Saan napunta 'yung sinabi ng
PAG-ASA na hanggang Pebrero ang malamig na klima? Walang pasabi 'tong summer season at umentra agad. Hindi man lang nagtransition. Biglaan ang todong pagtaas ng temperatura.
KALOKA! Noong Linggo nagsimula 'yan habang nasa
Antipolo ako at nakikipagsushalan sa mga kapwa bloggers para sa isang outreach program. Naikwento ko na sa inyo ang tungkol sa
Pinoy Bloggers Outreach (PBO) noong Nobyembre. Kinaray ako ni ateng
Edgar P. ng
EP BITES sa unang anibersaryo ng grupo at ginanap ito sa
Kanlungan ni Maria, isang tahanan na kumakalinga sa ating mga lolo't lola.
|
Kanlungan ni Maria |
Dumating kami sa lugar pasado ala-una ng tanghali. Ang daming utaw na jumoin! The more, the merrier as they say. May nauna sa aming magbigay aliw sa mashoshonders. So habang nagpo-program sila eh ininterview ko ang resident nurse ng lugar. According to statistics, 22 ang inaalagaan nila; 17 mujer at 5 otoko. May dalawang volunteer din akong nakatsikahan. Masaya naman daw ang mga matatanda. Karamihan daw ay mga walang pamilya. Kesa nga naman magpalaboy sa daan, kinalinga sila ng
DSWD saka inilipat doon. Pansin ko din na madaming stock ng gamot. 'Di naman daw kasi sila pinababayaan. Parating may nag-a-outreach at charity event.
|
Follow niyo ang PBO |
|
Medical chika with lola |
|
Seryosong nakikinig ng game mechanics |
|
Naiyak yata si lola sa sobrang saya |
Kwento ni Father, nakakatayong mag-isa ang Kanlungan dahil sa donasyon. Nakakapagpasweldo sila ng tauhan dahil dito. Knock on wood pero kung sakaling may ma-o-ospital man daw, paniguradong may mabubunot sa bulsa. Kaya lubos ang pasasalamat niya at madami pa rin ang nais magtanim ng kabutihan sa tulad nila.
WE LOVE YOU FATHER!
|
Tahimik ang lahat kapag kumukuda si Senyor |
|
Tinanong ko kay Father ang meaning niyan |
|
Si Tatay Ruben AKA Michael Jackson |
Sa bawat dalawang blogger ay may isang naka-assign na elderly. Partner ko si ateng Edgar at sa amin napunta si
Tatay Ruben. Medyo 'di na nakakarinig si lolo at mahina na magsalita kaya kung kausapin ko, daig ko pa ang may megaphone. Nangangapitbahay ang boses ko.
AMP! Dati daw siyang kapitan ng barangay at 'di na nakapag-asawa dahil ayaw daw sa kanya ng mga babae. Nako ha! Baka naman choosy ka 'tay.
CHOS!
|
Clockwise: Ateng Edgar, Senyor Iskwater, Nutty Thoughts and ZaiZai |
Nakilala ko rin sa wakas si
ZaiZai ng
simplycomplicatedzai.blogspot.com. Kavogue ang Mimilanie Marquez stature ko sa taas niya! Visit niyo site niya kasi ang daming masasarap na pagkain. Totoong pagkain 'to ha! Na-meet ko rin sina
Wil ng
willexplorephilippines.com, si
Rix ng
rixsays.blogspot.com,
Ms. Joy of
joysnotepad.blogspot.com na binigyan ako ng super sarap na chocolate
at si
Nutty Thoughts (tama ba?) na suki ng aking kariderya. Kung nababasa mo man ito ateng, 'di ko mahagilap ang link ng vlag mo. Post mo pls. May dalawag pogi din dun, sina
Amphie at
Gord kaya lang 'di ko nakuhanan eh. Sayang nameeen.
|
Pagod na yata sila |
Salamat sa PBO at ateng Edgar for inviting me to this wonderful event. Happy anniversary at sana eh magpatuloy ang bonggang adhikain ng inyong samahan. Dumami pa sana ang maging miyembro niyo at nawa'y bumaha ng donasyon mula sa iba't ibang people, mayaman man o hindi, basta may kapasidad makatulong.
Click
here to like their
Facebook page for updates
☺
Again, nice to meet you ahaha. Medyo nakakapagod ang event pero nakakatuwa din naman dahil worth it ang pagod mo kapag nakita mo ang smile ng mga lolo at lola sa mga muka nila...
ReplyDeletethanks Mel sa pagsama ... nakalimutan mo si Ms. Joy .. may pasalubong pa naman siya sa iyo he he he ... til next ganaps daw ulit
ReplyDelete: )
salamat din sa yo idol M!!!!
ReplyDeleteyung picture natin teh? :)
http://thenuttythoughts.blogspot.com/