Tuesday, June 30, 2015

Harbat

Kahapon ay nakaharbat ako ng salapi mula sa isang sideline. Hindi pa man din nag-iinit ang kaperahan sa kamay ko eh agad akong pinulot sa SM para mag-Confessions of a Shopaholic. Hindi nga ako makapag-decide kung anong bibilhin sa kapal ng wallet ko. LV, Gucci or Louboutin? Kasya kaya ang wan payb ko? Tagbe-bente kaya makapal ahahaha! 

Kung dati ay sa Booksale o NBS ako unang pumupunta, ngayon ay sa Precious Pages na. Bukod kasi sa PHR books ay meron na silang ibang binebenta. Wide range na ang selection - from kiddie stories to adult fiction and non-fiction. 

Isa sa mga bago ang The Best of Booklat. Parang Wattpad na bonggang mababasa muna online tapos nagkaroon ng printed copies. Loyal ako kay Rose Tan but this book got my attention...

Title pa lang, nakakaintriga na! Uso talaga sa mga kabataan ngayon ang gangster theme just like She's Dating the Gangster at Talk Back and You're Dead. Parang Meteor Garden lang noong nagdadalaga ako. Well, what if ang gangster ay isang beki? Paano iikot ang istorya? I'm excited to read this at share ko sa inyo ang aking review after kong mabasa. 

Monday, June 29, 2015

Larawan at Tanong

So tagal since my last post! May bagong posisyon kasi sa opisina mga ateng - from dog style to missionary. CHAREEENG!!! Medyo uma-adjust pa akiz sa bagong role at sa pabago-bagong schedule. Natutuyuan tuloy ako ng brain cells. Isama pa na walang bonggang inspirasyon (boylet) kaya sabaw these past few days.

Pride Carnivale 2015
The original pabebe girls :p
Binibining Melanie, Meggan and Brigite
Noong nakaraang Sabado ay rumampa ako sa Pride Carnivale 2015 na ginanap sa Quezon City Circle sa pangunguna ng LoveYourself PH. May iba't ibang pakulo para sa miyembro ng LGBT group. Sumaglit ako upang sadyain ang booth ng UP Babaylan para sa librong Anong Pangalan Mo Sa Gabi? at iba pang tanong sa mga LGBT

Matagal ko nang gustong magkaroon ng kopya nito pero hindi naman itey naibenta sa National Bookstore at Powerbooks. Buti na lang at nag-repost si Ateh Meggan sa FB kaya nakagora akiz. 

Binubuo ang libro ng mga larawan at tanong na kadalasan ay ibinabato sa mga miyembro ng LGBT. Karamihan nga dito nasagot ko na. Wala naman akong choice kasi baka maparatangan akong suplada. Hindi rin big deal sa akin kasi walang kalansay sa aking aparador. Basta humanda lang 'tong nagtanong sa akin sa mga isasagot ko at baka 'di niya kayanin. CHAROT! 

Kapag binasa mo ang Anong Pangalan Mo, hindi ka lang matututo kundi maaaliw rin. May sumeryoso sa tanong, may keri lang at may ibang "bahala ka nang mag-isip sa sagot ko". Mas bet ko 'yung huli ahahaha!

The book is available for only 275php. Please like UP Babaylan Facebook page for more information.

Tuesday, June 23, 2015

Umalingasaw

Men Universe Model 2015 winner
Rogier Warnawa of Netherlands
Mr. Netherlands Rogier Warnawa won Men Universe Model 2015. Todong masaya si fafah oh, obvious sa picture. Happy din for him ang ibang candidates. How I wish tayo na lang ang binuhat at nang umalingasaw ang "halimuyak" ng ating "bulaklak" ahahaha! 

Top 13
Lima ang runners-up ng kompetisyon. More men means more sarap. Buti na lang at nakasabit pa sa ika-anim na pwesto ang mahal kong si Mr. Bolivia. I wish I can taste and smell his bulivia. TSALAP! 'Di naman umuwing luhaan si Mr. Philippines dahil pasok sa banga ang kagwapuhan niya sa top 13. Not bad de vaahhh?!

