Matapos ang halos tatlong buwan na pagsubaybay sa Mister Slovenia 2014 ay natapos din ito noong abentse otso ng Mayo. Ang nagwagi ay si Mitja Nadižar, 19 years old at isang estudyante. Fresh na fresh! Siya ang pupunta ng South Korea sa Oktubre para lumaban sa Mister International 2014.
Una pa lang eh ginising na niya ang kamalayan natin sa ganda ng kanya fes at mga mata. Mapa-beki man o mujer, laglag fanti sa kanyang masarap na dating. Itinanghal naman na Mister Fashion Days si Nejc Zidar samantalang Cosmo Mister ang bet na bet kong si Domen Mihelič. Swaksi sa top five sina Bojan Radusinovic at Aljoša Kuzmanovski. Bongga ng mga letra sa name nila noh!? May parang kuwit. Paano kaya baybayin 'yun?
Dito naman sa atin ay nalaman na ang ipapadala ni Cory 'forever young' Quirino sa Mr. World 2014. Dalawang otoks lang ang todong pinagpilian, ang top models na sina John Spainhour at Sam Ajdani. Walang pageant na naganap contrary sa announcement nung Abril. At ang resulta, pareho silang wagi! Magkaibang taon lang lalaban. Si Mr. Spainhour for this year at sa 2015 si Mr. Ajdani. Both of them have foreign blood just like Andrew Wolff na 1st runner-up noong Mr. World 2012.
John is 26 years old and stands 185 centimeter. Prior to modeling, he was in US Marine Corps as a Scout Sniper. AY! Asintado siguro siyang bumaril ahihihihi!
Ngayon pa lang ay nasasabik na akong makita silang makipag-compete sa international pageants. Unahin muna natin 'tong Mr. World 2014 at kasalukuyan nang dumarating ang mga kandidato all over the world sa London. Sa June 15 ang finale kaya itodo na ang pag-alay ng kandila at kakanin sa rebulto ni bathala upang patnubayan niya ang pambato ng ating bansa.
Saturday, May 31, 2014
Wednesday, May 28, 2014
Iskinita
Anyways, usapang iskinita pa rin. Humihingi ng extension si Janet Napoles na manatili muna sa Ospital ng Makati habang nagpapagaling ng kanyang opera sa matris. Kamakailan ay napabalitang siya ay dinugo at ang itinuturong sanhi... pakikipagtalik. Sey ng kanyang doktor, tao rin daw si Napoles, may makamundong pangangailangan din. Todong idineny 'yan ng tinaguriang 'Pork Queen'. Napakamalisyoso daw ng balitang 'yan. Oh well, mas okay kayang mapagbintangang 'mahilig' kesa mangangamkam ng kaban ng bayan. Don't cha think sow?
Monday, May 26, 2014
Buwis-buhay
Naranasan niyo na bang humabol ng jeep para lang makasakay agad? Pinara mo na pero 'di ka hinintuan. Ayun, dedma ka sa pa-gurl image mo at kahit humahagibis eh todong hinabol mo at halos lundagin ang loob. Pag-upo mo, saka mo lang mare-realize na buwis-buhay 'yung ginawa mo. KALOKA! Ilang beses ko nang ginawa 'yan, madalas sa ordinary bus. Dapat 'di ko na ulitin at baka sumadsad sa kalsada ang byuti ko. Mahalya fuentes magpa-Vicki Belo. CHAREEENG!!!
Mainit na mainit pa ang panahon. Wala pang balak mamahinga si haring araw kaya habang andiyan siya, take advantage ang mga bikini contest ngayon. Isinasabay sa piyesta, dagdag aliw sa bawat barangay. Walang magrereklamo at minsan lang sa isang taon 'yan. Kung ayaw niyo manood sa mainit na covered court o plaza, meron sa bonggang air-conditioned venue tulad ng Prince Xanadu bar. Dito gaganapin ang Mr. Gorgeous 2014 sa May 31. Labing-pitong lalaki ang magtatagisan ng kanilang sarap para sa titulo. Silang anim ang über gorgeous for me...

