Friday, February 28, 2014

Binalandra

Dapat may souvenir bago mag-resign
Kung naaalala niyo si Glenn na binanggit ko last year sa post na Mainit Ang Langit (part 1), nag-last day na siya sa trabaho kanina. Ouch! Nalagasan ako ng isang masarap na inspirasyon araw-araw. Wala na akong ganang pumasok. CHOS! Gutom ang aabutin ko niyan. Meron pa namang isa pero saka ko na iba-blog. Natatakot ako kasi ansungit palagi makatingin eh. Oh back to Glenn tayo. BY niya de vaaahhh?!? Halos mahimatay nga ako nung binalandra niya ang kanyang abs and biceps sa company outing last summer. Syet! Naalala ko na naman. Teka, mag-shinger lang akez. CHAREEENG!!! Mami-miss ko ang sharap niya

Wednesday, February 26, 2014

Tampulan

Mag-ate ba kayo?
Naloka ba kayo sa binalita ng Bandila noong Lunes tungkol sa isang misteryosong sakit sa Pangasinan kung saan unti-unti daw kinakain ang laman ng katawan? Si Jasmine Romero na ka-pisngi ni Julia Montes ang nag-report niyan. Kuntodo outfit si ateng. Parang doktora sa ICU. Ang dating tuloy eh kung hindi nakakahawa 'yung sakit eh nandidiri siya. Pinarte-parte pa ang balita. Para nga naman pagpupuyatan ng mga na-intriga.

Hinahanap ko 'yung video sa website ng ABS-CBN pero Error 504 ang nage-getching ko. Binura na yata. Isang babae at isang lalaki ang pasyente. Sabi nung mader ni merlat, ilang beses na nilang itong pinatingnan sa ospital at pati daw mga doktor hindi maintindihan ang sakit. May uod at langgam pa daw na lumalabas sa sugat. Hindi kaya nabarang si ateng? Si otoks naman ay hindi na makabangon sa kama dahil apektado ang paa't binti niya. Unti-unti na rin daw nalalaglag ang kanyang mga kuko. Napalitan ng lungkot at awa ang takot na naramdaman ko. Kung sana may iba pang tumingin sa kanilang eksperto. Baka sakaling malaman kung may gamot dito.

Image from localpulse.net
Ang bilis kumalat niyan sa social media na todong nagpakaba sa mga netizens. May mga nagmarunong pa na kesyo malapit na daw magunaw ang mundo, andiyan na ang paghuhukom, pinaparusahan daw tayo letsetera! Nakakakilabot kasi iniugnay pa sa propesiya ni Sadhu Sundar Selvaraj. 'Di ko siya noseline ah pero bigla siyang sikat ah!

Tweet nila kahapon
Siyempre 'di papahuli ang GMA News dahil kinabukasan ng umaga eh agad-agad nilang binasag ang trip ng Kapamilya. Psoriasis at Leprosy daw ang tumama dun sa dalawa na sinuportahan naman ng DOH. Ngunit nag-iiba-iba na ang statement nila. Ang dapat yata ay suriin nila ng maigi sina ateh at kuya. Hindi nila kailangan ng kung anu-anong espekulasyon kundi aksyon mula sa gobyerno. Hunihingi ng tulong ang kanilang mga pamilya para sila ay maipagamot. Wish ko lang imbes na takot eh kamalayan at tulong sa sitwasyon ang maging tampulan.

Image from Bandera
Maiba tayo. Umaapela si titah Janet Napoles kung pwede daw eh ma-hospital arrest na lang siya specifically sa St. Lukes Taguig dahil sa kanyang nararamdamang sakit. DAFAQ! 

Wednesday, February 19, 2014

Kiskis

Matapos naming manood nina Tracy at Ateh Paul ng GBBT last December, rumampa muna kami sa SM Sta. Mesa upang magpalipas oras bilang mahuhuli ng dating sa aming tagpuan si Gladys, isa pa naming kaibigan. Sa Booksale kami pinulot bilang suki kami doon. Sa paghahalukay ng mga lumang magazine ay may nakita akong kayamanan. Cover ng Tatler UK ang lalaking tunay na magpapayaman sa atin, si Prince Harry...


