ang kanyang head shot sa website ng Mossimo Bikini Summit. Bet na bet ko kasi ang mga lalaking may carpet sa fes. Todong nabilaukan naman ako sa kanyang bikini shot. Ikaw din ba?

Nagkaroon siya ng ilang TV commercials dito sa Pilipinas at isa na diyan ang Close Up. He was also featured sa first edition ng HiM magazine. Nakita ko siya personally sa Landmark, Makati nung May 2004 habang kami ng super friend kong si Tensai ay naglalamyerda. He was wearing a blue shirt, cargo shorts, cap and shades. Nakilala ko talaga siya ng bongga dahil we were meant for each other then. Charuzzz Pempengco!!!

He's now in Canada pursuing an acting career. I must say that he looks much better now. Bagay na bagay kami. Chos! Enjoy his recent pics!

PNoy: Dengue vs. Jueteng

Nakaka-imbyerna ang mga balita sa TV ngayon ah. Todo sa pagtaas ang bilang ng mga nabibiktima ng mapaminsalang lamok na carrier ng Dengue. Infairness, umaaksyon naman ang gobyerno at Department of Health para mabawasan ang dengue cases. Pati ang shalang St. Luke's Hospital, naglaan ng 10 million pesos worth of assistance para sa mga biktima. Tayo'y makipagtulungan sa kanila upang maiwasan na ang pagdami ng kaso. Sa simpleng paglinis ng ating kapaligiran, malaking ambag na ito para mawalan ng pamamahayan ang mga insektong pumepeste sa ating buhay. 

Ito namang si Archbishop Cruz, may pasecret secret pang nalalaman tungkol sa mga opisyales ni PNoy na tumatanggap ng jueteng payola. Dapat daw ay alamin ni PNoy kung sinu-sino ang mga tinutukoy niya. Juice koh naman Archbishop, huwag mo nang pahirapan ang administrasyon. Mas mapapadali ang imbestigasyon kung sasabihin mo kung sino sila hindi yung nagpapaka-showbiz ka pa.

Padami nang padami ang nagrereklamo sa pamumuno ni PNoy. Kesyo hindi daw umaaksyon sa problema, hindi magkasundo ang mga cabinet members, mababang 2011 allocation budget,  at kung anu-ano pa. May mga nagpapa-interview pa para i-expose ang hinaing. Hindi niyo ba naiisip na "sanggol" pang maituturing ang bagong administrasyon. Wala pa ngang silang 100 days sa pwesto. Hindi naman sa kinakampihan ko si PNoy pero hinaharap naman niya ang bawat pagsubok sa kanyang pamumuno. Pati nga media, binibigyan niya nang panahon para sagutin ang tanong ng bayan. I appreciate him a lot kasi ibang-iba ang istilo niya kumpara kay Ate Glo. Mas visible sa tao at mas may ginagawa. 

Huwag puro magreklamo. Kung gusto niyo ng pagbabago, bonggang simulan sa sarili niyo.

Monday, September 13, 2010

I Do

I'm lovin' this movie poster. Super cute! I'm a fan of Erich Gonzales since her Star Circle Quest journey and I must say she's one of the best young actresses this generation. She's just versatile.

Now, she's the lead star of Star Cinema's newest offering. I think this movie will tackle young marriage and pregnancy. Let's just wait for the full trailer. For now, click here to watch the music video of the theme song sung by Sam Milby and Yeng Constantino.

Happy Monday everyone!!!

Saturday, September 11, 2010

Indie Fiesta

Back to back na pelikula ang hatid sa ating lahi ng mga batikan sa paggawa ng gay indie films. Una diyan ang Subok ni Cris Pablo na ipapalabas sa September 15. Next month naman ang Laruang Lalake ni Lex Bonife at Joselito Altajeros.

Maki-FIESTA na!

Friday, September 10, 2010

Ipit Gang

Dahil bagong buwan na mga ateh, bagong iskedyul na naman ako sa trabaho. 6AM to 3PM na ako ngayon. From Quezon City to Makati, 1 and 1/2 hours ang alloted time ko sa pagbiyahe. Since wala pang MRT ng before 5, madalas akong sumakay ng mga ordinary bus coming from Novaliches to EDSA para mabilis ang biyahe. Dagdagan mo nang dasal na hindi kayo madisgrasya.

