Nakaka-imbyerna ang mga balita sa TV ngayon ah. Todo sa pagtaas ang bilang ng mga nabibiktima ng mapaminsalang lamok na carrier ng Dengue. Infairness, umaaksyon naman ang gobyerno at Department of Health para mabawasan ang dengue cases. Pati ang shalang St. Luke's Hospital, naglaan ng 10 million pesos worth of assistance para sa mga biktima. Tayo'y makipagtulungan sa kanila upang maiwasan na ang pagdami ng kaso. Sa simpleng paglinis ng ating kapaligiran, malaking ambag na ito para mawalan ng pamamahayan ang mga insektong pumepeste sa ating buhay.
Ito namang si Archbishop Cruz, may pasecret secret pang nalalaman tungkol sa mga opisyales ni PNoy na tumatanggap ng jueteng payola. Dapat daw ay alamin ni PNoy kung sinu-sino ang mga tinutukoy niya. Juice koh naman Archbishop, huwag mo nang pahirapan ang administrasyon. Mas mapapadali ang imbestigasyon kung sasabihin mo kung sino sila hindi yung nagpapaka-showbiz ka pa.
Padami nang padami ang nagrereklamo sa pamumuno ni PNoy. Kesyo hindi daw umaaksyon sa problema, hindi magkasundo ang mga cabinet members, mababang 2011 allocation budget, at kung anu-ano pa. May mga nagpapa-interview pa para i-expose ang hinaing. Hindi niyo ba naiisip na "sanggol" pang maituturing ang bagong administrasyon. Wala pa ngang silang 100 days sa pwesto. Hindi naman sa kinakampihan ko si PNoy pero hinaharap naman niya ang bawat pagsubok sa kanyang pamumuno. Pati nga media, binibigyan niya nang panahon para sagutin ang tanong ng bayan. I appreciate him a lot kasi ibang-iba ang istilo niya kumpara kay Ate Glo. Mas visible sa tao at mas may ginagawa.
Huwag puro magreklamo. Kung gusto niyo ng pagbabago, bonggang simulan sa sarili niyo.
Huwag puro magreklamo. Kung gusto niyo ng pagbabago, bonggang simulan sa sarili niyo.
Correct ka diyan, Melanie. Hindi magician si Pnoy at walang himala sa mga panahong ito. Tayo sa sarili natin ang dapat unang magbago. Sabi nga ni Ate Guy, "nasa puso ang himala!".
ReplyDeleteulol si noynoy. tapos ang usapan
ReplyDelete