Man of the Year 2012 siya dahil sa photo scandal niya sa Las Vegas. Kaimbey lang at walang uncensored pic na lumabas. Todong pinigilan yata ni Queen Elizabeth. Sad tuloy mga beks. Pero hindi 'yan ang gusto kong isulat ngayon kundi ang bonggang ad ni Kristen Stewart for Florabotanica by Balenciaga...


Dedma lang ako nung una diyan dahil wit ko naman hilig magpabango. Kaya lang parang mas makapal 'yung page compare dun sa iba so inusyoso ko. 'Yun pala may part doon na pwede mong tuklapin para maamoy 'yung sample. 'Di kasi uso 'to sa local mags eh. Sa Avon brochure lang. Kiskis your palad to amoy the scent. Arte! At nung inamoy ko nga, PAK! Na-bet-an ko agad! Hanap ako online kung may nagtitinda. Waley. Ayaw ko naman sa mall kasi mahalya for sure. Hinagilap ko na rin sa mga tindahan sa Alphaland Magallanes kung may tester version pero napagod lang akiz. Tapos nabasa ko 'tong blog ni atey...


NAKAKALOKA! Seven kwit pala ang presyo! Ganun na pala ang presyo ng mga awtentik na pabango? Parang appliances na ang katumbas. Dahil diyan, antayin ko na lang ang version nito ni Joel Cruz.

Lord of Scents, can you hear me?

Monday, February 17, 2014

Sandwich

Pinasinungalingan ni Sen. Jinggoy Estrada na dinalhan siya ng kickback ni Ruby Tuason mula sa sarili nitong pork barrel na dumaan sa maanomalyang tanggapan ni Janet Napoles. Imbes na pera, meryenda daw ang dala nito. AHAHAHAHA!!! JUICE KOH!!! Ang dami kong tawa ditey. Infernezzz wala sa itsura ni madam na magbibitbit ng malalaking plastic na may lamang styrofor, magbebenta sa loob ng senado at maglilitanya ng...

Image by Benjie Castro via GMA News
     "Senator, may dala ako ginataang bilu-bilo, lumpiang sariwa, kamote fries at mamon. Anong gusto mo?"
Dahil matalas ang memorya ng senador, nakatatak na sa kanyang utak ang klase ng meryendang madalas 'ialok' sa kanya ni madam. Sandwiches daw galing Milky Way. ABA! Saan ang Milky Way na 'yan? Mas masarap ba 'yan sa gawa ni Aling Julie's at Mang Tinapay? Kakagutom. Na-miss ko tuloy ang Violet Cream Loaf worth tweyni peysos.

Sa tingin niyo mga ateng, anong klaseng sandwich kaya ang madalas bilhin ni senator kay Aling Ruby?

     A. Ham & Cheese

     B. Chicken Sandwich


     C. Bacon & Egg


     D. 'Pork' Sandwich



Friday, February 14, 2014

Excomulgado

Panay flowers and lovers ang masasalubong natin sa daan ngayong araw. 'Wag nang maging bitter kung member ka ng W.P.S.V. (waley papa sa valentines). Malay mo ma-excomulgado ka in the future at masabing S.W.M.J.N.A. (sa wakas may jowa na ako). Darating din 'yan sa swak na panahon. Nakakatuwang nakakainggit dahil panaka-naka ay may nakikita na akong mga shupatemba natin na proud na proud sa kanilang karelasyon. Todong nakaka-inspire sila. Kebs sa mapanghusga, basta masaya ka!

Bukod sa Sta. Mesa at Pasig, baka bongga traffic din ngayon sa mga massage parlor. Unahan tayo sa pila mga ateng lalo na sumakto sa sahod ang araw ng mga puso(n). 'Wag lang pabibitag sa inflation rate ng mga masseur at baka pati pambayad ng Meralco eh maibigay mo. CHARUZZZ FEFECO!!! 

Akala ko nga matatapos ang araw na 'to na dry akez. Buti na lang at may inihandang apatnapung dalawang segundong surprisa si fafah Sam Ajdani para sa atin...


Ayan, solb na ako! 

