Friday, September 10, 2010

Ipit Gang

Dahil bagong buwan na mga ateh, bagong iskedyul na naman ako sa trabaho. 6AM to 3PM na ako ngayon. From Quezon City to Makati, 1 and 1/2 hours ang alloted time ko sa pagbiyahe. Since wala pang MRT ng before 5, madalas akong sumakay ng mga ordinary bus coming from Novaliches to EDSA para mabilis ang biyahe. Dagdagan mo nang dasal na hindi kayo madisgrasya.

Kanina, habang ako'y sakay ng bus from Mindanao avenue going to Muñoz, may sumakay na tatlong lalake. Nasa gitna ang pwesto ko at may katabing mother image. Hindi masyadong puno ang bus dahil sa holiday ngayon. Nakapagtataka lang na kung magkakakilala sila, bakit kailangang magkakahiwalay sila ng upuan. Deadma. Baka feel lang nila. Magkahiwalay ang pintuan ng bus na aking sinasakyan, isa banda sa harapan at isa malapit sa likuran. Papunta ang bus sa SM North at may bababa sa Paramount. Ngayon, itong tatlong lalake biglang pumwesto malapit sa harapang pintuan at akmang bababa. Napansin ko na pinagitnaan nung dalawa yung isang pasahero. Nang makahinto ang sasakyan, nagtaka ako't hindi nila itinuloy ang pagbaba. Bagkus, bumalik ulit sa kani-kanilang pwesto. Nagkahinala na ako na mga magnanakaw sila. Pero baka naman nagkakamali na ako. Pinagmasdan ko ang isa sa kanila na malaking lalaki na maitim at may hikaw sa tainga. Aba! Patingin-tingin sa mga bulsa ng pasahero. Iba na 'to!

Approaching na kami sa MRT North EDSA station at heto na naman sila, parang bababa. Tinawag pa nung maitim na lalaki yung kasamahan niya na nakaupo sa bandang likuran at pinalapit sa kanya. Wow! May pinagitnaan na naman sila. Again, pagkababa ng ilang pasahero hindi na naman sila bumaba. Pailing-iling pa yung isang lalaki na parang naghihinayang. OMG! Confirmed na mga magnanakaw sila. Kaya naman kahit umandar na yung bus, pumara ako't bumaba kahit sa Guadalupe pa talaga ang aking destination. Yun nga lang, hindi ko man lang nasabihan si mother image sa tabi ko na may kasama kaming magnanakaw. Sobra kasi akong natakot at inisip ko agad na makalabas ng bus na 'yon. Sana hindi ka nila nabiktima.

Hinala ko, sila ang grupo na nang iipit ng pasahero para kuhanin ang celphone at wallet sa bulsa ng pantalon. Ilang beses na akong nakasabay ng iba't ibang kriminal sa mga pampublikong sasakyan at alam ko na ang kanilang mga taktika. Swerte na lamang at lagi akong alerto sa paligid ko. Kadalasan, madaling araw ko silang nakakasabay kaya nanibago ako dahil mag-uumaga na. Wala talagang pinipiling oras ang masasamang loob.

Base sa mga karanasan ko, eto ang kadalasang kilos nila:
  1. Sabay sabay silang sasakay at magkakakilala pero hiwa-hiwalay ng uupuan.
  2. Palingun-lingon ang kanilang mga ulo na parang may hinahanap.
  3. Hindi mapakali sa upuan at palipat-lipat.
  4. Imbes na fes, bag o bulsa mo ang unang tinitingnan.
  5. Kapag tinanatanong sila ng kundoktor kung saan bababa at sinisingil ng pamasahe, hindi alam ang patutunguhan at nagtuturuan ng magbabayad. Minsan, badge pa sila.
Kapag ganyan na ang mga nakasabay mo, naku ateh, bumaba ka na agad at iligtas ang buhay mo. Mas mabuting mag-ingat kesa manghinayang sa pamasaheng binayad mo. Sana lang mahuli na sila ng mga pulis. Kung hindi man, mahulog sana sila sa bus habang matulin ang takbo nito.

7 comments:

  1. hindi na bago yang kuwento mo
    noong bus rider pa ako
    lagi akong alert sa mga kawatan
    minsang umuwi ako ng umaga galing sa office
    (inabot kami ng madaling araw sa trabaho kaya nagpa-umaga na ko)
    nadiscover ko na ang mga mamang nakatambay sa pinto
    ay madalas na mandurukot
    kaya ng pababa ako
    hinawakan ko talaga ang wallet sa bulsa ko
    naramdaman kong kinalabit niya ang bulsa ko
    pero dahil nga tangan ko ang puwet ko
    hindi niya nasungkit ang wallet ko
    bago ako nakababa sa bus
    nalingunan ko yung backpack na dala niya
    bukas ito
    at punong-puno na ng wallet
    wala pang alas-siyete non
    nakailan kaya siya noong umagang yon?
    kaya ako bihira na ko mag-bus
    at kung sasakay ako ng bus
    ingat na ingat ako
    lagi kang on the lookout teh
    yun lang ang laban mo sa kanila

    ReplyDelete
  2. Ate Froglitz, antagal na pala ng ganitong krimen, hindi man lang masolusyunan ng kapulisan. Wala talaga akong tiwala sa mga pulis. Eto ngang simpleng krimen, hindi nila mapuksa... TSK!

    ReplyDelete
  3. at paano kung magpulis nga siya?
    aber
    hindi ba manunumbalik ang pagtitiwala mo sa mga pulis?

    ReplyDelete
  4. hahaha... Ibang usapan na yun Ateh Froglitz...

    ReplyDelete
  5. Ate, puwede ka o bang mainterview? Gumagawa po kasi ako ng dokyu kung paano makaiwas na mabiktima ng gang na ito.

    Painterview naman po! Salamat!

    ReplyDelete
  6. Sure ara! Kung makakatulong ako, GO! Send me an email para ma-schedule natin bongganatodopa[at]gmail[dot]com

    ReplyDelete
  7. sa dami ng mga skwa kwa sa pinas sana lahat na lang sila mamatay na...

    sila ang pugad ng mga magnanakaw at mapagsamantala.

    ReplyDelete