Friday, December 4, 2015

Mister International 2015

Hindi ko talaga pinalagpas ang finals night ng Mister International 2015 na ginanap last November 30. Though medyo na-disappoint ako noong prelims at binalak na 'wag manood, napag-isip ko na sayang ang opportunity at minsan lang ito ganapin sa Pinas. Kasama ko sina BFF Chris at FB friend Fritzie.

Ang ala-siete sanang simula ay naging alas-nueve. Hindi nakaligtas sa Filipino time kaya habang nag-aantay ay todong nagpa-picture muna kami sa mga celebrities. I saw G3 Cafe, the famous transgender na bongga ang Instagram page sa dami ng na-avail. Andun din si Mr. Diversity Culture International 2014 Lew Voon Khong from Malaysia. Infairness, masarap siya in person. Ang bait pang kausap! May nag-announce na mag-start na raw in a few minutes kaya gumora na kami sa loob.

Mala-Miss Universe ang opening ng mga boys in their national costume. Hiyawan ang mga utaw sa early faves like Puerto Rico, Switzerland, Indonesia at Philippines. Next part ay ang pagmodel ng bonggang creations ni Francis Libiran then announcement of top 15. Pasok sina Puerto Rico, Spain, Sweden, Australia, Philippines, Indonesia, Switzerland, Czech Republic, Korea, Panama, Mexico, Venezuela, Brazil, China at Lebanon.

Galak na galak ang audience sa swimwear round. Bukol kung bukol mga ateng! Laway-laway ako sa kinauupuan ko lalo na kay Mexico. JUICE KOH 'DAY! Siya ang pinaka-daks sa lahat. Saruuup! Sayang nga lang at wit siya nakapasok sa top 10 pati na rin sina Sweden, China, Lebanon at Spain. Formal attire ang sumunod at stand out sina Venezuela, Puerto Rico, Czech Republic at Switzerland. Mala-Psy ang white ensemble ni Korea with matching kumikinang na kwelyo. Nasilaw yata ang judges kaya kahit chaks ang lolo niyo eh nakapasok sa top 5 together with Switzerland, Panama, Brazil at my super loves Czech boy.

Nagbago ang aura sa Newport Performing Arts Theater nang mag-Q&A portion na. Walang interpreter for Mr. Panama. Buti na lang at isa sa mga judges si Jose Anmer Paredes, Mister International 2013. Siya na ang nag-translate into English na hindi ko rin naintindihan. Perfect ang tanong kay Jakub Kraus na "How would you promote a healthy lifestyle?" kung hindi lang siya kinabahan. Ambilis pa ng timer! Magaling mag-English si Brazil at kahit papaano ay naitawid ni Switzerland ang sagot niya with the help of his blondina interpreter. Ay! Muntik ko nang makalimutan si Korea. Interpreter niya ang national director at 'wag ka, kahit lagpas 30 seconds na, walang tumunog na timer para sa kanya. ABA! Mukhang in favor sa kanya ang kompetisyon ah! WIT KAMI PAPAYAG!

Kabado ang lahat habang tinatabulate ang score. May nagsasabing si Brazil o Switzerland pero baka daw umeksena si Korea. Ako, si Czech Republic pa rin. Loyal ako eh! In the end, Switzerland conquered the pageant followed by Brazil, Korea, Panama and my baby Jakub.

After ng show, pica moment na with the candidates. 'Yung may ID at sponsors lang ang pwedeng umakyat sa stage. Oh my! Paano kami? Buti na lang at mabait si Madame Ze (tama ba spelling?) ng Events2Images at pinaakyat niya kami ni Fritzie. I can't thank her enough for what she did. Love you ateng! More #selfie with some of the candidates. Please excuse my face :p

This was an unforgettable moment! Dati, bina-blog ko lang at nakikiabang ng updates sa Missosology and now, na-witness ko ang pageant in real life. ANG SAYA!

2 comments:

  1. Kungrachuleyshons ateng at nakapagpa-picture ka sa kanila. Para ka na rin nagpa-picture in behalf of sangkabaklaan. Bongga ang selfie shots huh, muntik na akong malito kung sino ba talaga sa kanila ang totoo mong jowa hihi. Parang gusto ka pang halikan nung isa sa second to the last picture.

    Bet ko ang matipid-at-medyo-pa-sweet mong smile kahit na napapaligiran ka ng meseserep na otoks. Mahinhin. Tunay na Filipina!

    ReplyDelete
  2. Swerte mo teh bet ko tlga from the start pa lang sila switzerland brazil poland mexico at australia at czech si poland lang ang di pinalad makapasok sa semi..

    ReplyDelete