Thursday, December 31, 2015

Eksena

Ang mamahal ng mga prutas ngayon! Kaya imbes na sa palengke ay sa may National Housing Authority bandang QC Circle ako namili. 'Di hamak na mas mura. May natira nga sa budjey kaya nakabili pa ng leche flan. PAK! Pauwi na akez nang biglang umambon pero saglit lang. Uulanin kaya tayo sa pagpasok ng 2016? 

Bago ang lafangan at putukan, ating balikan ang mga eksenang bumandera sa 2015...

PANALO!
Muling ibinalik ni Pia Wurtzbach ang korona ng Miss Universe matapos ang apatnapu't dalawang taon. Back-to-back tayo sa Miss Earth, pangalawang panalo sa Miss International Queen, at unang beses sa Miss Globe at Mister International. Isa sa pinakamalaking tagumpay ng taon ang paglantad ni Bruce Jenner bilang isang transgender. Siya ngayon ay mas kilala bilang Caitlyn Jenner.

PAMPALIPAS ORAS
Marami sa atin ang na-LSS sa kantang Mr. Right. Madami ang naging Internet sensation at isa na diyan ang shupatemba nating si Maria Sofia Love with her signature mowdelling for the economy at PAK! PAK! PAK! GANUN! Inspiring ang libro ni Bianca Gonzalez at nakakaaliw naman si Beking Gangster. Na-feature naman sa TV ang buhay ni porn star crush Sean.

SAAN BA TAYO TUTUNGO?
Kahit ang corruption issue ay hindi nakapigil kay Binay para tumakbo bilang presidente next year. Ampon, DNA test, citizenship at disqualification cases, ilan lang 'yan sa isyung hinaharap ni Grace Poe. Nagkalat ang Duterte posts sa newsfeed natin. Siya na daw ang pag-asa ng sambayanan para masugpo ang krimen. Effort na effort si Mar Roxas para umakyat sa survey. Epic ang interview ni Karen Davila kay Alma Moreno

ANG SAKIT MO SA BANGS
Lahat ay nadismaya sa national costume at evening gown ni MJ sa Miss Universe. Tumaas ang pasahe sa MRT pero walang pagbabago - mabagal na pila, siksikan, mainit at madalas masira. Kahabag-habag ang buhay ng mga Afghan teens na ide-deport pabalik sa kanilang pinanggalingan. Jackpot na sana si ateng sa kanyang Czech-national booking kung hindi lang nahuli ng gwardiya. 

DIGHAY
Pinainit tayo ni Daniel Velasco sa kanyang super sexy pictorial wearing different underwears. Bumisita sa bansa si Sean O'Pry bilang parte ng pag-endorso niya sa Penshoppe. Oo, forever ko na talagang mahal itong si Mike Concepcion. Kailan kaya kami ikakasal? Pasarap nang pasarap every year ang handa sa atin ng Mister Slovenia.

BUHAY NA MAKULAY
Sampung most requested Chika-Chika boys ang inyong inabangan. First time kong sumali sa isang beauty pageant. Lumikha ng ingay ang pag-imbita ng isang straight guy sa kanyang gay friend bilang prom date. Na-feature pa sila sa Ellen. Eat all you can ang 'sangkabaklaan nang sa unang pagkakataon ay ginanap sa ating bansa ang Mister International.

PAKIKIPAGSAPALARAN
Gusto kong balikan ang masarap na klima at murang bilihin sa Baguio. Na-interview para sa isang podcast. Nakasalubong ng call boy sa mall na dapat niyong iwasan. Nakipag-bonding sa indie film director na si Joselito Altarejos. Wala nang makahihigit pa sa karanasan ko para lang makita ang Santo Papa.

THANK YOU, 2015!
HUMANDA KA 2016 AT WIT KA NAMIN UURUNGAN!

