Thursday, April 30, 2015

Paunahin

Nakapila ako sa post office kanina. Nag-aantay matawag ang pangalan para sa parcel na dumating. Medyo mabagal ang usad kasi isa-isang kino-compute ng taga-Customs ang tax na babayaran. Buti na lang may poging tsinito sa unahan ko. 'Di ako maiinip mag-antay. Umupo ako para sa mas magandang view.

Kasunod ko sa pila si lola. Nakiusap kay pogi na kung pwede na paunahin siya.

"Ay 'di po pwede. Nagmamadali ako."

"Sige na iho, masama pakiramdam ko."

"May klase pa po ako."

Ay! Kaka-turnoff naman si fafah. Ano ba naman 'yung mag-spare siya ng ilang minuto para sa nakatatanda? Pinagtinginan tuloy sila ng utaw. Kahit 'yung taga-Customs walang nagawa. 'Di talaga pumayag si fafah.

Lumapit na ako sa counter since malapit na akong matawag. Naabutan kong tinatanong si fafah kung magkano ang value ng package niya.

"Wala pong value 'yan. Prize po 'yan sa na napanalunan ko sa isang international competition."

"Sige, declare na lang natin na $10 ang value kasi galing ibang bansa. Achoochoochoo customs eklat legal terms nosebleed."

"$10 po ba ang minimum value?"

"Wala tayong minimum value. Achoochoochoo customs eklat legal terms nosebleed."

In a mataas and demanding tone...

"Tax-free po dapat 'yan kasi I'm a student, premyo 'yan at estudyante po ako ng UP. Eto po ID ko."

Medyo natutulala na si ate dahil parang nanindak na si papa. Kita ko ang ID at ID lace. Oh well, totoo nga.

In a calm tone "Dahil estuyante kayo at napanalunan niyo ito, hindi na ito subject for tax". Parinig sa amin ni Customs girl. Oo nga naman, kasi lahat kami doon magbabayad tapos merong hindi. Unfair. Kaya siguro may I declare siya.

Inabot kay fafah ang package sabay talikod at lumayas.

"Ako po, magbabayad din ba?"


Wakas.

2 comments:

  1. maangas naman. dapat may pics sya ateng. sayang.

    ReplyDelete
  2. gawa ka na lang ng account sa Johnny Air cargo. Dun ko pinapadala mga nabibili ko sa online shopping tapos pinipick-up ko na lang sa Megamall. Kasama na sa bayad ko tax. Less pila pa.

    ReplyDelete