Magma-mop lang ako't bumaha dito

Tuesday, February 11, 2014

Hurado

Pansin ko lang, dumalang na akong mag-post ng masasarap na otoks na sumasali sa bikini contest. Vhuket kaya ako tinabangan sa kanila? Hhhmmm... wala pa kasing nakakalampas sa sarap nina Richard Pangilinan at Allen Molina. Matagal nang nananahimik sa presinto si fafah Chard kaya 'wag na natin gambalain samantalang si fafah Allen ay bonggang aktibo pa rin hanggang ngayon. Hangga't water-water ang mga beks sa kanya, push niya lang 'yan. Walang aangal. Dahil diyan, gawaran natin siya ng ULTIMATE BIKINI MAN OF THE DECADE.

Image by Edmund Chua Photography
Nung isang araw lang eh nanalo siyang Mr. Sexy Body 2014 ng Sta. Lucia East. Todo higpit ang labanan dahil halos karamihan ng kalaban niya ay beterano din. Oh well, pruweba lang na wala pang nakakapantay sa kanyang sarap at linamnam. Runners-up ang equally handsome na sina Stephan Dorschner (left) at Myles Palisoc (right).

Kung kayo ang magiging hurado, paano niyo sila iraranggo base sa tatlong kategorya...

Tubog sa ginto
Ang bikini mo ay bikini ko rin
Sa pula, sa asul... ako'y nauulol
Kahit nangingibabaw sa puso(n) ko si fafah Allen, 'di na ako aarti dun sa dalawa.

Choosy pa ba me kung sila ang nakahanda?

WITEY NA NOH!!!

*photos courtesy of Purititiwang

Sunday, February 9, 2014

Ka-look-alike

Infairness may progress
Nalaro niyo na ba ang bonggang game app na Flappy Bird? Ang simple lang ng concept pero mahirap laruin. Magpapalipad ka lang ng ibon na bukod sa tamad lumipad eh ang bigat pa. Anlaki kasi ng katawan pero ang liit ng pakpak. Habang pinapalipad mo siya, kailangan iwasan ang mga tubo sa liliparan niya. Kapag na-deds ka, walang second life. Balik sa simula. KAIMBERNA!

Excited to kiss your music again
Ang saya saya ko dahil after four years ay may bagong album si Queen KylieKiss Me Once is gonna be her twelfth studio recording after Aphrodite and set to be released in March. Kapag siya ang may bagong album, fans can expect a special edition like box set and vinyl version. Medyo kakaiba daw ang tunog nito sa electropop-dance genre kung saan siya mas nakilala. But she made sure na 'di mawawala ang tatak Kylie.

Kylie sa masarap na handaan
Naghiwalay na rin pala sila ni Andres Velencoso, ang kanyang Spanish beau for five year. Cougar level siya dun kasi 10 years ang pagitan nila. Oh well, I'm sure mas makakahanap siya ng mas masarap. Sa ganda niyang 'yon!

Into The Blue ang first single na mala-Spinning Around ang arrive. Nag-debut last February 3 ang music video at panalo sa pagka-stylish at glamorosa. Ikaw ba naman ang sponsoran ni Saint Laurent at Dior eh. At tulad ng Cry Me A River ni Justine Timberlake at We Found Love ni Rihanna, why not use a ka-look-alike of your ex as the love interest? Hhhhmmm... baka may after taste pa siya ni fafah Andres while doing the video.

Friday, February 7, 2014

Punla



Sa loob ng anim na minuto at dalawampung segundo ay bonggang nasagot ng video na 'to ang kadalasang katanungan ng mga utaw tungkol sa ating lahi. At hindi ito limitado sa mga beki. Mapa-shivolee ka man, transgender o bilaloo ay kabilang dito. Madalas kong marining ang birong-tanong na 'di naman daw tayo nanganganak pero bakit patuloy tayong dumadami. GANON?!?! So sa matris lang pwedeng magtanim ng magagandang punla? 

Inihanda 'yan ng TLF Share, isang non-profit, non-governmental organization na tumataguyod ng adbokasiya tungkol sa ating kalusugan, karapatang panlipunan at kagandahan sa sosyedad. Nakakatuwa dahil dumadami ang mga organisasyong tulad nito na buma-back up sa 'sangkabaklaan. MABUHAY KAYO!!!