Richard C. & Richard B.
Aeron & Louis
Yves & Ton-Ton
Nagmamakaawa yata si Yves na mahalin ko siya. Lalaking-lalaki namang si Ton-Ton. Nabilaukan yata ako sa dalawang Richard. Kili-kili ba ang fetish mo? Tanong nina Aeron at Louis. Kung bet niyo mapanood 'to, contact Mami Sweet at 0949-750-1965. Five hams lang ang ticket at ang venue ay malapit sa Crossings/National Bookstore, Quezon Avenue.
Sunday, May 25, 2014
Hinaharap
Last Friday night was #XMenMovieNight sponsored by Nuffnang PH. I joined their contest and luckily won 2 tickets. My 13 year old nephew accompanied me to watch the 7th installment of X-Men movie series. Okay nosebleed na me kaya inhinto na 'yan. Sa Shangri-La Cineplex 1 ang ganap at 10 minutes bago mag-alas diez ng gabi ang oras. Todo excited akez dahil as I mentioned before, I am a BIG fan of X-Men, mapa-comics man 'yan, animated series, video games o pelikula.
The movie started in the future where Sentinels rule the Earth. Bolivar Trask, the designer of deadly robots adapted the mutant genes of Mystique to make it stronger and much dangerous. He started the study in 1973 at para mabago ang hinaharap, kinakailangan isa sa X-Men ang bumalik sa nakaraan at pigilan ang assassination plan ni Mystique. Sa comics version ay si Shadowcat ang nag-time travel, si Bishop sa animated series while its Wolverine sa movie version. Bongga 'di ba?! Hanggang diyan na lang 'yan para 'di spoiler ang peg ko.
Apat na originals lang ang may bonggang exposure dito... Storm, Professor X, Magneto at si Wolverine. The rest ay 'yung batang version na. Prior to this eh hindi ko pa napanood 'yung First Class pero matapos kong mag-wet kay James McAvoy as young Professor X, pagka-uwi eh derecho salang ako ng dibidi. Ang sharap niya!
You shouldn't miss this movie at nakakabusog sa ganda ang special effects. Now showing at your nearest cinema worldwide.
Rating: 4/5 stars
The movie started in the future where Sentinels rule the Earth. Bolivar Trask, the designer of deadly robots adapted the mutant genes of Mystique to make it stronger and much dangerous. He started the study in 1973 at para mabago ang hinaharap, kinakailangan isa sa X-Men ang bumalik sa nakaraan at pigilan ang assassination plan ni Mystique. Sa comics version ay si Shadowcat ang nag-time travel, si Bishop sa animated series while its Wolverine sa movie version. Bongga 'di ba?! Hanggang diyan na lang 'yan para 'di spoiler ang peg ko.
Apat na originals lang ang may bonggang exposure dito... Storm, Professor X, Magneto at si Wolverine. The rest ay 'yung batang version na. Prior to this eh hindi ko pa napanood 'yung First Class pero matapos kong mag-wet kay James McAvoy as young Professor X, pagka-uwi eh derecho salang ako ng dibidi. Ang sharap niya!
with Michael Fassbender who played Magneto |
Rating: 4/5 stars
Wednesday, May 21, 2014
Essence
7:30 ng umaga eksaktong dalawampung taon na ang nakararaan nang gisingin ako ni mudra sa mahimbing na pagkakatulog. Ibinilin ko kasi sa kanya na gusto kong mapanood ang bonggang live telecast ng Miss Universe 1994 sa channel 2. Ako'y siyam na taong gulang at tutuntong pa lang sa ika-tatlong na baitang sa susunod na pasukan pero beauty pageant na ang hilig.
