Sunday, November 30, 2014

Miss Earth 2014 winners

Another good news sa larangan ng pagandahan. Pilipinas ang nagwagi sa ika-14th edition ng Miss Earth na ginanap sa UP Theater kagabi, November 29. Second time na nating makuha ang bonggang korona. Nauna si Karla Henry noong 2008.

Miss Earth 2014 - Philippines
Miss Earth Air 2014 - USA
Miss Earth Water - Venezuela
Miss Earth Fire - Russia
Puno ng kontrobersiya ang pageant (what's new?) dahil feeling ng iba eh pinaboran masyado ang Pinay beauty ni Jaime Herrell. Anong magagawa nila kung talagang palaban tayo? At alam niyo naman, basta galing Cebu, paniguradong brainy kaya pagdating ng Q&A, maning mani ni inday! PAK!

Since 2011, consistent sa top 4 ang mga babaita ni Osmel Sousa mula Venezuela. Sariwang makita sina Miss USA at Russia bilang elemental beauties. 'Di man lang nakapasok sa top 16 sina India at Dominican Republic na heavy favorites ng pageant enthusiasts.

Commendable din ang production this year. Pinaghandaan ang stage design at may globo effect pa. At least hindi na sa pool rumampa ang mga merlat. Todong lively ang introduction number at palong-palo ang hosting skills ni Joey Mead. International level talaga 'yang kakambal ko ahahaha!

Eto na ang magandang simula mga ateng. Magtuluy-tuloy na sana hanggang sa susunod na buwan at nakapila na ang Miss Supranational, Miss Intercontinental at Miss World.

Friday, November 28, 2014

Starz Hunk International 2014 winners

Dalawang sad news mga ateng. Una, walang Mister International this year. Supposedly eh bukas na dapat 'yan kaya lang 'di pumayag ang Korean government na magkaroon ng international events sa kanilang bansa. Halos last minute na nang kanselahin ang pageant. Second, hindi ko alam kung nasaan na ang producer, organizer at tauhan ng Manhunt International at simula ng manalo si June Macasaet eh 'di na ito nasundan. Seyeng nemen. Walang nang bakatchi pageant.

Kung may sad news, dapat may good news at dalawa din. Postponed lang ang Mister International. Pebrero ng susunod na taon ito matutuloy. Wish ko lang this is it na para makatikim na ulit ng international ulam. At ang pangalawang magandang balita, wagi ang Pinas sa Starz Hunk International 2014. What'z thiz pageant? Ating alamin...

 Starz Hunk International 2014 candidates

The Pinoys

Ztrictly Azian boyz lang ang pwede ditey. The more entriez you zend, the more chancez of winning kaya apat na Pinoy ang zumali. Puro Z ano ba!

JM and Luigie

AJ and Lester

May kanin pa ba kayo? Kakagutom 'tong isaw ni AJ. Bukod sa kanya, nasarapan din ako sa ulam ni Mister Mongolia na 'di ko alam kung paano basahin ang pangalan ahahaha!

Enkhtuwshin of Mongolia

Singapore ang host country at ginanap ito last Saturday, November 22. Third placer si Saw Chao Wei ng Malaysia, 1st runner-up si Mongolia my loves at grand winner si JM Sunglao. Actually nakita ko na si JM sa personal. We attended the birthday party of our common friend. Wafu sa personal, maputi at matangkad. Mahilig yata siyang magluto. Ang tanong: Masarap kaya ang ulam niya? Ahihihi!

Starz Hunk International 2014
Winner: JM Sunglao - Philippines
1st runner-up: Saw Chao Wei - Malaysia
2nd runner-up: Enkhtuwshin - Mongolia

Tuesday, November 25, 2014

Esposa

Feel na feel ko na ang Christmas Season. Ang lamig sa umaga, panay ang kanta ni Mariah ng All I Want for Christmas sa SM at maraming parol ang kumukuti-kutitap sa gabi. Busy na rin ang iba kaka-shopping ng pangregalo. Palibhasa natanggap agad ang 13th month pay. Basta hinay-hinay lang sa pagwawaldas at siguraduhing may ititira pang-Noche Buena.

Maagang pamasko din na nakapasa ako sa training at sa wakas ay nakapirma na ng bagong kontrata sa Star Cinema. ECHOS! Tuluy-tuloy ang pagkayod para sa pamilya. Rest day ko ngayon at bilang walang magawa, nanood muna ako ng pelikulang mumu. Pahabol sa undas.

