Thursday, December 24, 2015

Miss Universe 2015 is PHILIPPINES!

"42 years of drought and now it finally reigns :)
Mabuhay! Maraming salamat po sa inyong lahat ❤"
Hindi pa rin ako makapaniwalang matapos ang ilang muntikang pagsungkit ng korona ay nasa atin na talaga ang Miss Universe title. Natatandaan niyo pa ba ang excitement natin noong 2010 nang maging paborito si Venus Raj dahil sa kanyang palabang aura at 22-inches na baywang? Ang board top notcher na si Shamcey Supsup at ang kanyang signature tsunami walk? Ang flawless performance ni Janine Tugonon na halos ikapanalo niya? Ang yellow gown ni Ariella Arida na bonggang inirampa niya? At ang disappointment natin sa national costume at evening gown ni MJ Lastimosa? Malinaw na malinaw pa sa akin lahat ng 'yan.

Though the crowning was not as traditional as we expect it to be, hindi na natin mababago 'yan kahit ano pang mangyari. Miss Universe 2015 is one of the most unforgettable crowning in the history of beauty pageant. Up to now ay naaawa pa rin ako kay Miss Colombia. Andun na eh! Nasa ulo mo na ang korona at sa harap ng madla ay nakikita mo na ang saya ng bansa mo pati na ang katuparan ng mga pangarap mo. Ngunit sa isang iglap ay binawi. You can't blame her kung hindi siya ang mismong nagpasa ng korona kay Pia. It's all different when you're on stage and the spotlight is on you. I sincerely wish her well.

I also wanna say my sincerest gratitude to MJ. With her exception sa top 5 last January at sa mga pinasuot sa kanya, nagkaroon tayo ng boses at napakinggan. We changed history and hearts. Kung nakapasok pa rin siguro siya sa top 5, malamang Barazza at Cumbia pa rin ang outfit ni Miss Philippines.

Now to Pia Wurtzbach, Filipinos are so proud of you. From the opening to swimsuit then evening gown hanggang sa mala-quiz bee na Q&A portion. Ako 'yung todong nahirapan nung narinig ko 'yung military bases question. Thankfully, she went through rigorous training courtesy of Bb. Pilipinas and her beauty camp, Aces and Queens, kaya naitawid niya nang husto. Alam kong magrereklamo ang mga aktibista at kontra VFA sa sagot niya. Well, you can't please everybody naman noh!?

Evening gown was perfect! It reminded me of Marelisa Gibson's gown in 2010. Parang pareho ng texture ng tela but ours was perfectly created for a queen. Thanks to Albert Andrada for the design and Madame Stella for the approval. Yes! Lahat ng isusuot ng ating binibini ay dapat selyado at aprubado ni madame. 

Bad trip akez sa swimsuit! Bakit ganun? Bakit pinagpala siya?!? Dapat tayo rin huhuhuhu! CHAROT! Tulad ng sabi ni Senyora Santibañez, ang bagong dede goals ay ang suselya ni Pia. PAK! She was not the best during this round (I think it was Colombia) pero ang posing sa gitna ang nagpabago ng lahat. Mala-Darna, de vaahhh?!

KUNGRACHULEYSHONS, PIA!
MABUHAY ANG PILIPINAS! ♥

4 comments:

  1. for mr huh, yung momentum ng pagcecelebrate natin ng pagkapanalo ng pinas sa miss universe eh nabawasan, dahil sa kontrobersiya na naganap. my gosh! it's our moment na tapos nagkamali pa yung host. for me, t'was a publicity. you know kasi bago ang namamahala sa miss u org. kaya dapat may pasabog kaya ayun sinadya ATA yung wrong winner announcement churva. oh my gosh! but nevertheless, im super happy dahil sa wakas may miss universe na uli tayo! oh my gosh

    ReplyDelete
  2. Pak na pak ang pag drama ng mata ni Pia sa Swimsuit at Evening Gown portion!!!

    Now ang mission ni Mama Jones at Madam Stella ay ang Back to Back win!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree teh! I have a feeling na this will happen! Push!

      Delete
  3. ..I'm so happyyyyy!!!!...Congratz to Ms Pia Alonzo Wurtzback..Miss Universe 2015..she's now offically Binibing Pangkalawakan..Pak na Pak na Pak!!!!!...

    ReplyDelete