Saturday, December 26, 2015

Salamat 5.0

Aside from Pia, Angelia Ong is another Big 4 winner for bagging the Miss Earth 2015 crown in Austria last December 5. Eto ang legit na back-to-back (sorry Colombia) dahil Pinay rin ang todong nagwagi last year. At least, hindi masasabing lutong macau dahil sa labas ng Pinas ginanap. First time na European country ang nag-host ng pageant at talaga naman bongga ang production. Sana ganapin ulit ito sa ibang bansa sa 2016.

Nalagpasan nga ni Christi McGary ang placement ni Kris Janson dahil 1st runner-up siya sa Miss Intercontinental 2015 at tinanghal rin na Best in Asia and Oceania. Si Miss Russia, Valentina Rasulova, ang nag-uwi ng titulo. Unti-unti tayong nagkakaroon ng pangalan sa pageant na ito at mukhang hindi nalalayo na makakamit din natin ang korona.

Pasok din sa Miss World 2015 si Hillarie Parungao. Top 20 muna saka nakasoksi sa top 10 at nanalo sa Multimedia challenge. Though pangatlo siya sa leaderboard nang i-tally lahat ng score, hindi pa rin siya nakapasok sa top 5. 'Yan ang hindi ko malaman kung vhukeeet?! Dahil ba sa China na naman ginanap? KALOKA! Hay nako, unpredictable talaga ang pageant na itey, buti na lang at simula nang hawakan ni Madame Cory Quirino (levelling kay SMA) ang local franchise ay walang patid ang pagpasok natin tuwing final night.

KUNGRACHULEYSHONS!
ANGAT TALAGA ANG LAHING KAYUMANGGI!

Friday, December 25, 2015

Appreciate

ВЕСЕЛА КОЛЕДА!

Bulgarian translation 'yan of Merry Christmas. Please, 'wag niyo akez tanungin kung paano basahin at wit ko knowsline ahahaha! Trending kasi si Miss Bulgaria because of her full support to Pia when she was announced as the real winner of Miss Universe 2015. Filipinos really appreciated her and she was really happy about it!

Just like the picture above, let's not forget the real reason behind this day. It's not the grandiose noche buena, new gadgets, expensive gifts or aguinaldo that we received but the birth of our saviour. Noong nakita ko sa Google ang pic na 'yan, talagang na-appreciate ko ang simplicity. I think our lives should always be like this, simple lang.

This year, I've learned to share more and it feels so good. Mas naging selfless ako. When I was younger kasi, I always focus on the things that I don't have and how to achieve it. Now that I'm getting more matured (ayaw ko ng older ahahaha!), I'm more appreciative of what I have.

Mga ateng, wala akong ibang hiling sa inyo kung MALIGAYANG PASKO! Nawa'y makamtan niyo ang inyong mga pangarap at tibok ng inyong mga puso. Mwah mwah tsup tsup!

Thursday, December 24, 2015

Miss Universe 2015 is PHILIPPINES!

"42 years of drought and now it finally reigns :)
Mabuhay! Maraming salamat po sa inyong lahat ❤"
Hindi pa rin ako makapaniwalang matapos ang ilang muntikang pagsungkit ng korona ay nasa atin na talaga ang Miss Universe title. Natatandaan niyo pa ba ang excitement natin noong 2010 nang maging paborito si Venus Raj dahil sa kanyang palabang aura at 22-inches na baywang? Ang board top notcher na si Shamcey Supsup at ang kanyang signature tsunami walk? Ang flawless performance ni Janine Tugonon na halos ikapanalo niya? Ang yellow gown ni Ariella Arida na bonggang inirampa niya? At ang disappointment natin sa national costume at evening gown ni MJ Lastimosa? Malinaw na malinaw pa sa akin lahat ng 'yan.

Though the crowning was not as traditional as we expect it to be, hindi na natin mababago 'yan kahit ano pang mangyari. Miss Universe 2015 is one of the most unforgettable crowning in the history of beauty pageant. Up to now ay naaawa pa rin ako kay Miss Colombia. Andun na eh! Nasa ulo mo na ang korona at sa harap ng madla ay nakikita mo na ang saya ng bansa mo pati na ang katuparan ng mga pangarap mo. Ngunit sa isang iglap ay binawi. You can't blame her kung hindi siya ang mismong nagpasa ng korona kay Pia. It's all different when you're on stage and the spotlight is on you. I sincerely wish her well.

