Sabado last week nang ako'y magdesisyong rumampa sa
Cubao upang magliwaliw. Tanghali pero sobrang trapik sa
EDSA dahil sa road reblocking kaya kung saan-saang sulok umikot ang FX na aking sinakyan. Matapos ang isang oras eh nakarating din sa paroroonan. Naabutan kong inaayos ang bonggang Christmas Tree ng
Araneta Center. Ang lapit na talaga nang Pasko. Konting lakad pa at ako'y napadpad sa
National Bookstore.
|
Philippine Literature section inside NBS Cubao |
Sa tuwing ako'y lalabas, mapa-mall man o kung saan, palaging sa bookstore ang una kong destinasyon. Kung hindi sa NBS eh sa
Booksale. Natutuwa ako sa tuwing napapalibutan ng mga babasahin, magazine man o libro. Isa-isang susuriin at titingnan kung may magugustuhan partikular na sa
Philippine Literature section. Kung wala eh better luck next time. 'Di naman ako nabigo noong araw na 'yon dahil bukod sa bagong nobela ng favorite romance novelist ko na si
Rose Tan ay may isa pa akong inusyoso...
|
Hangga't Alat Ang Dagat at Isang Haliging Asin (Dalawang Novelang Gay) ni Joey A. Arrogante |
Noong araw lang na 'yon ko nakita ang libro pero taong 2007 pa pala ito nailimbag. Nagdalawang isip pa nga ako kung bibilhin ba o hindi kasi walang buod sa backside o loob. Wala akong ideya sa istorya. Pero istratehiya siguro iyon ng author o publisher para todong maintriga ang makakakita kaya pagkakuha ng isang kopya eh diretso ako sa cashier.
Matapos ang isang linggo eh sisimulan ko na ang pagbabasa. Sana magustuhan ko.
HAVE A GOOD WEEKEND MGA ATENG!
No comments:
Post a Comment