La Aunor classic movie marathon continues with...
Balikbayan si
Adora (Aunor) at long-time jowa niya si
Dindo (De Leon) na naungusan ni
Ver (Fernando) sa promotion. Stress ang lolo mo at hindi alam ang gagawin para siya naman ang mapromote. Enter sa eksena si
Renata (Koronel) o
Renee para mas shala sa tenga, ang unica hija ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrababuhan ng dalawa. Ded na ded sa kanya si Ver pero si Dindo ang type niya. Sinilaw niya sa pera't bonggang promotion, nagdrowing pa na tesbun siya kaya napasakamay niya ito.
|
"Binaboy mo pati ang katawan mo. Makarating ka lang 'dun sa itaas, ipinagpalit mo pati ang katawan mo. Pati kaluluwa mo ibinigay mo 'dun sa babaeng 'yon. Sa ahas na 'yon! 'Dun sa makating babaeng 'yon!" |
Kahit kasal na sa iba, love pa rin ni Dindo si Adora. 'Di naman ito lingid sa kaalaman ni Renee. Dahil todong insekyora ang ahas, nilason niya ang sarili at pinalabas na si Adora ang may pakana. Eh nahuli siya ni Ver kaya grab the opportunity ito na matikman siya sa pamamagitan ng pamba-blackmail. Katulad ng karamihan sa kontrabida, ded siya sa ending ng pelikula.
Hhhmmm... 'di ko masyadong bet ang
Beloved at wala 'yang kinalaman sa mga artistang nagsipagganap. Marami kasing
"huh?!" moments at may kahinaan ang istorya kumpara sa ibang klasikong napanood ko.
Lahat yata ng magandang pwedeng sabihin sa akting ni
Ate Guy ay nasabi ko na. Wa na me maidadagdag pa. Peyborit part ko ang confrontation scene nila ni
Christopher De Leon sa komedor sabay breakdown. Panalo! Ewan ko pero parang dubbed ang boses ni
Hilda Koronel. Ang awkward niya mag-Ingles eh. Pangalawang beses ko pa lang makapanood ng pelikula na kasama si
Dindo Fernando (una 'yung
Nagalit Ang Buwan) at napaka-effective niya sa kanyang karakter. Nakaka-inlove ang diction niya. Sabi nga nung isang direktor na napagtanungan ko, para daw siyang si John Lloyd Cruz nung kapanahunan niya.
Rating: 3/5 stars.