Enjoy the fiesta mga ateng!

Men Universe Model 2015: Netherlands
1st runner-up: Switzerland

2nd runner-up: Romania
3rd runner-up: French Guyana

4th runner-up: Spain
5th runner-up: Bolivia

Kwela 17

Nosy Suzy #12
Espesyal Komiks
Setyember 4, 1997
Taon 40 Blg. 2269
Atlas Publishing Co., Inc.

Sunday, June 21, 2015

Espesyal

Wit talaga papakabog ang mga Noypi sa pag-post ng status, comment at pictures 'pag may special occasion, mapa-regular at special holiday o simpleng paggunita lang. Tulad ngayon, we are celebrating Father's Day. Bilang ginawan ko ng entry si mudra last month, dapat lang na pati si La Pudra din!

Isa 'yan sa pinaka-espesyal na litrato sa photo album ko. Galing kami sa pamamasyal but I can't remember kung sa Manila Zoo o Luneta ba kami nagpunta. May nadaanan kaming nagbebenta ng payong at nagpabili ako. Bata pa lang eh bilmoko queen na akez. ECHOS! Pinili ko yung printed na kulay orange with ruffles lining at small whistle.

"Ito na lang kulay itim." sabi ni pudra.

"Ayaw, gusto ko nun." sabay turo sa orange na payong.

Walang abog-abog na binili niya at hindi pinagpilitan ang kanyang gusto. Hanggang sa sasakyan, nakangiti ako habang hawak ang bagong payong. Kita niyo naman sa picture, hindi ako agad nagpalit ng damit at halos lunukin ang malaking bayabas. 

My father may not be perfect and I know he is far from that, pero isa sa pinagpapasalamat ko sa Diyos ay nunca niya akong kinwestiyon, nabugbog, nadiskrimina o pinagtabuyan dahil sa pinili kong kabaklaan. Doon pa lang, lamang na siya sa iba. 

Minsan, susunduin niya ako sa opisina para ihatid sa bahay tapos may pabaong ulam. Kapag galing siya ng probinsiya, lagi siyang may bonggang pasalubong. He's such a sweet father, maybe that's why he is my favorite parent. Oh! Hindi ibig sabihin niyan mas matimbang na siya kay La Mudra. I love them both! 

HAPPY FATHER'S DAY LA PUDRA!
I miss you and see you soon ♥

To The Top

Sino ba ang hindi nabiyak ang puso nang magdesisyon si Zayn Malik na iwan ang One Direction? JUICE KOH! Halos maglupasay ang mga Directioners nang malaman itey. Well, worry no more dahil balak ng Kapuso Network na bumuo ng pinaka bagong boyband na yayanig sa ating mga pantog at lalamunan. Oh de vaaahhh, from foreign to local. PAK!

Following hearsays published in different blogs and showbiz websites recently, GMA Network confirms that it will be launching To The Top, the search for today’s newest boy band.

Friday, June 19, 2015

Pagitan

Tumutulo at basang-basa hindi ang panty ko kundi ang shu-es at medyas ko noong isang araw sa todong pagbuhos ng ulan. Feeling ko, nasa pagitan tayo ng tag-araw at tag-ulan. Mainit sa tanghali tapos babaha sa hapon. Lakas maka-stress at maka-stranded pauwi! Ano ang ibig sabihin ng araw-araw na stress? Maagang pagputi ng buhok at pagkapangit ng fes. At ayaw natin 'yan, so let's not dwell with that.

2 days from now ay gaganapin sa bansang Dominican Republic ang taunang Men Universe Model. Representing our country is Mike Gerard Mendoza. Nawa'y makuha niya ang bonggang titulo dahil wala pang Pinoy ang nakakapanalo niyan.

Men Universe Model 2015 - Philippines
Mike Gerard Mendoza

Tuesday, June 16, 2015

Kwela 16

Nosy Suzy #6
Espesyal Komiks
Agosto 14, 1997
Taon 40 Blg. 2263
Atlas Publishing Co., Inc.

