Friday, February 7, 2014

Punla



Sa loob ng anim na minuto at dalawampung segundo ay bonggang nasagot ng video na 'to ang kadalasang katanungan ng mga utaw tungkol sa ating lahi. At hindi ito limitado sa mga beki. Mapa-shivolee ka man, transgender o bilaloo ay kabilang dito. Madalas kong marining ang birong-tanong na 'di naman daw tayo nanganganak pero bakit patuloy tayong dumadami. GANON?!?! So sa matris lang pwedeng magtanim ng magagandang punla? 

Inihanda 'yan ng TLF Share, isang non-profit, non-governmental organization na tumataguyod ng adbokasiya tungkol sa ating kalusugan, karapatang panlipunan at kagandahan sa sosyedad. Nakakatuwa dahil dumadami ang mga organisasyong tulad nito na buma-back up sa 'sangkabaklaan. MABUHAY KAYO!!!

Jayvhot as Maxie
Oo nga pala, kung 'di niyo kilala 'yung bida sa video, siya si Jayvhot Galang, gumanap bilang Maximo Oliveros sa Maxie: The Musicale na ipinalabas noong isang taon. Apir tayo mga ateng dahil ang galing niya. Bigyan ng award! Kudos din sa mga tao sa likod ng proyektong ito dahil bukod sa punong puno ng impormasyon ay todong nakakaaliw ang pagkakagawa. PAKPAKBOOM!

4 comments:

  1. nyahaha natawa ako sa kanya ang ganda ng pagkakagawa ng vblog nya.

    ReplyDelete
  2. ganda ng video...tnx for sharing ate melanie

    ReplyDelete
  3. Haiy triny ko magbible study and everything pero grbe. Let's just say eto pa rin ako.

    ReplyDelete
  4. -Teh Rix, fun and informative at the same time. Magaling magaling!

    -Teh Anonymous 1, walang anuman :)

    -Teh FiftyShadesOfQueer, 'yan ka pa rin at dapat kang maging proud. Lab tayo ni God.

    ReplyDelete