Tuesday, November 12, 2013

Alay

Kung may madadaanan tayong simbahan ngayon araw na ito, maari bang pumasok muna tayo upang mag-alay ng panalangin at magsindi ng kandila para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda. Nawa'y makayanan nila ang matinding pagsubok na hatid ng kalikasan. Wala nang mas hihigit pa sa pagtulong ispiritwal sa mga panahong tulad nito. Hindi madali ang bumangon sa ganitong klaseng trahedya at heto pa ang bagyong Zoraida na muling susubok sa ating katatagan. Hindi tayo susuko. Kaya natin ito!

4 comments:

  1. Hindi ko gusto ang dulo... "muling hahambalos sa ating bansa hindi tayo susuko kaya natin ito... prang ipinapanalagin p na may dadating p kalamidad.... dapat ang sabihin ...."wala na po sana dumating na isang pagsubok pa na aming dadanasin upang amin papurihan ang iyong kadakilaan... amen

    ReplyDelete
  2. Hi ateng! Ang ganda ng suggestion mo. Parang ending ng panalangin. In-edit ko ang blog entry para mas positibo ang dating. Kasalukuyang umaarangkada pa-Mindanao ang bagyong Zoraida. Let's pray na matunaw ito agad para 'di na makapaminsala.

    ReplyDelete
  3. it really made me cry Ateng ... at least we can be thankful enough dahil na-spare ang Metro Manila sa might have been great havoc and devastation na maaari nating maranasan ... praise God pa rin dahil dito ... stay in prayers!

    ReplyDelete
  4. Nun una napaiyak aq n pinipigilan lan dahil sa nakakagibal na sitwasyon at sa mga news ngyon isang lingo n nakaraan tangap ko n sa dibdib q kung bakit pinili ng kalikasan na idaan sa pilipinas ang bagyo Yolanda ...dahil siguro sa dahilan ng kalikasan... ano ano p man yun tangapin n lan natin ang gawa ng kalikasan ng maluwag sa dibdib at isipin ntin ang gyon kung ano ang tama gawin upang ang kalikasan ay huwag muli gantihan ang sankatauhan nuon panahon ng mga dinasour at ni noah.. kundi mahalin ntin at ingatan ang kalikasan at ang lumalang nito..

    ReplyDelete