I also wanna say my sincerest gratitude to MJ. With her exception sa top 5 last January at sa mga pinasuot sa kanya, nagkaroon tayo ng boses at napakinggan. We changed history and hearts. Kung nakapasok pa rin siguro siya sa top 5, malamang Barazza at Cumbia pa rin ang outfit ni Miss Philippines.

Now to Pia Wurtzbach, Filipinos are so proud of you. From the opening to swimsuit then evening gown hanggang sa mala-quiz bee na Q&A portion. Ako 'yung todong nahirapan nung narinig ko 'yung military bases question. Thankfully, she went through rigorous training courtesy of Bb. Pilipinas and her beauty camp, Aces and Queens, kaya naitawid niya nang husto. Alam kong magrereklamo ang mga aktibista at kontra VFA sa sagot niya. Well, you can't please everybody naman noh!?

Evening gown was perfect! It reminded me of Marelisa Gibson's gown in 2010. Parang pareho ng texture ng tela but ours was perfectly created for a queen. Thanks to Albert Andrada for the design and Madame Stella for the approval. Yes! Lahat ng isusuot ng ating binibini ay dapat selyado at aprubado ni madame. 

Bad trip akez sa swimsuit! Bakit ganun? Bakit pinagpala siya?!? Dapat tayo rin huhuhuhu! CHAROT! Tulad ng sabi ni Senyora Santibañez, ang bagong dede goals ay ang suselya ni Pia. PAK! She was not the best during this round (I think it was Colombia) pero ang posing sa gitna ang nagpabago ng lahat. Mala-Darna, de vaahhh?!

KUNGRACHULEYSHONS, PIA!
MABUHAY ANG PILIPINAS! ♥

Sunday, December 20, 2015

Pasyente

Mga ateng, you know I love teachers especially 'yung mga nagtuturo sa pampublikong paaralan kung saan samu't saring makukulit na bata ang araw-araw nilang kasama. Honestly, wala nang makakapantay pa sa tiyaga ng isang guro. Mahigit cuarenta na minsan ay umaabot pa nang lagpas cincuenta ang estudyante nila. Na-touch nga akez sa viral na balita kung saan isang doktor sa Cebu ang nag-waive ng professional fee nang maging pasyente niya ang kanyang paboritong guro...


Aaaaawwww!!! Ang bait ni dok. Iba siguro ang naging impact ni Ma'am Roble sa kanya kaya naging paborito niya. I wonder kung anong subject ang itinuro niya? Anyways, good job sa'yo Doc Dilbert. Ramdam ko ang good karma na paparating sa iyong kapalaran. WOW HA! Zenaida Zeva, statue?

Anyways, I would like to take this opportunity to greet a HAPPY HAPPY BIRTHDAY si Mc Wright, isa nating tagabasa at isa ring blogger. Medyo hindi lang siya nagsusulat ngayon kasi busy sa studies. Aside from his good looks (naks), he's also a teacher, mastering in Literature. Oh di ba?! Mga Shakespeare-shakespeare ang leveling! KALOKA! Dugo brain cells ko!


HAPPY BIRTHDAY, MC!!! ☺

Saturday, December 19, 2015

Muntik

Stressed ang 'sangkabaklaan for the next 3 days dahil tatlong major major pageants ang sunud-sunod na magaganap. Lahat ng 'yan, may Pinay na kasali kaya lagpas langit ang kaba natin.

Christi McGarry
Bb. Pilipinas Intercontinental 2015
December 18. Mauuna diyan ang Miss Intercontinental 2015 na sa Germany ginaganap. In just a few hours ay magsisimula na ang show. Malagpasan kaya ni Christi McGarry ang 2nd runner-up position ni Kris Janson last year? Siya na kaya ang makapag-uuwi ng tinaguariang pinakamahal na korona sa balat ng pageantry?

