Nasa bansa na si bagyong Juan at 'sing lakas daw ito ni Ondoy. Ramdam na sa ibang lugar ang hagupit ng bagyong itechiwara at nawa'y protektahan tayo ng Diyos Maykapal upang malagpasan natin ang pagsubok na ito.
Halikayo mga 'teh at samahan niyo 'kong mag-emote habang kay lamig ng panahon. Isuot natin ang puting nighties at magsalin ng Tanduay sa kopita. Lumapit tayo sa bintana habang minamasdan ang pagpatak ng tubig ulan mula sa langit pababa sa lupa. Ang ilaw sa poste na nagsisilbing gabay sa mga taong nakapayong papunta sa kanilang paroroonan. Magsenti-sentihan tayo...
Original post date: Wednesday, April 21, 2010 at 7:18pm
Where: Facebook
Title: My Own Jayson
Let me share to you a part of my history. A beautiful history if I may say.
Jayson Castillo.
Uso pa nun ang chat. Minsan, after ng school, super chat kami nina Delma and JB sa computer shop ni Ate Aya. Hanggang gabi ang chat, Friendster etc. Ang nick ko sa mIRC at YM chat room ay "kim_gay". Kaya ganyan ang nick ko ay para alam na kaagad ng mga ka-chat ko na isa akong juding at hindi nagpapanggap na mujer. Nakakapagod kaya na lagi kang tinatanong ng "ASL". At kapag sinabi mong gay ang sexual preference mo, wala ka nang reply na mahihita sa nag-PM sa iyo. So para less rejection, mag-PM ang gustong makipag-chat sa bading.
One boring afternoon of August 2004, ako'y lulong sa chat ng mIRC. Lahat ng rooms pinasukan ko from schools to places. I met someone on Mapua room. The usual ASL came first then we exchanged Friendster profile and all. I was surprised to see his pic. Wow! Siya ba talaga ang ka-chat ko. Ang guwapo! We chatted for a while. I was about to log-out na kasi paubos na ang load ng dial up ko. Nagpaalam na ako. He gave me his number but I didn't gave him mine. Siyempre, hindi na naman ako mag-eexpect na ite-text niya ako since nung mga panahon na yun eh hindi pa fully developed ang confidence ko. May inferiority complex pa. I saved his number on my phone.
Ilang araw ang lumipas bago ko naalala yung na-save ko na number niya dahil busy busihan ang lola niyo sa school. I was browsing my phonebook and saw his number. Luckily, may load ako nun so I texted him. After a while, may reply akong nakuha from him and dun na nag-start ang pagiging constant textmate namin. Well, to be honest, he was intelligent and hindi boring kausap. May times nga lang na matampuhin especially kapag hindi ka kaagad mag rereply sa kanya. But I explained to him na estudyante ako at maraming projects at limited lang ang budget sa E-load ng Smart. Wala pa kasing unlimited text nun. Piso per text to all networks.
Kinuwento ko siya sa mga school friends ko and they were really happy for me. Pinakita ko pa sa kanila ang Friendster profile niya and they appreciated his looks. Well, he deserve it naman kasi talagang gwapo siya.
I cannot say na officially naging kami but I told him that he was very special to me. He was even willing to meet me sa school. PE ko nun and he texted me na nasa labas siya ng PUP and he wants us to see each other. Siyempre, naloka ang lola mo. Hindi alam ang gagawin pero dahil sa mahiyain ako that time, sinabi ko sa kanya na hindi pa ako ready makita siya. Madalas siyang mag-text na gusto niya na kaming magkita at puro ako excuses sa kanya like busy sa school, may project na ginagawa etc. I remember he texted me, sabi niya willing siyang gawin yung project ko sa Ad Arts. Sabi ko, ako na lang para lang makaiwas na magkita kami. Favorite song niya nun yung "Burn" ni Usher. So everytime na naririnig ko yun, naaalala ko siya. Nagagalit din siya everytime na ang text ko sa kanya eh puro shortcut para magkasya sa 160 characters. Alam niyo naman, pag lumagpas na dun, counted as 2 texts na yun. Tipid ang lola niyo. Nagkakaroon din kami ng mga misunderstandings but we were able to fix it.
We were texting one day while I'm doing my project with Ad Arts. Nasa mood yata siyang makipag-text nun. I was so focused on my project because it was really difficult. Shadings of different shapes using one pencil yun. Nag-text siya and hindi ako nakareply agad. Pag-check ko ng phone ko, ang dami na niyang text na galit siya at huwag na daw kaming mag-text. Hindi ko daw siya binibigyan ng time and importance. Something like that. So ako naman, nabanas sa text niya. Sinabi ko na wag na kaming mag-text.
Ending, naputol na ang texting namin. Less than a month lang yung pagiging "special" namin sa isa't isa. It was a very memorable and special time of my life. Someone like him made me special and beautiful in his own way. Back to 2010. Last month, I was browsing my old messages on Friendster and found his letters to me. Nung nakita at nabasa ko yung mga letters, hindi ko alam kung manghihinayang ba ako at hindi pa kami nagkita at nagkakilala nang husto. Siguro, kung may face and guts lang talaga ako that time at nakipagkita sa kanya, things could have been different.
Let me share to you all of the messages that I've retrieved. Check the subject of the message. Mga reply niya yan sa messages ko sa kanya. So it means, ako yung gumawa nung title. Nakakatawa! Sayang nga lang at wala akong copy nung mga letters ko para sa kanya. Just click photos below:
Wherever Jayson Castillo is, I hope he is in bliss.... and Thank You.
Wanna know what happened to him after we parted ways? Click here.
aaawww. sad. =( I don't know, somehow, I could relate.
ReplyDelete-jayaureus
kung kami ang nagkita mlamang gets ko n yan hehehehe.... nope.. everything happens for a reason. ako nga pogi pero ayoko p din mkipagrelasyon.. kc una kong tinatanung sa sarili ko "kaya mo na ba?" ... at isinasagot ko sa sarili ko "hindi pa"... tandaan natin lhat.... "if your heart is ready, a lover will appear".
ReplyDeletepero hindi mo malalaman kung mainit o malamig ang tubig ng isang ilog, if you don't wade into it.
ReplyDeleteKelangan maranasan ang umibig, kahit na masaktan, sapagkat masarap ang may minamahal at may nagmamahal.
Ruben
wala na bang follow up ang kuwentong to?
ReplyDeletehanapin natin siya at nang matuloy na rin ang meeting ninyo
gusto mo?
sige na para kilig
:)
Patay na siya 'teh Froglitz :(
ReplyDeleteTo Anonymous, I didn't approve your comment because you did not include any proof to your claim. I hope you understand. More than his looks, 't was the affection that reminds me of him.
ReplyDeleteHe's a beautiful history, if I may say again.
sweet naman. something worth reliving. very nice history, as you've said. :)
ReplyDeletepatay na siya melanie? why oh why?
ReplyDelete