Jayvhot as Maxie
Oo nga pala, kung 'di niyo kilala 'yung bida sa video, siya si Jayvhot Galang, gumanap bilang Maximo Oliveros sa Maxie: The Musicale na ipinalabas noong isang taon. Apir tayo mga ateng dahil ang galing niya. Bigyan ng award! Kudos din sa mga tao sa likod ng proyektong ito dahil bukod sa punong puno ng impormasyon ay todong nakakaaliw ang pagkakagawa. PAKPAKBOOM!

Thursday, February 6, 2014

Kanlungan

Saan napunta 'yung sinabi ng PAG-ASA na hanggang Pebrero ang malamig na klima? Walang pasabi 'tong summer season at umentra agad. Hindi man lang nagtransition. Biglaan ang todong pagtaas ng temperatura. KALOKA! Noong Linggo nagsimula 'yan habang nasa Antipolo ako at nakikipagsushalan sa mga kapwa bloggers para sa isang outreach program. Naikwento ko na sa inyo ang tungkol sa Pinoy Bloggers Outreach (PBO) noong Nobyembre. Kinaray ako ni ateng Edgar P. ng EP BITES sa unang anibersaryo ng grupo at ginanap ito sa Kanlungan ni Maria, isang tahanan na kumakalinga sa ating mga lolo't lola.

Kanlungan ni Maria
Dumating kami sa lugar pasado ala-una ng tanghali. Ang daming utaw na jumoin! The more, the merrier as they say. May nauna sa aming magbigay aliw sa mashoshonders. So habang nagpo-program sila eh ininterview ko ang resident nurse ng lugar. According to statistics, 22 ang inaalagaan nila; 17 mujer at 5 otoko. May dalawang volunteer din akong nakatsikahan. Masaya naman daw ang mga matatanda. Karamihan daw ay mga walang pamilya. Kesa nga naman magpalaboy sa daan, kinalinga sila ng DSWD saka inilipat doon. Pansin ko din na madaming stock ng gamot. 'Di naman daw kasi sila pinababayaan. Parating may nag-a-outreach at charity event.

Follow niyo ang PBO
Medical chika with lola
Seryosong nakikinig ng game mechanics
Naiyak yata si lola sa sobrang saya
Kwento ni Father, nakakatayong mag-isa ang Kanlungan dahil sa donasyon. Nakakapagpasweldo sila ng tauhan dahil dito. Knock on wood pero kung sakaling may ma-o-ospital man daw, paniguradong may mabubunot sa bulsa. Kaya lubos ang pasasalamat niya at madami pa rin ang nais magtanim ng kabutihan sa tulad nila. WE LOVE YOU FATHER!

Tahimik ang lahat kapag kumukuda si Senyor
Tinanong ko kay Father ang meaning niyan
Si Tatay Ruben AKA Michael Jackson
Sa bawat dalawang blogger ay may isang naka-assign na elderly. Partner ko si ateng Edgar at sa amin napunta si Tatay Ruben. Medyo 'di na nakakarinig si lolo at mahina na magsalita kaya kung kausapin ko, daig ko pa ang may megaphone. Nangangapitbahay ang boses ko. AMP! Dati daw siyang kapitan ng barangay at 'di na nakapag-asawa dahil ayaw daw sa kanya ng mga babae. Nako ha! Baka naman choosy ka 'tay. CHOS!

Clockwise: Ateng Edgar, Senyor Iskwater, Nutty Thoughts and ZaiZai
Nakilala ko rin sa wakas si ZaiZai ng simplycomplicatedzai.blogspot.com. Kavogue ang Mimilanie Marquez stature ko sa taas niya! Visit niyo site niya kasi ang daming masasarap na pagkain. Totoong pagkain 'to ha! Na-meet ko rin sina Wil ng willexplorephilippines.com, si Rix ng rixsays.blogspot.com, Ms. Joy of joysnotepad.blogspot.com na binigyan ako ng super sarap na chocolate at si Nutty Thoughts (tama ba?) na suki ng aking kariderya. Kung nababasa mo man ito ateng, 'di ko mahagilap ang link ng vlag mo. Post mo pls. May dalawag pogi din dun, sina Amphie at Gord kaya lang 'di ko nakuhanan eh. Sayang nameeen.