Sunday, June 14, 2015

Nakatunog

Naglalakad kami sa TriNoMa ni friend-na-laman-ng-mall-almost-everyday nang bigla na lang siyang lapitan ng isang lalaki at tinanong "Taga ABS-CBN ka ba?". Deadma lang kami at bumaba ng escalator. Nilingon ko si guy at sinundan pala kami. Nakita ko na parang may sasabihin siya pero binilisan namin ang lakad. Eventually, nawala din siya. Nakatunog siguro na 'di kami interesado sa kanya.

Kwento ni friend, madalas daw siyang lapitan nitong guy at 'yun at 'yun lang ang tinatanong. 'Di na lang daw niya pinapansin dahil obvious naman ang pakay. Though hindi na ako kasing dalas mag-mall tulad dati, pamilyar sa akin ang fes niya. Describe ko siya sa inyo - matangkad, lean body, may pagka-chinito, may tattoo (sa tenga yata?) at maayos tingnan. Naka-purple shirt, black jeans at flip-flops siya that day. Inobserbahan ko talaga oh! Kuda ni friend, maayos na nga daw siya noong nakita namin. Dati daw parang nakapambahay lang.

Last rest day naman, bumayla ako ng cork board at nagpa-print ng picture sa SM North. May isang otoko akong nakasalubong na ang lagkit ng tingin. Nang malapit na siya sa akin, bumagal ang pacing ng lakad at naging friendly ang fes. Alam na this! Buti na lang wala pang sahod or else, baka 'di ako nakapagpigil. ECHOS! Actually, takot din ako sa ganyan. Malay ko ba kung holdap ang ending ng inakala kong booking. Mahirap na de vaaahhh?!

Tanong lang mga ateng, naka-encounter na ba kayo ng tulad nito and how did you handle the situation? The best answer will be declared as the new Miss Universe. CHAREEENG!!!

Friday, June 12, 2015

Alingasaw

Pawisan ako everyday kakarampa sa daan dahil sa todong init ng araw. Grabe ang nagbabagang alingasaw mula sa kalsada na anlakas makatanda ng balat. Kaya mga ateng, don't forget to clean your skin and make pahid of your favorite moisturizer bago bumorlogs para iwas fine lines, nakabukang pores at maagang pangungulubot.

Ayaw ko man pero last week ay natapos na ang pagkahibang ko sa Mister Slovenia pageant. Si Matjaž Lesjak ang winerva. He's from Maribor and currently studying his masters in Civil Engineering. Brainy! Sad news nga lang dahil hindi natin siya masisilayan sa Mister International 2015 dahil ang goal ngayon ng Mister Model Management, the organizer of the pageant, is to get the best models they can send to the best agencies around the globe. Mas bonggels!

Tuesday, June 9, 2015

Calling Card

Share ko sa inyo ang nakakikilig na lovestory ni Marie at kung paano nagugulumihanan ang puso niya kay office crush...

***


Ako din madam Melanie. Isang beklur at inlababo sa straight kong ka-workmate. Super baliw ako madam. Nagkaroon kami ng team building last May 23 at sinama ni otoko 'yung belat, monthsary kasi nila kinabukasan. Ayun, nagmaganda akong in-approach si girl, sabi ko hulog na hulog na ako kay otoko. Tapos nung mag-isa ako sa pool, na corner ako nung dalawa. 

Nag-usap kami. Nalaman ko na nagselos pala si girl at first. Ka-work din kasi namin siya pero 'di namin teammate si girl. Hahaha! Nag-share na talaga ako. Kakahiya.

Last week lang, sabi ni otoko, wit na daw sya excited 'pag nakikita si girl. Ako naman, wit knows paano magre-react kaya dedma. Then the following day, narining ko na lang nag-cool off daw sila. Though 'di sinabi sa akin. Nakakaloka pa, binigyan ako ng coffee kahit walang complimentary coffee sa vendo. Kilig much! OMG! Sorry, nag-share talaga ako. 