Kanina, habang ako'y sakay ng bus from Mindanao avenue going to Muñoz, may sumakay na tatlong lalake. Nasa gitna ang pwesto ko at may katabing mother image. Hindi masyadong puno ang bus dahil sa holiday ngayon. Nakapagtataka lang na kung magkakakilala sila, bakit kailangang magkakahiwalay sila ng upuan. Deadma. Baka feel lang nila. Magkahiwalay ang pintuan ng bus na aking sinasakyan, isa banda sa harapan at isa malapit sa likuran. Papunta ang bus sa SM North at may bababa sa Paramount. Ngayon, itong tatlong lalake biglang pumwesto malapit sa harapang pintuan at akmang bababa. Napansin ko na pinagitnaan nung dalawa yung isang pasahero. Nang makahinto ang sasakyan, nagtaka ako't hindi nila itinuloy ang pagbaba. Bagkus, bumalik ulit sa kani-kanilang pwesto. Nagkahinala na ako na mga magnanakaw sila. Pero baka naman nagkakamali na ako. Pinagmasdan ko ang isa sa kanila na malaking lalaki na maitim at may hikaw sa tainga. Aba! Patingin-tingin sa mga bulsa ng pasahero. Iba na 'to!

Approaching na kami sa MRT North EDSA station at heto na naman sila, parang bababa. Tinawag pa nung maitim na lalaki yung kasamahan niya na nakaupo sa bandang likuran at pinalapit sa kanya. Wow! May pinagitnaan na naman sila. Again, pagkababa ng ilang pasahero hindi na naman sila bumaba. Pailing-iling pa yung isang lalaki na parang naghihinayang. OMG! Confirmed na mga magnanakaw sila. Kaya naman kahit umandar na yung bus, pumara ako't bumaba kahit sa Guadalupe pa talaga ang aking destination. Yun nga lang, hindi ko man lang nasabihan si mother image sa tabi ko na may kasama kaming magnanakaw. Sobra kasi akong natakot at inisip ko agad na makalabas ng bus na 'yon. Sana hindi ka nila nabiktima.

Hinala ko, sila ang grupo na nang iipit ng pasahero para kuhanin ang celphone at wallet sa bulsa ng pantalon. Ilang beses na akong nakasabay ng iba't ibang kriminal sa mga pampublikong sasakyan at alam ko na ang kanilang mga taktika. Swerte na lamang at lagi akong alerto sa paligid ko. Kadalasan, madaling araw ko silang nakakasabay kaya nanibago ako dahil mag-uumaga na. Wala talagang pinipiling oras ang masasamang loob.

Base sa mga karanasan ko, eto ang kadalasang kilos nila:
  1. Sabay sabay silang sasakay at magkakakilala pero hiwa-hiwalay ng uupuan.
  2. Palingun-lingon ang kanilang mga ulo na parang may hinahanap.
  3. Hindi mapakali sa upuan at palipat-lipat.
  4. Imbes na fes, bag o bulsa mo ang unang tinitingnan.
  5. Kapag tinanatanong sila ng kundoktor kung saan bababa at sinisingil ng pamasahe, hindi alam ang patutunguhan at nagtuturuan ng magbabayad. Minsan, badge pa sila.
Kapag ganyan na ang mga nakasabay mo, naku ateh, bumaba ka na agad at iligtas ang buhay mo. Mas mabuting mag-ingat kesa manghinayang sa pamasaheng binayad mo. Sana lang mahuli na sila ng mga pulis. Kung hindi man, mahulog sana sila sa bus habang matulin ang takbo nito.

Not so vintage

Look at this not-so-vintage photos of our beloved Richard Pangilinan. Gosh! He's really delicious ever since. The armpit photo is mouth watering while he stands out with the rest of the guys on the second one.

I love him sooo much!
Ay, it should be... WE LOVE HIM SO MUCH!!!

Click here to become his fan on Facebook.

Thursday, September 9, 2010

You'll Always Be My Number One

Alay ko para mga baklang sumali sa mga lip-synch contest sa Eat Bulaga at 'Sang Linggo Na Po Sila noong early 90's. Isa ito sa mga kanta na paborito nilang gamitin. Sarah Geronimo gave a fresh rendition to this classic hit of Vernie Varga, ang babaeng di tumatanda at tumataba. Theme song of Kapamilya's newest kanta-serye, 1DOL.

♫♪ I knew the day I met you I'd really fall and love you
And I could never resist that charm
And since the day I met you
I truly fallin' to love you with all of my life

You'll always be my number one
You'll always be the one I love
The one I love, the rest of my life forever
Till the end of time

You'll always be my number one

Let me tell you about it, everybody knows it
Everybody knows just how much I need for you my darling
Feel the loving, feel the hugging
Eagerly the feeling is screaming about it

You'll always be my number one
You'll always be the one I love
The one I love, the rest of my life forever
Till the end of time ♪♫





Taken from I'm Me album, released in 1983.

Wednesday, September 8, 2010

Cosmo Bachelor Bash 2010

Cosmo Men needs to prepare because I'm gonna invade the Bachelor Bash tomorrow at the World Trade Center. I'm ultra excited and this will be my fourth time to attend this annual affair of Cosmopolitan Philippines. Special thanks to my super friend Chari for bringing me to this event.