Hillarie Parungao
Miss World Philippines 2015
December 19. Next in line ay si Hillarie Parungao for Miss World 2015. Impeccable ang lolah niyo sa lahat ng events ni ma'am Julia Morley kaya wit nakapagtataka na swaksi siya Top Model challenge. Tatlumpu silang napili para bonggang irampa ang isang Chinese brand. Gandang-ganda akez sa kanya at nakaka-proud na pure Pinay siya. Siya nga pala, si Megan Young ulit ang host ng final night. Sooo love it!

Pia Wurtzbach
Miss Universe Philippines 2015
December 20. Last and the most grandiose of all, Miss Universe 2015. Makikita sa bilog at nagingitim na eyebags ng mga beks na na-stress sila sa preliminary competition. Paano naman, muntik nang hindi nakapag-suot ng Filipino-made gown ang dilag. 'Di ba't 'yan ang promise sa atin ni madame? Si Albert Andrada kasi ang designer pero na-miss niya ang flight pa-Las Veygas. Buti na lang at to the rescue ang world-renowned Pinoy designer na si Oliver Tolentino. Siyam na gown ang ipinadala para pagpilian. PAK NA PAK! 

At hindi tayo binigo ni Pia Alonzo Wurtzbach dahil todong nalagpasan niya ang expectation ng mga fans. Here's the proof kokocrunch...

Grabe the boobas ha! Parang made of Jellyace sa lambot. Simple man ang gown ay nadaan naman sa rampa, aura at styling skills kaya swak sa banga ang performance. No wonder kung bakit isa siya sa mga paborito after the prelims.

May pasabog dahil if ever na palarin na makapasok sa semifinals at umabot sa evening gown competition (na hindi malabong mangyari), iibahin ang gown at isusuot na ang gawa ni Andrada. Ang chika ay royal blue ang kulay. Kung kayo ang tatanungin, bet niyo pa bang palitan o keri na ang red gown? Ako, kahit ano basta gawang Pilipino. Tsaka dagdagan natin ng...

Wednesday, December 16, 2015

Kagabi

Araw ng sweldo. May bagyo. Nag-antay nang matagal sa bus. Naulanan. Nanalangin. Na-traffic. Nasaraduhan ng MRT. Nagmura. Hindi alam kung anong gagawin. Bumili ng salad at tsokolate. Kumain sa harap nang maduming lamesa. Naglakad sa gilid ng truck ng basura. Nakakita ng batang nagbebenta ng sampaguita. Hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa EDSA. Amoy ipis ang kanal. Nakakita ng masasakyan. Tumabi sa lalaki. Nakinig kay Adele. Lumakas ang ulan. Nagbasa ng nobela ni Rose Tan. Naumay sa tsokolate. Hinubad ang masikip na sandalyas. Nakatanggap ng text. Suspendido ang klase ni Justine bukas. Alas diyes ako lumabas. Nakauwi ng alas dos. Maraming pang ganito sa susunod. Mas mahirap pa. At least na-survive ko ngayon. Iyon ang mahalaga.

Goodnight.

Tuesday, December 15, 2015

S.H.O.B.I. 2015

Ang saya ko ngayon kasi may pa-hamon ang kumpanyang pinapasukan ko. Bukod diyan, meron ding spaghetti sauce, pasta at isang latang corned beef sa loob ng eco bag kaya #happypamore! Idagdag mo pang sahod day today! WOOHOO!!!

Another reason to be jolly this yuletide season is the yearly S.H.O.B.I. (Super Hunks of Beauty/Body and Intelligence). Half a decade nang nagpapasaya ng 'sangkabaklaan ang bikini contest na ito at it never fails to present delish boys. 

Labimpitong kalalakihan ang magpapainit sa ating nanlalamig na katawan sa December 19, Saturday, sa One 690 Entertainment Bar in Roces Avenue, QC. As usual, walang tapon sa mga candidates this year ngunit silang apat ang umusbong sa karamihan...

