Saan nakuha ng LTFRB ang impormasyon na mas safe sa taxi, bus at jeepney?
NAKAKALOKA! Never pa yatang nakasakay ng public transpo ang mga kawani niyan at wit nila alam ang modus operandi ng mga kriminal. Patunay lang kung gaano sila kamangmang sa mga nangyayari sa daan.
For your information po mga ma'am at sir, sa halos araw-araw na byahe ko, lagi kong pinagdarasal na 'wag ko sanang makasabay ang dura gang, laglag barya gang, siksik gang, takip bag gang at kung anu-ano pang gang. Inoobserbahan ko muna ang mga pasahero, baka may kahina-hinalang pagmumukha. Kapag 'di ko bet, dedma na at mag-aantay ako ng iba. 'Yung mga aircon bus, dapat walang kurtina at maliwanag ang loob para kung magdeklara man ng holdap, pwedeng makita sa labas at baka sakaling may sumaklolo. Sa ordinary naman, 'wag dapat tutulog-tulog at baka tabihan ka ng magnanakaw. Masalisihan ka ng gamit mo. Isama pa natin ang mga naglipanang manyakis na walang hiya kung maniko ng dibdib ng babae. Kunwari may kukunin sa bulsa, gusto lang maka-tsansing.
Minsan lang ako mag-taxi pero dapat MGE, R&E o EMP dapat ang sasakyan ko or else, maya't maya ako titingin sa metro at baka simbilis ng gripo ang patak nito.
Hindi ako madalas mag-Uber o Grab dahil budget diva ang ateng niyo. Pero kung nagmamadali ako, sa Uber at Grab na ako. Mura na, safe pa, mabango pa at marami pang magagandang pa. GANON! Kung hindi alam ng LTFRB, isa-isahin natin ang advantages ng ride sharing apps na 'yan:
- Safe dahil dumaan sa mabusising proseso ang pagpili ng drivers
- Book anywhere basta may data connection ka at sakop pa ng geofence nila
- Hindi choosy sa pasahero
- Hindi pwedeng tanggihan ang drop-off location mo. Big NO NO NO 'yan sa kanila.
- Kapag booked na, ibibigay sa'yo ang pangalan ng driver, type of vehicle at plate number nito
- Susunduin ka sa pick-up location mo. No need rumampa sa daan para makarating sa sakayan. Nakaka-fresh!
- Komportable at makakahinga ka. Hindi 'yung ipagsisiksikan mo ang puwitan para lang makaupo. Sabi kasi ni kuya barker, isa pa. Isang hita lang pala ang kasya. NYETA!
- Pwede kang mag-book para sa iba. Eto ang ginawa ko dati sa tuwing may dialysis si mama. Kahit hindi ko siya masamahan, I know safe ang travel niya. I miss her everyday :'(
- Garantisadong malinis ang sasakyan
- Pwede mong i-rate ang serbisyo from 1-5 stars
- Magagalang ang drivers. Tatanungin ka kung okay lang ang lamig ng aircon. 'Yung mga taxi, jusko parang pugon. Ayaw pa lakasan ni mamang driver ang aircon at kakain ng gasolina.
- May navigation system. Automatic na iiwas ka sa traffic.
- Bawal humingi ng dagdag bayad or else, pwede mo silang i-report. Sa taxi, 'di ka pa nakakasakay, nanghihingi na eh.
- Kung suswertihin, may palibreng kendi o tubig sa loob
- Kung mag-uberPOOL o Grabshare ka, may chance na makasabay mo si forever. CHOS!
- Mababango ang drivers. Hindi nanlilimahid. Walang amoy baktol. Kadalasan, ampopogi pa!
- Hindi ka mapa-praning na baka bigla ka na lang pasukin ng masasamang loob sabay holdap kasi gumagana ang lock ng sasakyan.
- Ang pinakamaganda sa lahat, may customer service na pwedeng tumulong sa kung ano man ang issue mo. Agad-agad ang aksyon nila. Siyempre, exclusive lang sa ride experience mo. Hindi nila kayang sagutin kung bakit wala ka pang jowa. ARAY! POTAH! ANG SAKIT HUH!
Ang alam ko lang, we just don't want Uber and Grab, we need them to survive the road problems we face everyday.
TRUE, i agree sa mga sinabi mo, mga mangmang at hindi pa sila nakaka experience sumakay sa public transportation lalo na kung, rush hour o horas de peligro. Hindi kasi nila makitaan ng pagkakakitaan ang Grab and UBER kaya sila lagi pinupunterya.
ReplyDeleteI reharb n yan mga gungong na yan. baliw.
ReplyDeletePoliticians, their relatives and business sponsors are involve in public transport business and they view Grad and UBER as threats.
ReplyDelete