Nagpakilala ang mga contestants all over the world separated by their region and continent. Makikita sa left side ng screen ang score sa swimsuit, evening gown sa right at sa gitna ang interview during the preliminaries. Siyempre excited ako para kay Charlene Gonzales. Kahit na sinasabihan siyang mataba at monay face noon, she was still one of the best candidates at heavy favorites. Siyempre may homecourt advantage eh. Nanalo pa ng Best in National Costume. Dedma sa mga kumontra kasi maganda naman talaga 'yung pagkakagawa.
Naalala ko pa andaming binebentang picas ng Miss Universe sa labas ng Sto. Niño Parachial School sa Bago Bantay QC. Depende sa size ang presyo, dos 'yung maliit at limang piso 'yung malaki. Doon yata naubos ang baon ko. Buti na lang naka-school bus ako or else, lalakad ako pauwi sa amin. Bukod kay Charlene, paborito ko noon sina Miss Australia at Miss Uruguay na mukhang mathunders na. Pagkakatanda ko 27 years na siya nung sumali.
Going back sa pageant, pang-siyam na semifinalist si Miss Philippines. Ang lakas ng hiyawan ng mga Pinoy. We take pageant seriously komento ni ateng sa background. Taas ng score niya sa swimsuit. High tide o low tide? Todong naaliw ang judges pati na ang host na si Bob Goen sa kuda niya. Hindi man tight fitting ang gown niya, pasok pa rin siya sa top 6. Sumemplang kay Superwoman. Ligwak sa top 3. What is the essence of being a woman? Halos pareho ang sagot ni Sushmita Sen at Carolina Gomez. Kitang kita sa TV kung paano napasimagot si Minorka Mercado nang siya ang tinawag na 2nd runner-up. Genuine ang pagbati ng Colombiana nung si Indiana ang manalo.
Makaraan ng ilang araw, pumunta kami sa palengke ni mama para mamili ng gamit niya sa pananahi. Sa tapat ng binibilhan niya ay photo shop. Nakadisplay sa harap ng tindahan ang mga kuha sa coronation night. Lagi kong tinitingnan sa tuwing pumupunta kami. Ang tagal ding nakadisplay doon. Inabot ng ilang taon hanggang sa kumupas at mawala.

Monday, May 19, 2014
Siya...
...ang nais kong makita sa umaga
...ang ipagtitimpla ko ng kapeng may krema
...ang kasabay kong kumain ng Afritada
...ang aayuda sa aking paglalaba
...ang kasama kong manonood ng pelikula
...ang kaakbay ko sa Luneta
...ang pangarap kong kay ganda
...ang pangarap kong kay ganda
...ang dahilan nang aking paghinga
Oh siya... tama na
Sunday, May 18, 2014
Kweba
Sa mahigit apat na taon kong pagsusulat, ilan sa inyo ay nakapag-request na magbahagi ako ng aking kwentong lovelife. 'Yan na yata ang pinakamahirap na gusto niyo na wit ko magagawa sa kadahilanang waley pa akong nagiging jowa. Yes mga ateng! Sa kasamaang palad ay NBSB ang lolah niyo. Siyempre nagtataka rin ako noh. Kaya ang ginawa ko eh bonggang nagtanong sa kinauukulan. Sabi ng officemate at superfriend ko na hindi magkakilala, ang lakas daw ng personality ko. Bawasan ko daw ng konti. Kuda naman nung isa eh masungit daw akong tingnan. Smile more often ang payo niya. Kaya ko 'yung pangalawa pero paano ko ba gagawin 'yung una?
At bilang nakalutang pa sa ere ang kasagutan diyan, inaliw ko muna ang sarili ko sa ibang social media site na beki ang bida... Tagged, My Ladyboy Date at Lady Boy Kisses. Karamihan ay mga afam na naghahanap ng kalinga ng isang Pinay ang makikilala diyan. So far eh wala pa akong matinong nakaka-chat. Palaging gusto eh maghubad ako sa webcam at makita ang aking kweba. NAKAKALOKA! Wit pa ako handa sa ganyan. Minsan may nagtatanong kung top daw ba akez? Haayyy... ganun yata kaliberal sa ibang bansa. Swerti ng ilan nating ateh na nabingwit na ng mga afam. Kay fofogi pa nila. Sana ako na ang next na makakain ng bulate sa dulo ng fishing rod. CHAR!