Magtabi na kayo ng five hams mula sa inyong 13th month pay at garantisadong may ngiti sa inyong labi 'pag napanood ito. Tickets are available at the venue or you can contact Shobi Dionela at 0917-3382222

Monday, December 14, 2015

Matindi

Ayan, napanood ko online ang hot episode ng MTV True Life at naloka akiz kasi haaangpogi din pala nung isa, si Vadim Black. Infairness kay kuya, mesmerizing ang mata. His real name is Luke and originally from Russia. Naghiwalay ang parents tapos napunta sa porn industry. Medyo malambot siya magsalita pero may jowang blondina. TSEH! Mas maganda tayo tsaka mas masarap. GANURN!

Si Ben AKA Sean ay dalawang taon nang kasal sa asawang merlat. Pareho silang may anak outside their relationship. Supportive si gagah sa trabaho ni daddy. She even watches the videos and find it HOT! KALOKA! Keri lang sa kanyang bubuka-bukaka at susubo-subo ang jusawa. Matindi ang pangangailangan huh!

May pagka-fake 'yung show pero nakakaaliw. Informative dahil hindi naman pala biro ang gumawa ng porn. Kailangan pang uminom ng kung anu-ano ni Vadim para tigasan. Gumagastos pa siya eh pwede naman niyang ilagay sa wallet ang bukake picture ko. Daig pa niya ang naka-Viagra. CHAROT! 

For your viewing pleasure, you can watch the complete episode here. Meron na rin sa Torrent. Search niyo lang Gay for Pay Pornstar.

Thursday, December 10, 2015

Nabilaukan

Natanggap niyo ba ang bonggang 13th month pay niyo? Ako, hindi pa pero asado akiz na mamaya ay meron na para makapamili na ng pangregalo sa mga inaanak. Kailangan din habaan ang pasensya dahil dagsa ang tao sa mga mall at Divisoria. For sure ensure, pagod coldwave sina ateng cashier at kuya bagger sa dami ng mamimili.

Photo from mb.com.ph
Simula nang i-anunsyo ni Rodrigo Duterte na tatakbo na siya bilang pangulo ay sinakop na niya ang news feed ng FB ko. May mga supporters at meron din bashers. Araw-araw may bago. Latest ang opinyon nina Chito Miranda, Gab Valenciano at Kitchie Nadal. Nakakaumay sa totoo lang.

Oo nga pala, may bago akong in-appoint bilang pantasya ng kaharian natin. Hindi artista at model this time kundi porn star. Oh yes! Noong una ko siyang makita, ang lakas kaagad ng tagas ng poso negro ko sa sobrang sarap. Bet niyo na ba siyang makilala? He's none other than Sean of Sean Cody...

Oh de vaahh?! Ang cute niya with his blue eyes and carpeted body. ♥ Kung pwede ko lang i-post ang buong kahubdan niya eh ginawa ko na kaya lang, baka mabembang tayo ng Google. Search niyo siya at tiyak na magugulantang kayo. DAKS NA DAKS si papi! Lahat halos ng naka-partner niya eh todong nabilaukan sa laki. Medyo dominating si kuya pagdating sa churvahan. Ang harsh kumembas pero I like hihihihi!

Dahil isa siya sa famous model ng porn site eh mafi-feature siya sa MTV True Life together with another porn star, Vadim Black. Eto ang nagbabagang trailer...

Ben ang real name ni Sean at Luke naman si Vadim. Mga straight pala sila huh! SUPER LIKE! May asawa't anak pa 'tong si Sean so interesting mapanood ang reality show. Mamaya na 'to ipapalabas, 12:33pm local time. Saan kaya ako makakapanood ng online streaming nito? May alam ba kayo, mga ateng? Help me please for the sake of my love to Sean. GANURN!