See you all there!

Tuesday, September 7, 2010

Boyet Dy

Ako'y seryosong nanonood ng balita sa 24 Oras ng bigla siyang dumungaw sa aking telebisyon. Tungkol sa DILG at cabinet secretary ang paksa pero nawala ako sa konsentrasyon nang siya'y magsalita. Wow! Fresh na fresh at may masarap pala sa gobyerno ngayon. Mukha pang matalino. Yun nga lang, sayang at may jusawa na.

Monday, September 6, 2010

Interview with a Vamp

Ako’y may kasamahan sa trabaho na nag-aaral ng Sikolohiya. Ang topic nila sa isang survey ay tungkol sa kabaklaan kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Ako’y kanyang in-interview at pumayag naman ako.
“Tagalog ba?” ask ko.

“Para kasi sa English subject ko.” sagot niya
Nai-stretch ng 'di oras ang utak ko. Share ko sa inyo ang text format ng interview:

You defined homosexuality as "self-expression" on the given survey questionnaire. Why do you think so?
-- I’m just practicing my freedom. It is my choice to be gay and I am free to express it.

What is the nature of being a homosexual?
--We're flirtier and naughtier. That's the comfort that we get from our chosen sexuality.

You mentioned that you found out about your sexuality during your childhood years. What were the factors that contributed or influenced you when you were in search of your identity?
-- No one influenced me about my identity. I'm the only gay in my family and I think I'm lucky enough to have supportive parents about my decisions in life.

Should homosexuals reveal themselves to the public?
-- If they're comfortable expressing their sexuality, I don't see any reason why they shouldn't come out of the closet.

If yes, how do you think this would affect their lives?
-- I really don't know how it would affect their lives. I guess it depends on their environment.

Is "coming out" a rewarding experience? Why?
--Yes. I think it's a rewarding experience expressing yourself whether you’re straight or not. It only means that you can show the world who you really are and that is the most important.

What do you think contributes to your decision of "coming out?"
-- It’s my own decision to express what I feel inside. I'm very fortunate to have a family that accepts my sexual preference.

Was it hard deciding for yourself? Did you not seek help from others?
-- No, it wasn't hard. It’s only me, myself and I.

Are you aware of the rapid increase of the homosexuals in our society? What do you feel about it?
--Yes, I am aware of that and I guess it’s kind of alarming especially now that the number of new HIV victims comes from our side. It’s depressing but we need to act right now and help the society. Praticing safe sex should be the top priority.

Are there lesser homosexuals before compared to now? If yes, what do you think contributed to their decision of coming out?
--Yes. I think the number of homosexuals is rapidly increasing now that we are more liberated. Also, technology contributes a lot in influencing people’s decisions in life.

Why do you think people consider this increase alarming? Are you or will you be a threat for everyone considering that you live and breathe in the same country?
-- I consider this as alarming since sexually transmitted disease is rapidly increasing on homosexuals. I hope I'll not be a threat since I am aware of the consequences that I might experience on this situation.

Why do you think people see that expressing their liberty is harmful? Can you cite examples; are you implying that gays or lesbians are more liberated than heterosexuals? Why or why not? Please elaborate.
-- Part of our culture as a Filipino is being conservative. I guess expressing our freedom whether your homosexual or not is just on the same level. It only differs on the category.

Do you think people recognize your existence in today's world compared before? Why or Why not?
-- Yes. Most people value our contribution to the society. A lot of gay people excel on their chosen field especially on the creative side. No one compares to the works of Ricky Reyes, Rajo Laurel and JC Buendia.

Why do you think gays are creative? I noticed that majority of the gays here are in the field of fashion. Why do you think there is a trend in their nature? Like all gays know how to be creative and imaginative.
-- Gays are more creative because we have wider imagination. We seek innovation to what we do and we tend to surpass our previous works.

Can you enumerate instances wherein society now accepts you for who you are?
-- Communications, fashion industry, TV production, and media now widely accept the talents that gay people can contribute to their organization.

Do you believe that there is still discrimination? If yes, how do you think homosexuals handle this?
-- Discrimination is there and I think it will always stay in our society as long as there are people who aren't open enough to understand the real meaning of individuality.

How do you deal with those who consider homosexuality as a conflicting matter?
-- I will not waste my time thinking about them. It's their problem not mine.

Ignoring them could sometimes help but does this disturb you? People have limitations, if let's say you got fed up by hearing or seeing unpleasant stuffs, how would you react?
-- It doesn't disturb me at all. If they cannot accept me for who I am then fine. It’s not their fault if they were raised like that.