Ngunit hindi lahat ay todong sinuswerte sa ganyan. Tulad nitong si Laurent, isang Pranses na dumayo pa sa bansa natin...
Alamin ang kanyang kwento dito: When In Manila - French National Lost and Begging for Food In Cagayan De Oro Saved by Filipinos
Thursday, May 15, 2014
Palikuran
Isa nating ateng ang buong pusong nagbahagi ng kanyang nalalaman at personal na karanasan sa pang-aabuso ng ilang kalalakihan sa ating kahinaan. Halikayo't ating alamin ang misteryo na nangyayari sa loob ng mga pampublikong palikuran...
By Anonymous May 12, 2014 at 7:38 AM
Just to share some of my experiences sa mga so called callboy. Sa akin naman 'di sila nagpapakilala as callboy. Aminin natin na we are gays and yes we have Restroom Cruisin. In Tagalog, kati sa pampublikong palikuran.
Sa Monumento malapit sa LRT (Jollibee pa noon at lately KFC) may isang pangit na lalake na madalas nagkukunyari na umiihi. So ang siste, kikindatan ka nya at pag 'di mo sya pinansin akma nyang ilalabas yung ari nya na matigas na. So mapapalingon ka talaga kasi gumalaw siya. 'Pag lalabas ka na ng CR, sasabihin niya na lumapit ka kasi nakita daw nya na sinisilipan mo siya. So idedeny mo at tatakutin ka na "gusto mo mag-iskandalo ako". Siyempre kakalma ka kasi madami kumakain na tao. Hihinahon din sya at ang siste, hihingiian ka niya ng pera kasi nagugutom sya at 'yun na lang bayad. Nung panahon ko, binigyan ko na lang ng 100 para matapos na. Ang siste, matalas ang memory ng lokong ito at madalas sya makikita na nakatambay sa labas ng Fairy Mart, aakbayan ka na lang. Iniiwasan ko na ang lugar na yun.
Sa kaso naman ng kaibigan ko, ito ang nangyari...
Sa may McDonalds sa LRT EDSA station malapit sa sakayan ng Taguig, nag-CR ang kaibigan ko na umamin sa akin na kinakati ng mga oras na 'yun. Ang nangyari base sa kwento sa akin, may umiihi kunyari sa cubicle pero matigas ang ari. 'Yun pa ang nagyaya na magcheck in daw. Na-sense niya na todo hayok daw ang lalake. Hanggang sa kinabahan, lumabas sya ng Mcdo at hiningiian siya ng pera kasi may bayad na din daw ang paghawak sa ari. Dumerecho daw sya papuntang sakayan ng Tagaytay para lang makatakas. Kaso ang jeep 'di naman umalis kaagad, iniskandalo sya ng lalake sa public na puno na halos ng pasahero. Minura mura siya by saying "p@$&na mong bakla ka pipiliin mo yung lalandiin mo. Papahawak mo yung ___ mo". 'Yung mga tao nagtitinginan at ang nakakatakot daw na part is baka pababain sya ng driver ng jeep. Buti na lang at umalis na din sa wakas yung jeep. Sa takot na sumunod since alam nung nageskandalo yung destination nya, nagpalipat lipat sya bus para lang umiwas.
So ingat lang sa mga kakatihin sa restroom.
Isa sa kinatatakutan nating mga beki ang maiskandalo in public lalo kung tungkol sa isyung sekswal. Sino ba naman ang gustong maparatangan ng manyakis sa harap ng madlang pipol na lumalafang ng spaghetti at chicken joy? Sa kamalasan ay nakita itong oportunidad ng mga mapagsamantala upang tayo ay kikilan. Totoo ang sinabi ni ateng na ang ilan sa atin ay may tinatagong kakirian kapag pumapasok ng public CR. Puro kaya nota 'dun! Pero sa panahon ngayon, todong pagtitimpi ang dapat maghari. Ilagay sa tamang lugar ang pagkasabik sa kapirasong laman.