Pagod na yata sila
Salamat sa PBO at ateng Edgar for inviting me to this wonderful event. Happy anniversary at sana eh magpatuloy ang bonggang adhikain ng inyong samahan. Dumami pa sana ang maging miyembro niyo at nawa'y bumaha ng donasyon mula sa iba't ibang people, mayaman man o hindi, basta may kapasidad makatulong.

Click here to like their Facebook page for updates 

Tuesday, February 4, 2014

Ang Rugby, si Juliana at ang RH bill

Photography by Craig Pulsifer
via PhotoPhilanthropy.org
Mapa-umaga man o gabi, walang havs kung rumampage sa kahabaan ng North EDSA ang mga bata at matatandang sumisinghot ng Rugby. Parang normal na nakikihalubilo sa mga nag-aantay ng masasakyan o dumaraan lang. Lalo na sa gabi, sa gitna pa ng highway jumajamings at nakikipag-patintero pa mga sasakyan. Binalita nga sa TV ang talamak na snatching sa ibabaw ng overpass diyan dahil sa solvent peeps pero kebs ang kinauukulan. Hinuhuli naman daw at dinadala sa DSWD pero nakakaalpas pa rin daw at nakakabalik doon. So walang security ganon? CHOS!

Image from PEP.ph
Pero seryoso mga ateng, 'di makeri ng puso ko na makita ang isang musmos na wala pang alam sa buhay eh lumiliit at nasusunog ang ang utak gamit ang famous pandikit ng sapatos. Ni hindi man lang nabigyan ng tsansang makapamuhay ng bongga. Kung sino pa kasi ang walang maipakain sa mga anak, 'yung pa ang todong manganak. Tingan mo nga itong sina Richard at Lucy, pwedeng bumuhay ng 'sandosenang anak pero isa lang si Juliana. Kahit sina Carmina/Zoren at Charlene/Aga na may kambal eh piniling 'wag (munang) sundan ang mga junakis.

Image from pinoyworld.eu
Kung madaming kumokontra sa RH bill, bakit hindi na lang ito limitahan at ipatupad sa mga kababayan nating walang kapasidad bumuhay ng isang pamilya. Nang sa gayon ay mabawasan ang mga batang pakalat-kalat, nagugutom, namamalimos at napapariwara. Aktwali hindi lang naman birth control 'yan kundi wastong paraan ng pagpapamilya sa makabagong panahon. Para na rin sa kinabukasan 'di lang ng mga bata pati na rin ng ating bansa.

Saturday, February 1, 2014

Lungga

Love month is here again! Kahit walang jowang kakulapitan, still we have reasons to celebrate love love love. Eto nga lang buhay tayo sa mundo at nababasa ang gawa ko means we are truly loved by God, nature and Earth. OHA! Pang-Miss Universe ang kuda ko. Nagpe-prepare na kasi ako sa Binibining Pilipinas 2014 dahil andaming magagandang dilag. Infernezzz ha, parang nagsilabasan ang magagandang Pinay sa kanilang lungga para i-please si Madame Stella Marquez Araneta nang mapili sila sa top 40.

Sila ang aking early faves...

Aiza Faeldonia - lakas maka-Gemma Cruz Araneta ng byuti niya. She's from Mindanao at isa sa pinakamatunog na paborito ng pageant fans.

MJ Lastimosa - pangatlong beses na niyang sumali at ngayon kaya eh palarin na siyang makakuha ng isa sa apat na korona?

Yvethe Santiago - kababayan ni Venus Raj at isang Certified Public Accountant. WOW HA! Achiever ang lola niyo. 'Di na siya baguhan sa pagandahan dahil may experience na siya sa local pageants.

Kris Janson - dating Miss Cebu at ngayon eh susubukan maging Bb. Pilipinas. Knowing Cebuanas, I can feel na kukudain niya ang mga judges sa Q&A portion.

Laura Lehman - silent beauty ang isang 'to. Elegante at may class. 'Di kailangan ipaghiyawan na maganda siya at pak na pak ang rehistro sa camera.

Lima muna ngayon mga ateng dahil waley pa namang official photos. Madami pang bonggang activities ang Bb. Pilipinas kung saan todong makikilala natin ang mga kandidata. Sino kaya ang mangingibabaw sa karaketer at sino ang hanggang pica lang?

Avangan.