Pero tanong ko lang, push ko ba 'to? May nalaman din kasi akong chika na may history na pabooking si otoko. Chismis lang pero umaasa ako na 'di totoo. I was connecting the dots kasi noong hiningi number ko, ang term na ginamit niya "calling card" so ako, deadma. Patay malisya. 2 months ago na 'yun. Hanggang ngayon, 'di na niya ulit hiningi. Pero ganun pa rin kami. Twice ko rin pala siya nilayuan pero talagang kinakausap niya supervisor namin na pagtabihin kami. Tapos last week lang, out of the blue, nabanggit niya na Vans daw 'yung Waterloo nya. 'Di ko na naman alam gagawin ko kaya deadma lang. 

Naguguluhan na nga ako eh. 'Di ko maalis sa isip ko na baka 'yung pag-amin ko sa mag jowa ang reason kung bakit sila nag-cool off. Oh 'di kaya, na confuse na talaga si otoko. 

May pasok na naman mamaya. Hahaha! Matutulog na ako Niro. Sana sumagot ka madam. Update din kita. Tago mo nalang ako sa pangalang Marie. XOXO


***

Hi Ateng Marie,

KUNGRACHULEYSHONS!!! Gandang ganda ako sa'yo dahil mantakin mo, kahit nilayuan mo na, nirequest pa ni otoko na makatabi ka sa opisina. EH 'DI WOW!!!

'Wag ka nang maguluhan. Kung sa tingin mo, ume-effort si guy para sa'yo at feel na feel mo ang pagiging masikip kapag lumalapit siya, sino ka para tumanggi sa grasya? Madaming beklers diyan na todo effort mapansin lang ni crush. Samantalang ikaw, nandiyan na, nakakatabi at nakakausap, arti ka pa? Go! Enjoy and seize the moment!

I actually asked a straight guy sa Facebook kung paano ba sila pwedeng ma-fall sa isang gay. He said that if you have pure unadulterated intentions at hindi lang sex ang habol, hindi daw malayo na mahulog sila sa tulad natin. Sa makatuwid, kailangan mabigyan mo siya ng reason to fall for you. Be true to yourself, show that you care and be more friendly (with tapik and hampas on his shoulders hihihi!). Just know your limitations. Treat him as your daily inspiration at work. Wala na yatang mas gaganda pa sa feeling na kahit stress ka sa work, nawawala ito 'pag nakikita si crush. What more kung nakakausap at katabi mo pa. Ayyiiii!!! I'm so kilig for you!

Tsaka 'wag mo na rin isipin 'yung nangyari sa kanila ng jowa niya at kung ano ang history niya. The past cannot be changed, forgotten or erased. You just need to ensure that you'll be his bonggang future.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Saturday, June 6, 2015

Kwela 15

Mga ateng, inlababo na yata akez ditraks sa ka-opisina ko! Sa tuwing naririnig ko ang Mr. Right ni Kim Chiu, siya lang ang naiisip kong icing sa ibabaw ng kapkeyk ko. At 'wag ka, kaka-discover ko lang ng Facebook profile niya. I'm such a stalker, right? May baby na siya which is good 'cause it's my dream to become a mother. CHAR! Basta ipapakilala ko siya sa inyo kapag naging kami na. 'Di ko nga lang sure kung kelan ahahaha!


Noong mid-90's, twice a week akong bumibili ng Espesyal Komiks. That's every Monday and Thursday. Sa likod nito mababasa ang todong nakakaaliw na buhay ni Nosy Suzy by Lito Ty. Una siyang lumabas taon 1997, ika-17 ng Hulyo to be exact. Since then, kasama na siya sa palagi kong inaabangang basahin.

Dahil pinasaya niya ako noon, karapat-dapat lang na siya'y buhayin sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Eto't magpapakilala siyang muli after 18 years...

Nosy Suzy #1
Espesyal Komiks
Hulyo 17, 1997
Taon 40 Blg. 2255
Atlas Publishing Co., Inc.

