It's the second half of 2017 na, mga 'teh! Ambilis lumarga ng panahon. May hinahabol yata.
CHOS! Sunud-sunod na rin ang pag-ulan at itinataon pa na bandang rush hour ang bagsak. Ayan, wala halos masakyan, trapik sa daan at sobrang haba ng pila sa sakayan. Kawawa si
Juan na gagabihin sa pag-uwi at aagahan ang gising para 'di abutan ang bonggang pila sa MRT o UV Express. Para yatang palala nang palala ang sitwasyon. Totoo pala na
"change is coming" pero hindi kami na-inform na for the worse pala.
ARAY!
Naka-isang taon na si
Du30 at
VP Leni sa posisyon at sa trulili lang, ito na yata ang pinaka-kontrobersyal at maintrigang administrasyon. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara kina
PNoy at
Binay. Bagamat mula sa magkaibang partido, wit naman silang umabot sa patutsadahan at ka-cheapan.
Bet na bet ko ang katapangan ni Du30 pero ang mga taong nakapaligid sa kanya, akala mo kung sino. Hindi ko na iisa-isahin pa pero mga attitudero't attitudera. Imbes na pagbukludin ang mga Pinoy, parang sinasadya pang tayo'y watak-watakin. I hope sa social media lang itey. Alam niyo naman, ang tatapang ng iba sa comment section to the extent na pagbabantaan ang buhay mo pero duwag naman sa totoong buhay. I'm still hoping na sana, gumawa ng paraan ang ating mga pinuno para tayo'y magkaisa.
Todong inabangan ng sambayanan ang labang
Pacquiao vs. Horn na sa huli, afam ang nagwagi. Infairness dito kay
Jeff Horn, makulay din ang buhay. Na-bully noong bata na halos isipin niyang magpakamatay at tinukso-tukso din siyang
"gay". Lahat nalagpasan niya at ngayon, siya na ang bagong
WBO Welterweight champion. Kita mo nga naman, yurak-yurakan man ang iyong pagkatao, darating ang panahon na iaangat ka ng Diyos. I love his story and I love him na! Kaya lang may jusawa na kaya wit na!
Malungkot pa rin ako sa pagkawala ni La Mudra. Minsan, bigla ko na lang siya maiisip sa ibang tao o may maaamoy ako na magpapaalala sa kanya. Dinalaw nga niya ako last month sa panaginip, tatlong beses pa. Patawid daw kami sa EDSA tapos hawak niya ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang haplos at yakap niya. Tila ba ginagabayan pa rin niya ako sa buhay. Laking pasalamat ko kasi pinayagan siya ni God na bisitahin ako. Ramdam ko, miss na miss na niya kami. I know she's just there at looking after us. I pray she'll visit me often kahit sa panaginip lang.