"Kung 'yang lupa na paglilibingan sa'yo pinagseselosan ko!
Ayaw kitang ibigay sa lupa, diyan pa sa lalaking 'yan!"
Thalia: Sa Bawat Lamig ng Gabi... Nandito Ako (1997)
Golden Tower Films
Written and Directed by Artemio Marquez
Starring Amado Cortez, Gloria Sevilla, Leo Rabago and Rita Magdalena

Isang pintor si Leonardo Amorsolo (Rabago) at kasama ang kanyang kapatid ay nangupahan sila sa mala-mansyong bahay ni Dr. Santiago (Cortez). Inabandona ng doktor ang lugar matapos mamatay ang esposa nitong si Thalia (Magdalena). You pronounce it as Tal-ya not Tha-lee-ya. 

Leo Rabago as Leonardo Amorsolo
Sa unang gabi pa lang ng magkapatid ay nagparamdam na agad si Thalia. Pagkagising kinabukasan ay tumambad sa kanila ang bonggang painting ng isang babae. 'Di maalala ni Leonardo na ipininta niya ito pero pagkakita pa lang eh agad siyang nahumaling sa imahe. 

Konting back story. Todong mahigpit na asawa si Santiago. Matanda na kasi kaya insecure at seloso. Tumakas si Thalia para makipagbonding sa mga friends. Nahuli siya ng asawa at nakatikim ng sampal. Kinagabihan ay ginapang siya ng dating kaklase at tinangkang halayin. Pinilit niyang manlaban pero napatay siya sa sakal. Dahil sa sobrang pagmamahal ay 'di siya pinalibing ng asawa bagkus ay inilipat lang ng ibang bahay. Dito lang ako nakakita ng bangkay na nakakaupo mag-isa. 

Rita Magdalena as Thalia
Naiwan ang kaluluwa ni Thalia sa mansyon. Natipuhan niya si Leonardo at nilandi ang lalaki sa panaginip. Nakipagsayaw, nakipaghalikan at nakipag-churvahan. Nanalangin si Leonardo na sanay maging katotohanan ang kanilang pag-iibigan. Anong ginawa ng makiring kaluluwa? Bumalik sa kanyang bangkay at ito'y binuhay. NAKAKALOKA! Nalaman ni Santiago ang pagtataksil kaya napasugod siya sa mansyon na may dalang bomba. Tinangka siyang awatin ni Thalia pero nalaglag ang bomba at nasabugan silang dalawa. 

Oh de vaaahhh? Kakaiba ang istorya. Shocked nga ako sa ending eh. Parang pla-pla lang 'yung sumabog pero durog silang dalawa. Nakakatawa 'yung ibang eksena lalo na kapag ngumingiti si Rita Magdalena. 'Di mo malaman kung nakakaakit o nakakaloko lang.

Rating: 1.5/5 stars

Sunday, November 23, 2014

Hilamos at Baby Powder

Namimiss niyo na ba ang mga bikini boys posts natin? Well, ako rin kaya nitong November 9 ay di ko pinalagpas ang pagkakataon na masilayan ng personal ang first ever ALC Prince 2014 na ginanap sa Race 7 bar in Binondo, Manila.

Nung una ay wala akong makasama kaya 'di na sana akez pupunta pero dahil naunsyami ang booking ng isa kong friend na dapat proteksyonan ang identity kaya itago natin sa pangalang James, ayun natuloy din. Eh past 10pm na siya nag-confirm. 9pm ang start, baka wala na kaming abutan. Agad-agad kong tinext ang superstar bikini boys handler na si Shobi Dionela. Di pa daw nagsisimula kaya makakahabol pa kami. Wala nang ligo-ligo. Hilamos at baby powder na lang. Nag taxi kami from Muñoz to the venue. Salamat sa teknolohiya at di kami naligaw. Pagdating namin, rumarampa na si contestant #3 in his rave wear.

Thursday, November 20, 2014

Gitgitin

Pasado ala-onse na ako nakauwi kanina. Umambon pero walang traffic. Mahaba pa rin ang pila sa MRT pero mabilis na ang usad. Masikip pa rin ang tren. Infairness naaliw ako sa mga kasabayan kong empleyado ng Landmark at SM. Ang tatangkad, ang fofogi, ang kikinis! 'Yung iba bortabels pa kaya wala akong reklamo kahit parang sardinas kami sa loob. Sige, gitgitin niyo 'ko. Ipagsiksikan ang katawan hanggang sa aking maramdaman. ECHOS!