Wednesday, December 9, 2015

Sabayan

Kung madalas kayong magbasa dito sa ating kaharian, malamang alam niyo na mahilig ako sa Tagalog songs. Pinoy tayo eh kaya dapat lang na todong suportahan ang sariling atin. Nitong mga nakaraang araw, itong si Donnalyn Bartolome ang pa-ul-ul sa player ko.

Last year pa 'to na-release pero recently ko lang narinig. Noong una eh jologs na jologs ako. Umi-Iggy Azalea si ateng sa pagra-rap. Tipong mga naririnig ko lang kapag sumasakay ng patok papuntang PUP. Kaya lang, hindi ko mapigilang pakinggan kasi sobrang catchy. Feeling ko, ako 'yung tinutukoy na kakaibabe. CHAROT! Lakas maka-#GGSS o Gandang Ganda Sa Sarili.

Nang mapanood ko ang music video sa YouTube, naloka ako sa itsura ni ateng. Ang ganda pala niya at mestisahin. Bongga sa dami ng views huh - more than 15 million. PAK! Dagdagan pa natin 'yan. Heto't sabayan natin ang Kakaibabe ni Donnalyn Bartolome...

Friday, December 4, 2015

Mister International 2015

Hindi ko talaga pinalagpas ang finals night ng Mister International 2015 na ginanap last November 30. Though medyo na-disappoint ako noong prelims at binalak na 'wag manood, napag-isip ko na sayang ang opportunity at minsan lang ito ganapin sa Pinas. Kasama ko sina BFF Chris at FB friend Fritzie.

Ang ala-siete sanang simula ay naging alas-nueve. Hindi nakaligtas sa Filipino time kaya habang nag-aantay ay todong nagpa-picture muna kami sa mga celebrities. I saw G3 Cafe, the famous transgender na bongga ang Instagram page sa dami ng na-avail. Andun din si Mr. Diversity Culture International 2014 Lew Voon Khong from Malaysia. Infairness, masarap siya in person. Ang bait pang kausap! May nag-announce na mag-start na raw in a few minutes kaya gumora na kami sa loob.

Wednesday, December 2, 2015

Glide winners

Happy December mga ateng! Pasensya na kung na-delay ang announcement of winners natin. Ngunit sabi nga nila, huli man at magaling, madudulas pa rin. Yes, binago na ang kasabihan na 'yan at ngayon lang dahil sa Glide. I can't wait for you to experience the smooth feeling.

Are you ready to know the winners? Here they are...
  1. Bal Nawalang Malay
  2. Brian D.
  3. Lord L.
I'll be sending you an email on how to claim your prizes. At kung hindi man napili ng mahiwagang electronic tambiolo ang namesung niyo, baka sa susunod, kayo na ang winerva munsod palma!

Nawa'y masundan ang pamimigay natin ng papremyo. Kaya sponsors and other products, welcome na welcome kayo dito sa aming kaharian. Don't cha worry 'cause we don't charge. GANURN! PAK!

Sunday, November 29, 2015

Ganahan

Excited much na ang 'sangkabaklaan kung sino ba ang papasahan ng titulo ni mamang pulis sa Mister International 2015 na kasalukuyang ginaganap sa ating bansa. Nakapasyal na sila sa mga pinagmamalaki nating tourist spots tulad ng Ilocos Norte at Intramuros at nakapag-TV guestings na sa Umagang Kay Ganda at Unang Hirit.

Last Friday, November 27, ay nakarampa akiz sa preliminary competition na ginanap sa One Esplanade at JUICE KOH 'DAY! Kavogue ang Manila Bay sa pagwater-water ko sa dami ng masasarap. This is the best batch ever!

Venezuela, Puerto Rico and Italy
Bago ang prelims, may mga paborito na aketch like Switzerland, Czech Republic at Australia. Nung makita ko ang lahat wearing their formal and swimwear, gusto ko na silang pakyawin! Ang shesherep nina Italy, Poland, Spain, Netherlands, France at Indonesia. Siyempre, malasa din ang pambato natin. I was expecting na may pica moments with the candidates kaya lang todo higpit ang security. KAKALOKA! Minsan na nga lang ang ganitey sa bansa eh. Buti na lang at lumabas sina Italy, Venezuela at Puerto Rico. Ambabait nila sa mga nagpa-unli selfie. GANURN!