Kung natuloy man sa pag-e-eskandalo, aba itodo mo na! Matutong lumaban at ipahiya mo rin. Sindakan pala ang gusto niya, ibigay mo. Ilabas muna si Bonifacio at ibandera ang pulang bandila. Hindi ka sasaktan ng mga 'yan at maraming makakakita. Tumawag ng guard at sabihin ang nangyari. Wit sila titigil hanggat may nabibiktima. Kailangan manggaling sa atin ang unang aksyon upang kahit papaano sila'y mabawasan.
***
Originally posted in 300 (final part)By Anonymous May 12, 2014 at 7:38 AM
Image from group4project-palikuran.blogspot.com |

Tuesday, May 13, 2014
Pwersa
♫ So don't blame me
For wanting you just too much
You're sexy
And what you need's a sexy love
All I see
Every time I look at you
Is you are free
I just wanna be with you
Give me that sexy love ♪
Naka-on ang 'repeat 1' option ng CD player ko sa ikaapat na kanta ng Kiss Me Once, ang 12th studio album ni Kylie Minogue. This is her follow-up sa Aphrodite album na 2010 pa lumabas. Four years din 'yun ah! Worthy naman ang todong pag-aantay ng true-blue fans ng original pop princess dahil from track 1 to 11 eh walang tapon. Lahat pakikinggan mo. Maging co-producer mo ba naman si Sia Furler (David Guetta, Eminem, Rihanna...) at gawan ka ng isang kanta ni Pharrell Williams (I Was Gonna Cancel), ewan ko na lang kung hindi maganda ang kalalabasan.
Buti na lang at updated ang mga tindahan ng CD sa Quiapo at nagkaroon kaagad nito. Pagkadampot ko eh derecho paylet. For me, eto ang limang glowing songs from the album:
- Into The Blue - say hello to Pop Kylie
- Sexy Love - eto 'yung kanta sa taas. Magandang isayaw sa bar kapag may lalandiing afam
- If Only - lungkut-lungkutan ang peg
- Les Sex - obvious sa title kung bakit ko bet ahahaha!
- Kiss Me Once - Cute Kylie is here
May KMO Tour na aarangkada sa Setyembre. So far eh mga European countries pa lang ang confirmed na pupuntahan niya. Sana lang matulad 'to sa Aphrodite Les Folies Tour na bonggang nakarating sa Pinas. Kung mangyayari 'yan eh muli siyang makakaasa ng buong pwersa ng 'sangkabaklaan. ☺
Saturday, May 10, 2014
X-Men: Days of Future Past
Favorite character ko si Storm at ang kidlat na hikaw niya. Inaabangan ko palagi 'yung transformation scene niya tsaka kapag lumilipad siya nawawala 'yung iris sa mata. The most memorable episode for me was The Dark Phoenix Saga. 'Dun kasi na-introduce si White Queen. Bet na bet ko ang costume niya, naka-swimsuit with sintas sa harap. May fur sa kapa at hanggang hita ang boots. Baklang-bakla!
Sa May 21 na 'yan bonggang ipapalabas sa mga suki nating sinehan brought to us by 20th Century Fox Philippines.
Thursday, May 8, 2014
Pampagaan
Matapos ang mabigat sa damdaming political/true-to-life entry eh deserve natin ang pampagaan ng feeling. Two years in a row ko nang sinusubaybayan ang Mister Slovenia dahil tila ba kaysasarap ng mga putahe doon. Happy tilapia ako sa pageant na 'to. Though walang direct flight ang Cebu Pac at Zest Air papunta there eh nangangarap pa rin akez na someday eh masisilayan nila ang aking byuti. Tingnan ko lang kung pakawalan pa nila 'ko.
