Thursday, November 7, 2013

Pinitpit

Linggo ng umaga nang mapagpasiyahan kong pumunta sa Baclaran para magsimba. Tutal isang mahabang LRT ride lang itech at para maiba lang kasi nunca pa akong nakapagmisa there. Bakasyon ang karamihan dahil Undas kaya konti lang ang utaw sa daan. Paakyat na ako sa Roosevelt station nang makita ko ang dalawang itey...

Parang pinitpit na bawang ang puso ko sa kanilang kalagayan. Ikaw ba naman ang matulog sa malamig na semento at daan-daanan ng maduduming tsinelas at sapatos. Pero ba't ang aga-aga eh borlogeygey? Siyempre, 'di ko naiwasang maisip na baka din-roga ng sindikato na may hawak sa kanila o tinuruang magtulug-tulugan. Magpapasko kaya nagkalat ang tulad nila. Ngunit ano man ang dahilan, wit nila deserve ang maranasan ang ganon. Dapat eh nag-eenjoy lang sila sa kanilang youthfulness.

Maaaring sabihin ng ilan sa atin na tayo'y maswerte kumpara sa kanila pero iniiwasan kong isipin 'yan. Dahil kapag may swerte, may malas. Unfair para sa kanila. 'Di naman nila pinili 'yan de vaaahhh?! Pero nabigyan ba sila ng pagpipilian? Wala yata. Nakakalumbay.

1 comment:

  1. awwwwww... kakatats naman ang post na ito... kawawa ang mga kids... tsk...

    ReplyDelete