Pa-ul-ul sa playlist ko ang All About You ni Hilary Duff, her newest single after Chasing The Sun. As usual, sweet-sweetan ang peg which I really really like. Actually, theme song na namin 'to ni Paolo, hindi pa nga lang niya alam ahahaha! 'Di ko nga siya nakita kanina. Sayang, binalak ko pa namang duma-moves. Sa ibang araw na lang :D

May music video na rin 'to and it reminds me so much of Christina Aguilera's What A Girl Wants. Relate na relate ako sa unang eksena. Sabay-sabay nating panoorin nang malaman niyo...


Oh kita niyo ba? 'Di lang pala ako ang gumagawa, pati rin siya ♥

Tuesday, November 18, 2014

Manalig

Can I Just Say:

I AM F*CKING HAPPY FOR MILEY!!!
♥♥♥

After ma-wreck ang puso niya ni Liam Hemsworth last year, she's now finally in love with another man and mind you, mas masharap! At least may pagitan kapag nagjo-jowa siya 'di tulad nitong si Taylor Swift, agad-agad may kapalit. Higad lang ang peg.

Patrick Schwarzenegger is the name. Kinailangan kong i-copy paste ang apelyido niya at mahirap i-spell. Anak nina Arnold Schwarzenegger at Maria Shriver so may lahing Kennedy. ABA! Level-up 'tong si Twerk Queen. He's the same age with her (21), a mowdel, actor and business man. 

According to his interview with Details magazine in 2011 and I qoute "My eye, though, is set on Miley". Tingnan mo nga naman oh! Ngayon jowa na niya. Kaya 'wag mawalan ng pag-asa 'teh. Mapapasa'tin din si crush. Manalig tayo. PAKAK!

Monday, November 17, 2014

Boracay (final part)

Ang daming pagpipilian
After our super late lunch, we decided na mamili na nang aming pasalubong for our love ones. Madaming pagpipilian sa moraytang halaga like keychains (8 for 100), ref magnets (50 each), bags (150++), purse (3 for 100), t-shirts (2 for 150) atbp. Paborito ko 'yung tsinelas na hugis nota. Nakakaeskandalo lang isuot ahahaha! Meron din foods like tuyo, daing, danggit, pusit, otap, and my favorite piyaya. Go kayo sa talipapa kung gusto niyo makamura. Mas mahal kasi kung sa may baybayin kayo mamimili.

Friday, November 14, 2014

Miss International 2014 winners

Miss International 2014 Valerie Hernandez
Sa lahat ng Pinay beauty queens na nanalo sa kani-kanilang international pageants last year, si Bea Rose Santiago ang naunang magpasa ng korona. Naganap ito last November 11 sa Japan at si Valerie Hernandez ng Puerto Rico ang pinalad.

Bea with Miss Shimomura
Record-breaking ang Miss International 2014 dahil mahigit pitumpung dilag mula sa iba't ibang bansa ang sumali. Usually around 50 to 60 lang. Maswerte na kung aabot ng 70. Marami siguro ang naging interesado mula ng manalo si Bea. Bago din ang may-ari nito na si Miss Shimomura. Infairness ang bongga niya maghandle dahil puno ng kultura ng Japan ang pre-pageant activities.

The Charlene Gonzales gown v.2014
Todong dismayado ang karamihan nang 'di nakapasok sa top 10 si Bianca Guidotti. As always, sinisi si Madame Stella at ang kanyang taste sa pagpili ng evening gown. Well, I beg to disagree sa inyo mga 'teh. Bukod sa napaka-unpredictable ng pageant na ito, 'di pwedeng araw-araw pasko noh! Give chance to others para may variation. Variation daw oh!?!

Zumu-Zuleyka Rivera ang gown oh!
Second runner-up ang controversial na si Miss Thailand Punika Kulsoontornrut, ang dethroned Miss Earth Water 2013. Actually Miss Universe caliber ang byuti niya. Sana 'yun naman ang next na salihan niya.

Here's the complete list of winners:

Miss International 2014 - Puerto Rico
1st runner-up - Colombia
2nd runner-up - Thailand
3rd runner-up - United Kingdon
4th runner-up - Finland

Thursday, November 13, 2014

Bulalas

Image courtesy of Rappler
Bakit naman todong umurong sa debate nila ni Senator Trillanes ang pinakamamahal nating bise-presidente? To think na siya 'tong naghamon. 'Wag ganun! KBP pa nga ang umayos ng kanyang request tapos ngayon wit na matutuloy.