From tweyni eh napili na ang sampung maglalaban-laban this year. Ang daming nalagas sa mga betchikels ko pero may natira naman. 'Yung pang bonggang main course kumbaga. Noong isang taon eh outdoor ang pictorial nila. Kabaligtaran this time at wet look sa sauna ang peg...
Bojan Radusinović (grabe kung makatingin)
Aljoša Kuzmanovski and Goran Krajcar
Dmitrij Halužan (ganda ng mata)
Klemen Zagorščak and Matic Pogorelec
Domen Mihelič (I love balbon!)
Mitja Nadižar and Nejc Zidar
Jakob Horvat (may sinasabi yata 'yung utong niya)
Tuesday, May 6, 2014
Agwat
Habang tumatagal ay painit nang painit ang Kamaynilaan. Ang daming utaw sa kalsada. Trapik sa EDSA. Kabi-kabila ang road repair. Ang itim-itim kapag nangulangot ka. Sobrang kapal kasi ng usok sa kapaligiran. Mga batang hamog nagkalat. Kawawa naman walang makain. Sa rugby nabubusog. 'Yung matandang namamalimos sa MRT na puti ang buhok at nakasalamin, may karatulang suot para daw sa mata niya eh limang taon na yata doon. Magkano na kaya naipon niya? Tsaka si kuyang may goiter ba o malaking bukol sa leeg. Pamilyar ba kayo sa kanya? Ako nga yata namumukhaan na niya kaya kapag nasasalubong ko eh umiiwas na ng tingin. Huli kong kita nasa LRT siya.
Mga bonggang condominiums nagsisulputan. Sa tabi ay mga squatters natatabingan. Makikita mo side by side ang agwat ng mahirap sa may kaya. Unfair noh? 'Yung dating may halaman at puno ngayon ay sementado na. Nilalagyan ng gate ang kalsada. Ginagawang private road. Next year pa daw darating mga bagong tren sa MRT. Ilang buwan pa akong magtitiis sa hininga ni kuya. Sa mainit na aircon. Sa putok at utot na nangangalingasaw.
Mga sundalo nagbubuwis ng buhay maipagtanggol lang ang bansang sinilangan. Silang mga pulitiko, nabubuhay sa buwis ng bayan. Proyektong naisip para sa nasasakupan, milyones ang halaga. Ayun, kung titingnan tila ba barya lang ang ginasta. Ang budget saan napunta? Mukhang derecho sa bulsa.
Mahigit dalawang taon na lang sa pwesto si PNoy. Infairness madami siyang nagawa. Ang lugmok na moral noon, ngayon ay unti-unting bumabangon. Never siyang nag-negative sa mata ng Pinoy kung pagbabatayan ang mga survey. Bumababa ang marka pero pasado pa rin. Todong aktibo rin ang kanyang mga bata. Sina MMDA Chairman Francis Tolentino, DOJ Secretary Leila de Lima at si tax woman Kim Henares palaging nasa balita. Pero bakit ganun parang kulang pa?
Andiyan pa rin ang korapsyon. Hindi pwedeng itanggi. Sana lang mapaganda at malinisan pa ang bansang puno ng pangarap para sa kanyang mamamayan. 'Di bale may 2 years pa. 2 years pa. 2 years pa (repeat 'til fade)...

Sunday, May 4, 2014
Karugtong
At kung kasalukuyan kayong nakahilata, bibigyan ko kayo ng mababasa. Isang komiks strip noong dekada otsenta. Mula sa panulat ni Rico Bello Omagap at dibuho ni Wilsy na nalathala sa mga pahina ng Silahis Macho Komiks Taon 3 Blg. 67. Putol nga lang kasi itutuloy ang istorya. Waley 'yung karugtong. Enjoy niyo na lang ang senswal na pagkakaguhit.
Paalala: Ang inyong mababasa ay Rated SPG mga 'teh.
Subscribe to:
Posts (Atom)