11:38 PM
Hi Miz Melanie!
I'm Ares and I've been an avid reader of your blog since 2010 & I have to say that you always made my day. Whenever I go online, isa ang blog mo sa lagi kong bini-visit to make sure di ko mamimiss ang sarap at katuwaan mong hatid. I admire your sense of humor and personality. You're actually one of the reasons kung bakit gusto ko din mag-blog.
Mahilig kasi ako sa fashion ever since bata pa ako. I love to watch fashion shows & I always make comments about them. I love how designers make exciting clothes & I really would love to share my passion for fashion sa pagba-blog.
Gusto ko lang humingi ng opinion mo. Last month, na-invite ako manood ng ilang shows sa Philippine Fashion Week. I really love the experience especially sitting there & watch the clothes in real life. Some of the designs are good, some of them... hmmm... I have to say are bad or needs improvement.
I would like to write them sa blog na sisimulan ko. Napansin ko kasi, sa reviews ng ilang fashion-related websites/blogs/columns sa atin ay mostly, they just describe the clothes & mostly praise all of the designs kahit yung iba eh... alam mo yun... chaka talaga or not really well-made. Parang wala gustong "mang-okray" or pumuna dun sa mga designers na may mga bad collections di katulad sa ibang bansa na may mga nagrereview or may honest criticisms.
Yun sana ang gusto kong gawin sa blog. Alam kong di naman ako "expert" sa daigdig ng fashion at wala akong pangalan sa industriya pero I think I have good taste when it comes to clothes na bebenta sa market lalo na sa global scene.
Pansin ko kasi sa fashion industry natin eh self-congratulatoy sila. They praise everyone kahit di naman "okay" ung collections so paano mag-iimprove yung designer di ba? Kung walang nagsasabi na ... "uy teh! wait lang...di maganda nagawa mo kanina ha".
Gusto ko kasing gawin yung articles ko sa blog na may pagka-ala-Simon Cowell ng American Idol na medyo blunt/mean pero mostly honest ung opinion. Gusto ko kasi ung article na tipong reaction ng isang outsider sa fashion industry & what I feel about the clothes.
Pasensya ka na sa haba ng email ko ha hehe. But I hope mabigyan mo ako ng suggestion or opinion about what I wanted to do about my blog. Baka kasi sabihin na napaka-mean ko eh wala naman akong karapatan. I just wanted to say... sabi mo nga sa blog mo.. hehe...
Hoping for your opinion Miss Mel. Thanks so much! =)
Nagmamasarap din,
Ares =)
***
Haller ateng Ares!
Salamat nang marami dahil walang sawa kang tumitikim ng masasarap kong putahe. Kaloka ang sulat mo. Feel mo bang kavogin sina Stephanie Meyer o di kaya si JK Rowling? CHOS!!!
Nakakatuwa naman dahil hiningan mo ako ng opinyon kung paano sisimulan ang iyong vlagey. Sa loob ng halos apat na taon kong pagsusulat, marami na akong natutunan at marami pang matututunan. Isa sa nais kong i-share eh ang pagiging responsable sa iyong isusulat. Blog writing is a very powerful tool in this age of technology. Anyone can use this form to express what they feel about anything. Pero dapat may limitasyon. Think before you click sabi nga ng Kapuso and I agree with that.
Get your facts accurate. Petsa man 'yan, ispelling ng pangalan, lugar o kung ano man, dapat tama ang nakalagay or else, makakatanggap ka ng bembang sa makakabasa. Kaya bago i-post, dapat makailang beses mong i-review.
Kung mag-aala-Simon Cowell ka sa birada mo, be open sa magiging reaksyon ng readers mo. Definitely may makaka-appreciate at meron hindi. Naglipana ang mga anonymous trolls o posers na walang magawa kundi ang todong mandaot. Don't take it personally and don't let them get under your skin. Learn the basics of 101 dedmatology lalo na kung bet mong i-expose ang feslak mo tulad ko.
VNRO Spring/Summer 2014 Photos courtesy of malefashiontrends.blogspot.com |
Ayan ang ilang bonggang tips na sana'y makatulong sa iyo ateng Ares. Experience is the best teacher sabi nga nila at trulili 'yan. Mas marami ka pang matutunan in the long run. See you sa malawak na mundo ng pagba-blog!
Nagmamasarap,
Bb. Melanie
Coming from one of the experts in blogging ... so better heed what he had just advice : ) ... Merry Christmas Mel
ReplyDeleteSa ibang bansa pwede yan gawin kahit okrayin mo pa ang mga damit na gawa nila kc ang dating sa ibang bansa gumagawa ka ng aligasgas na pagusapan ang gawa nya damit kaya tuloy bibenta ang gawa nya... dito sa pilipinas kapag ang isang disigner na sabihan mu ng negative ang gawa nya naku maghahalo sa balat na tinalupan ..isang halimbawa (hindi damit ah) movie ng isang artista na payaso nagalit sa isang bida at sinabihan ang reporter dahil sabi ng reporter pangit movie mu.. kung ano ano sinabi ng artista sa bakla reporter.. hindi n lan sabihin ng artista na "panoorin niyo po movie q at dun nyo sabihin ku g pangit nga..." prang ganyan sa damit bilhin niyo po gawa q damit at dun niyo sabihin kung pangit nga... sarado kc isip ng mga pinoy... kung ano narinig gagawin nga ayaw magmuni muni ang isip ng malaman kung ano..
ReplyDeleteang gugwapo naman.. hahaha. http://boysyouwouldlove.blogspot.com/
ReplyDeleteHndi rin nman ibig svhin na panget syo eh panget nrin s paningin ng iba, ika nga nila knya knyang taste at trip yan, may napatunayan knb sa larangan ng fashion pra gawin mga bagay na iniisip mo??? Isip isip din pag may tym
ReplyDelete^^^ ayan nagtroll na agad hahaha...
ReplyDeletehindi naman kailngan na may "napatunayan" kana agad para lang magbigay ng opinyon sa isang bagay. Kailngan natin ng mga taong tulad ni Ares na magbabatikos sa mga gaya-gaya-couture ng mga Pinoy designers na kunyari Haute Couture ang designs pero para saan naman? may market ba ng Haute Couture dito? if at all, pakita lang ang mga designs at hindi sya mass-produced for public purchase. Isa pa ang pagde-design at pag-incorporate ng Winter-type clothing habang wala naman winter sa pilipinas LOL. it looks good on the runway pero impractical for the particular country.
kaya ikaw ARES, magsimula kanang gumawa ng blog entries mo. don't be afraid to say things for practicality's sake. It's time na gisingin ang mga mental state ng mga pinoy designers at fashionistas jan na wala sila sa 'merika at uropa. tutulungan pa kita sa entries mo.