Yehey! After so many years, napanood ko na rin ang Impaktita ni Jean Garcia. Noong 1989 pa pala pinalabas ang pelikulang ito so 4 years old ako nang makita ko sa TV ang trailer nito. This movie is produced by Regal Films and directed by Teddy Chiu. I've been wanting to see this for years now pero wala akong makitang VCD or DVD copy sa mga malls. Buti na lang at mayroon akong nakita sa Quiapo (sorry sa pagtangkilik ko ng japeyks).
Siyempre, kakuntsaba ko ang mother dear at pamangkin ko sa panonood. Todong nakakakilabot ang mga eksena. Nakakadiri ang hitsura ng impaktita pati yung paniki na mukhang dagang kanal. All praises ako sa pelikulang ito dahil lahat ng special effects was made of manual work. Prosthetic in its most basic and powerful form. Nakakaloka sa takot ang pagta-transform ni Ms. Gloria Romero at Jean sa pagiging impakta. Nakakabilib din yung paghati ng katawan hanggang sa paglipad. Makatotohanan.
Serialized mula sa Tempo tabloid ang orihinal na istorya sa panulat ni Menard Amoroso. Story wise, hindi mo matatanggal ang mga mata mo sa panonood mula simula hanggang katapusan. Maganda ang takbo ng pelikula mula sa back story, establishment ng bawat karakter at pagkakasunod-sunod ng mga eksena. Ito yung tipo ng pelikulang hindi ka magtatanong ng "bakit ganon?" or "paano nangyari yun?" kasi kumpleto ang detalye. First time ko ding mapanood na magkasama sina Richard Gomez at Aga Muhlach sa isang pelikula. Mas gwapo pala si Goma noon.
I wish magproduce ng original copy ang Regal Entertainment ng pelikulang ito para idagdag ko sa aking video collection.
hi, melanie. could you send me a copy of this movie? i've been wanting to see this for a very long time. i'd appreciate it if you could send me a copy. thanks! (prinquel@yahoo.com)
ReplyDelete