Mapa-umaga man o gabi, walang havs kung rumampage sa kahabaan ng
North EDSA ang mga bata at matatandang sumisinghot ng
Rugby. Parang normal na nakikihalubilo sa mga nag-aantay ng masasakyan o dumaraan lang. Lalo na sa gabi, sa gitna pa ng highway jumajamings at nakikipag-patintero pa mga sasakyan. Binalita nga sa TV ang talamak na snatching sa ibabaw ng overpass diyan dahil sa solvent peeps pero kebs ang kinauukulan. Hinuhuli naman daw at dinadala sa
DSWD pero nakakaalpas pa rin daw at nakakabalik doon. So walang security ganon?
CHOS!
Pero seryoso mga ateng, 'di makeri ng puso ko na makita ang isang musmos na wala pang alam sa buhay eh lumiliit at nasusunog ang ang utak gamit ang famous pandikit ng sapatos. Ni hindi man lang nabigyan ng tsansang makapamuhay ng bongga. Kung sino pa kasi ang walang maipakain sa mga anak, 'yung pa ang todong manganak. Tingan mo nga itong sina
Richard at
Lucy, pwedeng bumuhay ng 'sandosenang anak pero isa lang si
Juliana. Kahit sina
Carmina/Zoren at
Charlene/Aga na may kambal eh piniling 'wag (munang) sundan ang mga junakis.
Kung madaming kumokontra sa
RH bill, bakit hindi na lang ito limitahan at ipatupad sa mga kababayan nating walang kapasidad bumuhay ng isang pamilya. Nang sa gayon ay mabawasan ang mga batang pakalat-kalat, nagugutom, namamalimos at napapariwara. Aktwali hindi lang naman birth control 'yan kundi wastong paraan ng pagpapamilya sa makabagong panahon. Para na rin sa kinabukasan 'di lang ng mga bata pati na rin ng ating bansa.
hay naku , pareho tayo ng sentimyento ateng , kaso lang ang daming nagdudunong-dunungan sa bansang ito pramis kaya mahirap ipasa iyang ganiyang batas huh !
ReplyDeleteisa pa ring malaking usapin ang RH bill na hanggang ngayon ay hindi pa mapagdesisyunan ehehe.
ReplyDeletedemocrazy teh mel! kakatakut pala jan sa overpass na yan!
ReplyDeletesiguro may problema isa kina richard at lucy, imposibleng ayaw pa nilang sundan si juliana, 15years old na yung bata. oh well, u can't have it all, nobody's perfect. may masayang pamilya sila, perfect couple, may pera, known celebrities.. yun lang, nahihirapang masundan ang panganay nila.
ReplyDelete