Inaamin ko, malungkot ako. Halos ayaw ko nang pumasok sa trabaho dahil sa nararamdaman ko. Madalas kong maikumpara ang aking sarili sa iba. Bakit hindi ko magawa ang ginagawa nila? Pare-pareho naman kami ng posisyon. Tinamaan ako ng isekyuridad. Samahan mo pa na masisipag sila at ako'y may katamaran. Kasalanan ko rin naman.
Unti-unti nang lumalaki ang aking tiyan. Ang bewang kong dati at 28, ngayon ay halos umabot na ng 38. Kain kasi ako nang kain ng matatamis - banana que, salad, donuts, ice cream, pastries, samalamig at tsokolate. Ang mga pantalon ko, hirap ko nang isara. Ipit na ipit si chanda romero. Madalas maghuramentado. Bagsak ko ay sa banyo.
Gusto ko na ring mangibang bansa. Gusto ko ng ginhawa. Gusto ko ng karangyaan. Sino bang hindi? Pero hindi ganon kadali iyon. Mag-OFW ka man, kung hindi ka magsusumikap, wala kang patutunguhan. Hindi ko alam kung darating ang ganyang oportunidad sa ngayon, ang tanging magagawa ko lang ay manalangin na sana'y bigyan ng pagkakataon.
Kadalasan, hindi ko nakikita kung ano ang meron ako. Naghahangad ako ng kung anu-ano. Bili dito, bili doon. Tingin dito. Pili doon. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos ay nga-nga. Ilang araw lang ang daraan, maghahanap muli ng panibago. Likas bang ganito ang mga tao? Siguro, dapat baguhin at mas maging matalino.
Walang magagawa ang pagmumukmok, sure 'yan! Kung nilukuban man ako ng kalungkutan, hindi ako papayag na ako'y kanyang pagharian. May paraan para maging masaya, may rason para ngumiti at lumarga. "Push mo 'yan 'teh!" ika nga ni Vice Ganda.
Hi Ateng , I feel you. Minsan ganyan din ako. Yung para bang wala kang sense of accomplishments. At minsan lonely rin dahil walang jowa at mabibilang sa daliri ang mga friends, yung iba pa nantatraydor huh. But then , I realize , ganyan talaga ang buhay. Walang perfection. Tuloy lang ang laban at huwag susuko. Kapit lang at tawag sa Itaas lagi. About sa abroad thingy mo ,ituloy mo yan , bata ka pa naman. As for me , di na pwede , overage na ako he he he. Dito na lang siguro ako sa Pilipinas hanggang tumandang dalaga he he he . Smile . God loves us all : )
ReplyDeleteAnything is possible. It's all about having a plan and a goal, and making sure that you are doing something everyday to implement your plan to get to your goal. Start eating healthy six days a week and a have a treat day on the seventh day so that you won't feel deprived. Stop buying stuff or things you don't really need. Save your money for your move to work abroad because you'll need it. Start looking into where and what you want to do abroad. Research all possibilities, departments, agencies or agents and foreign embassies. Start regular exercises to keep you strong, healthy and motivated to do the things that you want to do in life. You can do it.
ReplyDeleteThe acknowledgment is a good start.... Yes, push mo yan talaga 'te! Para sa ekonomiya at para sa ikagiginhawa :D
ReplyDeleteSalamat sa mga payo, mga ateng! Let's push for the better us mwaaahhh!!!
ReplyDeletenothing is almost imposible. drive is a fuel. puede pa te kaw pa talented. dagdagan ang sipag. pray
ReplyDelete