According sa tagapagsalita niya, 'di daw ito umatras kundi umayaw lang. So anong pinagkaiba ng dalawa? Let's use it in a sentence:
1. Ayaw ko na sa' yo kasi sunog ang longganisa mo. Mas bet ko ang half-cooked.
2. Masikip! Mabuti pang umatras ka na lang at baka ako'y duguin.
Magkaiba man ang gamit, iisa lang ang ibig ipahiwatig... hindi natuloy.

Oh well, pare-pareho lang naman ang mga pulitiko sa ating bansa. Ang tatapang kumuda sa umpisa pero kulang sa gawa. 'Pag naihalal na, nakalimutan na 'yung mga ipinangako. Palagi kong naririnig na excuse - kulang sa budget. Halos lamunin na nga ng tax ang sahod at mga bilihin, kulang pa din? Teka, nalayo na tayo sa original topic. Nadala ako masyado.

'Di bale VP Binay, may natutunan kaming leksyon sa nangyaring ito. Sa susunod, bago kami magbulalas ng saloobin eh pag-iisipan muna namin ng ilang beses. Tse-tsekin nang maigi kung mapaninindigan ba para 'di lumabas na kahiya-hiya.

Tuesday, November 11, 2014

Dutdutin

Kapag araw ng swelduhan, nakakaloka ang pila sa ATM lalo na kapag BDO o Metrobank ang card mo. Gustuhin mo mang gumamit ng ibang bangko eh nakakapanghinayang ang kinse pesos na charge. Minsan made-debit ka pa. Imbey din kapag 'tong nauna sa'yo eh multiple withdrawals ang ginawa. Todong atat ka nang mag-withdraw pero ang daming transaction ni ate! Ambagal pa niyang gumamit ng machine. Naka-relate ba kayo? :D

Buti na lang nitong katapusan, sa Landmark ko pinili makipila. Malamig na, may music pa. During that time, R&B covers ang umeere like Angel of Mine, Officially Missing You and At Your Best. What makes it more interesting eh ohms ang kumakanta at tunog forenjer. Kaya naman pagkatapos kong dutdutin ang ATM eh dumerecho ako kay ateng sales clerk para malaman kung anong CD ang pinatutugtog nila. Eto pala...

Released by Ivory Records in 2012, Soulfully Yours is a collection of soulful covers of the biggest R&B hits. Most of them are from the 90's kaya feel na feel ko. At Pinoy pala ang singer. Akala ko nung una si Thor pero the name is Myke Salomon. Sounds family? Member siya ng The Akafellas at first runner-up sa Mossimo Bikini Summit 2004. Jowa niya yata si Ehra Madrigal. Bumi-beatbox din ang lolo niyo.

Hot! Hot! Hot Myke Salomon ♥
Here's one of my faves from the album, a Shanice original, Saving Forever For You. Grabe, nakaka-inlove ang version niya...


Soulfully Yours is available in all leading record bars nationwide for only 150php.

Tuesday, November 4, 2014

Boracay (part 2)

October 18. Huling buong araw namin sa isla. May compli breakfast ang hotel pero good for 2 lang kaya sina Chris at Joe na lang ang kumuha. Sa McDo kami lumafang ni Jamie at pinasunod 'yung dalawa. Bet daw nila mag-activities bilang last day na. Go with the flow. Una dapat Banana Boat pero nauwi sa Island Hopping. While waiting for the availability of bangka, nag-Helmet Diving muna sina Chris at Joe. 'Di na sumama si Jamie kasi na-experience na daw niya. Wiz ko rin feel kaya sila na lang.

Akala mo ang sarap pero ang init ng upuan na 'yan!

Sunday, November 2, 2014

Rare Gem

Photo courtesy of YouScoop
While everybody was enjoying the Halloween season, sad na balita ang tumambad sa akin nang mabalitang binawian ng buhay ang isa ko pang paboritong senador na si Juan Flavier. He died of multiple organ failures due to pneumonia and he was just 79. Nakakalungkot. Sobra. After his political career, he lived a humble life, out of the limelight.

'Di ko makakalimutan kailanman ang kampanya niyang "Let's DOH it!" noong health secretary pa lang siya. He decided to run for senate at 'di siya binigo ng mga taong nahumaling sa talino at charm niya. Na-reelect noong 2001 as if ayaw ng mga Pilipino na mawala siya sa senado. He is less controversial, wala kang maririnig na nakaaway niya or even corruption issue. What a rare gem in Philippine politics.

MD, DOH Secretary and Senator Juan Flavier, saludo kami sa'yo. I'm sure the angels are singing at welcome na welcome ka sa heaven. We will certainly miss someone like you ♥