Pwede nating mapanood ang finals bukas sa Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila. I'm sure na bonggang production ang mapapanood natin dahil pinaghandaan talaga ito. Tickets are available TicketWorld.com. The show will start at 8pm so don't miss this once in a lifetime experience.

Para ganahan pa kayo, heto ang mga kandidato in their national costume, swimwear at formal attire. Maghanda ng tubig at tiyak na masasamid kayo sa sherep...

Saturday, November 28, 2015

Tamang Panahon

Malapit na malapit na ang Pasko pero bago 'yan, sa December 1 ay World AIDS Day. Nakalulungkot man sabihin, patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng mga bagong kaso. It hurts lalo na kapag lalabas sa statistics na karamihan dito ay mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Nagkakaroon tuloy ng agarang judgement sa mga tulad natin. Hindi dapat ganurn!

And what's the best gift that you can give yourself this yuletide season? A free HIV test courtesy of LoveYourself. Eto na ang tamang panahon to know your status so you can take care of YOU. Alam ko na ang iba sa inyo, takot kumuha ng ganito. I know the feeling, sobrang nakakatakot na nakakakaba. Inisip ko na lang, hindi lang para sa akin 'to kundi para sa pamilya at mahahalagang tao sa aking buhay. Tsaka libre naman. 'Yun talaga ang nagpaconvince sa akin. CHAR!

Bukas na 'to, November 29, sa Victoria Court North EDSA, Caloocan. It's from 10AM to 7PM. Register muna here para sure na maaasikaso. Open ito sa lahat, so dalhin na ang dabarkads, officemates, jowa at mga ka-networking.

For more information, please visit www.loveyourself.ph.

Wednesday, November 25, 2015

Bad Blood

Finally, Mayor Duterte is now running for one of the highest posts in our land. Matapos magpakipot, magpabebe at magpapilit eh tatakbo din pala. I just didn't like his reason to run... Grace Poe. Wit daw niya bet na Kano ang mamumuno sa ating bayan. Ako'y naguguluhan. Baket? Kasi noong kakadeklara palang ng PoeChiz tandem, napanood ko sa TV na sinabi niyang gwapang pareha daw ang dalawa. Ngayon, bakit parang may bad blood na between them?

'Cause, baby, now we got bad blood
You know it used to be mad love
So take a look what you've done
'Cause, baby, now we got bad blood
Hey
Now we got problems
And I don't think we can solve them
You made a really deep cut
And, baby, now we got bad blood
Hey

Sakto 'yung kanta ni Manay Taylor sa kanila. Kuda ni Grace Poe, according to Mommy Susan eh 'wag daw pumatol sa matatanda. I agree! Siyempre, bilang lalaki, dapat lang na ipagtanggol ni Chiz ang kapartner. 'Wag daw gawing dahilan ni mayor si senadora sa pagtakbo. Tama rin!

I'm not really against Mayor Duterte. Silang tatlo lang nina Mar at Miriam ang feel ko kung pagiging lider lang ang pag-uusapan. Pero sa dinami-dami ng rason, talagang si Grace Poe lang? Hindi ba pwedeng may maganda siyang plano for our country? Hindi ba pwedeng gusto niyang maging kasing disiplinado ng mga taga-Davao ang buong Pilipinas? Hindi ba pwedeng pinakinggan niya ang hiling ng mga bonggang supporters at naniniwala siyang kaya niyang pamunuan ang ating bansa? Si Grace Poe talaga? Paulit-ulit ako? CHAR!

Hay nako, less than 6 months na lang at eleksyon na naman, Totodo na ang siraan at batuhan ng tae sa kanilang mga mukha. This is going to be dirty, I can feel it! Parang ito lang...