Saturday, December 19, 2015

Muntik

Stressed ang 'sangkabaklaan for the next 3 days dahil tatlong major major pageants ang sunud-sunod na magaganap. Lahat ng 'yan, may Pinay na kasali kaya lagpas langit ang kaba natin.

Christi McGarry
Bb. Pilipinas Intercontinental 2015
December 18. Mauuna diyan ang Miss Intercontinental 2015 na sa Germany ginaganap. In just a few hours ay magsisimula na ang show. Malagpasan kaya ni Christi McGarry ang 2nd runner-up position ni Kris Janson last year? Siya na kaya ang makapag-uuwi ng tinaguariang pinakamahal na korona sa balat ng pageantry?

Hillarie Parungao
Miss World Philippines 2015
December 19. Next in line ay si Hillarie Parungao for Miss World 2015. Impeccable ang lolah niyo sa lahat ng events ni ma'am Julia Morley kaya wit nakapagtataka na swaksi siya Top Model challenge. Tatlumpu silang napili para bonggang irampa ang isang Chinese brand. Gandang-ganda akez sa kanya at nakaka-proud na pure Pinay siya. Siya nga pala, si Megan Young ulit ang host ng final night. Sooo love it!

Pia Wurtzbach
Miss Universe Philippines 2015
December 20. Last and the most grandiose of all, Miss Universe 2015. Makikita sa bilog at nagingitim na eyebags ng mga beks na na-stress sila sa preliminary competition. Paano naman, muntik nang hindi nakapag-suot ng Filipino-made gown ang dilag. 'Di ba't 'yan ang promise sa atin ni madame? Si Albert Andrada kasi ang designer pero na-miss niya ang flight pa-Las Veygas. Buti na lang at to the rescue ang world-renowned Pinoy designer na si Oliver Tolentino. Siyam na gown ang ipinadala para pagpilian. PAK NA PAK! 

At hindi tayo binigo ni Pia Alonzo Wurtzbach dahil todong nalagpasan niya ang expectation ng mga fans. Here's the proof kokocrunch...

Grabe the boobas ha! Parang made of Jellyace sa lambot. Simple man ang gown ay nadaan naman sa rampa, aura at styling skills kaya swak sa banga ang performance. No wonder kung bakit isa siya sa mga paborito after the prelims.

May pasabog dahil if ever na palarin na makapasok sa semifinals at umabot sa evening gown competition (na hindi malabong mangyari), iibahin ang gown at isusuot na ang gawa ni Andrada. Ang chika ay royal blue ang kulay. Kung kayo ang tatanungin, bet niyo pa bang palitan o keri na ang red gown? Ako, kahit ano basta gawang Pilipino. Tsaka dagdagan natin ng...

No comments:

Post a Comment