2-day charity bazaar ng Pinoy Bloggers Outreach o PBO ang pinuntahan namin. Nasight ko na sa blog ni Zai Zai (Simply Complicated Zai) ang tungkol sa samahang itech kaya medyo pamilyar sa'kin. Naikot muna namin ang pinakamalaking bilog sa Kyusi bago nakita ang pwesto. Sari-sari ang items na kanilang tinda na nagmula sa mga nag-donate. Ang malilikom na pondo ay gagamitin nila sa future outreach program. Nasabihan ako ni ateng Edgar na pwede akong magbahagi ng kahit ano, basta mapapakinabangan at mabebenta pa. So esep-esep ako. Dahil wholesome ang bazaar, nakakahiya naman kung mga piniratang gay indie ang ido-donate ko kaya 'yung mga rated PG na lang.
Napukaw agad ang atensyon ko ng mga librong nakalatag. Nakita ko ang makapal na libro ng Twilight at 'di na binitawan. Sa halagang 35 pukekels eh nabayla ko itey at nasa magandang kondisyones pa. BONGGA! Na-meet ko rin ang ilan sa mga miyembro tulad ng primera tindera ng bazaar Marge (Coffeehan) at si Senyor (Kwentong Iskwater).
Isa pang rason kung bakit dumayo si ateng Edgar sa Circle ay dahil sa librong ilo-launch ni Glentot (Wickedmouth). Bet niya bumili dahil maganda daw ang review. As of the mowment eh 'waley pa itey sa merkado pero next month eh nasa National Bookstore na. Napagkasunduan nilang magpalitan ng transaksyon sa Trinoma. Bilang maaga pa naman eh sinamahan ko siya. Ayun, nakakuha naman siya ng kopya at may personalized dedikeyshen pa mula sa author.
Ateng Edgar, Kuya Glentot at Bb. Melanie |