Thursday, June 4, 2015

Agawan

Last Friday ay sinamahan ko si mudra papuntang ospital para sa kanyang check-up at sa Quezon Ave. dumaan ang sinakyan namin. MTV moment ako habang nakatingin sa bintana nang makita ko ang tarpaulin sa harap ng Universal Tower building. May sale ulit sila! Kaya matapos ang daughter duties, pinauna ko na si La Mudra umuwi dahil sure na sure na todong matatagalan ako sa pangangalkal at pamimili.

Pasado ala-singko na ng hapon pero dagsa ang utaw. Friday pay day kasi. Agawan ang iba sa limited stocks ng DVDs at CDs. Pinabayaan ko muna sila at umastang supervisor na nag-ikot-ikot at nagmasid. I think bi-annual ang ganitong pa-promo ng Universal Records dahil noong 2011 at 2013 ay nakapunta rin ako. This time ay kasama nila ang Warner Records na nagtinda.

Bente pesos pataas kahit saan ka lumingon. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagdakot ng bibilhin. Nagtataka ako kasi 'yung iba, ilang kopya ng iisang album ang binili. I can't help but to eavesdrop to some conversations. I'm such a chismosa, right?! They sell it or trade online. 'Yung katabi ko sa pila, dinadala niya sa ibang bansa at doon ibinebenta. Bongga!

Sa dami ng pagpipilian, limang CDs lang ang nabili ko. May araw pa nung pumila ako, pasado ala-siete na ako nakabayad. Bukod sa iisa lang ang cashier, sobrang dami talaga mamili nung mga nakasabay ko. Karton-karton ang bitbit nila samantalang ako, naka-paperbag lang. Pero worthy naman ang pag-aantay dahil nadagdagan muli ang aking koleksyones.

Kaya kung kolektor din kayo at gustong makamura, pwede pa kayong humabol. May dalawang linggo pa silang magbebenta!

Monday, June 1, 2015

Alulod

I am so inaantok while writing this. Dapat maboborlogs na akez pero ang lakas ng hatak ng pagsusulat. BTW, may crush (na naman?!) ako sa office, dalawang otoks. Bago 'to mga 'teh! Isang new hire at isang boss.

Si new hire, matangkad, maputi, gwapo, may tattoo sa kaliwang braso at may suot na eyeglasses which makes him ooohhh so gwapo. Bagay kami. Si boss naman, parang Christian Grey ang dating na malaki ang pagkakahawig kay Ricky Martin. Bagay kami. At talagang kine-claim ko na pareho silang bagay sa akin ahahaha! Nasa opisina sila kanina kaya bukod sa inspired magtrabaho, #kiligkeps din me. Hopefully, ma-capture ko ang sarap nila at mai-share sa inyo.

While we are waiting for that, let's enjoy ourselves with the presence of Mister Slovenia 2015 finalists. Nakilala na ang sampung maglalaban-laban para sa titulo at ang mananalo ay ipapadala sa Mister International 2015. Oo nga pala! Sa ating bansa 'yan gaganapin sa Nobyembre. Sure na sure na magkakaisa ang 'sangkabaklaan para suportahan 'yan.

Alen Nuhanović and Klemen Orter

Matija Peklaj and Andraž Logar

Žiga Štangar and Miha Ratajc

Axel Luxa and Matjaž Lesjak

Putikan sa ulanan ang peg ng photoshoot. Bongga 'de vaaahhh?! Sakto at papalapit na ang tag-ulan. Ang gaganda ng katawan at pogi lahat. Bakatchi din ang mga umbok nila. Pero sa lahat, silang dalawa ang todong nagpa-apaw sa alulod ko...

Matjaž Mavri Boncelj (paliguan na kita)

Miha Repinc (I love him so much!)

Sa June 6 ay malalaman na natin kung sino sa kanila ang papalarin. You can help your favorite to make it to the top 5 on the final night. Just like the Mister Slovenia Facebook fan page and go to Top 10 - Voting photo album. Click on the picture of your bet and hit that like button baby!

*Photos by Ana Gregorič Photography
MUA by Artebellus
Organization by misterslovenia.com
Sponsored by Johnny Super Skin Food