|
Mag-ate ba kayo? |
Naloka ba kayo sa binalita ng
Bandila noong Lunes tungkol sa isang misteryosong sakit sa Pangasinan kung saan unti-unti daw kinakain ang laman ng katawan? Si
Jasmine Romero na ka-pisngi ni
Julia Montes ang nag-report niyan. Kuntodo outfit si ateng. Parang doktora sa ICU. Ang dating tuloy eh kung hindi nakakahawa 'yung sakit eh nandidiri siya. Pinarte-parte pa ang balita. Para nga naman pagpupuyatan ng mga na-intriga.
Hinahanap ko 'yung video sa website ng
ABS-CBN pero
Error 504 ang nage-getching ko. Binura na yata. Isang babae at isang lalaki ang pasyente. Sabi nung mader ni merlat, ilang beses na nilang itong pinatingnan sa ospital at pati daw mga doktor hindi maintindihan ang sakit. May uod at langgam pa daw na lumalabas sa sugat. Hindi kaya nabarang si ateng? Si otoks naman ay hindi na makabangon sa kama dahil apektado ang paa't binti niya. Unti-unti na rin daw nalalaglag ang kanyang mga kuko. Napalitan ng lungkot at awa ang takot na naramdaman ko. Kung sana may iba pang tumingin sa kanilang eksperto. Baka sakaling malaman kung may gamot dito.
Ang bilis kumalat niyan sa social media na todong nagpakaba sa mga netizens. May mga nagmarunong pa na kesyo malapit na daw magunaw ang mundo, andiyan na ang paghuhukom, pinaparusahan daw tayo letsetera! Nakakakilabot kasi iniugnay pa sa propesiya ni
Sadhu Sundar Selvaraj. 'Di ko siya noseline ah pero bigla siyang sikat ah!
|
Tweet nila kahapon |
Siyempre 'di papahuli ang
GMA News dahil kinabukasan ng umaga eh agad-agad nilang binasag ang trip ng Kapamilya.
Psoriasis at
Leprosy daw ang tumama dun sa dalawa na sinuportahan naman ng
DOH. Ngunit nag-iiba-iba na ang statement nila. Ang dapat yata ay suriin nila ng maigi sina ateh at kuya. Hindi nila kailangan ng kung anu-anong espekulasyon kundi aksyon mula sa gobyerno. Hunihingi ng tulong ang kanilang mga pamilya para sila ay maipagamot. Wish ko lang imbes na takot eh kamalayan at tulong sa sitwasyon ang maging tampulan.
Maiba tayo. Umaapela si titah
Janet Napoles kung pwede daw eh ma-hospital arrest na lang siya specifically sa
St. Lukes Taguig dahil sa kanyang nararamdamang sakit.
DAFAQ!
nalokah din ako dito nung una , but as the new progress , false alarm lang pala naman , madaming kaso niyan dito sa 'Pinas , isolated case lang iyan at pina-sensationalize lang ng ating mga maabilidad na news network !
ReplyDeletemedyo scrazy nga ang mga text brigade at BC sa bbm tungkol dyan..
ReplyDeletemga true ang propesiya ng propetang iyan. pero sabi sa bible kapag malapit na daw ang doomsday eh may mga lalantad daw na mga peking propeta at ililigaw nila ang mga tao gamit ang nakakahangang mga himala. feeling ko ang propetang indian na yan ang isa sa tinutukoy ng bible at yun ang mas nakakatakot.
ReplyDelete-anonymous beki
actually ateng last year pa yang sakit diumano na iyan, pero after a week na nagcicirculate sa social media yang sakit, nagreport na ang regional news ng tv patrol na north central luzon na hindi dapat ikabahala yan kasi di naman daw nakakahawa pero di nilinaw yung sakit so after less a month parang nawaley na ang issue then ito nga, lumabas uli this month at may kasama pang self titled prophet kuno, ayun lalong nagpanic ang mga tao. naniwala agad ang mga loka. dapat dyan sa reporter na nagreport, masesante. kawawa tuloy ang pangasinan, kahit pa nilinaw na ng mga health officials na hoax lang ang balita, waley eh, apektado na ang torismo ng pangasinan.
ReplyDeleteisolated case ... ano b yan.. kung ibig sabihin isolated case matagal ng problem yan hindi binibigyan ng atension ano b yan kung isolated case di ibig sabihin marami sila hindi lan isa kasi isolated case.. ano b yan
ReplyDeleteAno ba yan.. Ang daming ano ba yan sa comment mo.
DeleteTsk. Ano ba yan.
actually hindi lang turismo ng pangasinan ang affected kundi buong pilipinas. Viral worldwide sa youtube ang disease at prophet na yan, ang malungkot lang may kasamang 'Philippines' yung title nung video at napapanood ng buong mundo. sabi pa sa hula nung indian kakalat daw yung disease all over the world. dahil diyan baka pandirihan ang Philippines ng buong universe at yun ang mas scary than the disease hoax.
ReplyDelete-anonymous beki
-Teh Edgar, kung anu-ano na ngang haka-haka ang kumakalat sa internet eh. Kanya-kanyang interpretasyon, kanya-kanyang paniniwala.
ReplyDelete-Teh Rix, bobita rose akez dahil wit ko knows 'yang BC ahahaha!
-Teh anonymous beki, I don't think na gusto ni Ama na mabuhay tayo sa takot. Set aside natin 'yan and let's be happy :)
-Teh Anonymous 1, positive akong lilipas din ang isyung itez. Babalik din ang sagana ng turismo sa Pangasinan :)
-Teh Anonymous 2, 'wag sanang i-isolate ang ganitong kaso. 'Di porke konti lang sila eh 'di dapat pagtuunan ng pansin.