Thursday, September 13, 2018

Kalidad

Swaksi na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ompong. Napakalakas daw nito kaya lubos ang paghahanda ng LGUs sa mga lugar na tatamaan nito. Let's continue to pray na maging ligtas ang lahat at kung pwede lang, matunaw ito bago pa makapaminsala.

Dahil din kay Ompong, postponed ang taunang UPCAT. Unahin muna ang safety ng kabataan tsaka more time ito para sila ay makapag-review pa. Best of luck sa kanila!

Isa pang postponed ay ang kauna-unahang Mister World Philippines competition. Dapat sana ay sa Sabado na itez (September 15) but of course, may umeksenang bagyo. AMP! Kahit siguro itinuloy itez, hindi mapipigilan ang 'sangkabaklaan para manood. Kesehodang lumangoy pa kami sa baha, rarampa kami diyan!

Unang beses pa lang magkakaroon ng MrWP dahil appointed ni Madame Cory Quirino at ng Miss World Philippines Organization sina Andrew Wolff, John Spainhour at Sam Ajdani. OH! Binanggit ko lang sila, nag-water na kayo. P'wes, ihanda niyo pa ang mga sarili niyo dahil labing anim na nagsasarapang otoko ang maglalaban-laban para sa titulo. Wit niyo kakayanin ang kalidad ng mga sumali. Upper echelon compare to other local male pageants. 'Di nga me sanay kasi panay bikini contests ang watch ko. CHAR!

Medyo conservative din ang MrWP dahil walang swimwear round. Walang nagsisikipang trunks. ANO BA! Well, wala rin kasi ganun sa Mister and Miss World kaya hanggang boardshorts na lang ang pinakasexy nilang sinuot. NAKAKABITIN! 'Yung parang puputok na sana pero naunsyami. CHOS! Sherep pa rin naman kaya keri na.

Eto na, ihahanda ko na sa ating karinderya ang 16 contestants. Tanong nga ni makiring Taylor... are you ready for it?

Joshua Banatin (mahal ko talaga siya!)

 Denver Hernandez

 Robin Hanrath (ako yata ang Cinderella niya)

 Mark Comiso (makatunaw-panty po siya tumingin)

 Ameen Sardouk

 Marco Poli (ang gwaps!)

 Emir Abbo (cutie pie much!)

Adbullah Cheng

JB Saliba

Wilfred Placencia

Reymart Regis

Ricardo De Jesus

Karl Louie Aragon

Miguel De Castro

Mark Jero Bagaporo

Joy Jerom Evangelista

So kailan na ang finals night? Abangan natin ang announcement sa kanilang Facebook page.

Monday, September 10, 2018

Baliktad

HAPPY MONDAY! Pasado ala-siete na nang umaga at sana'y hindi kayo ma-late sa work. Katatapos ko lang maglaba at pagoda cold wave ang arms at legs ko kakabanlaw. Tanong niyo kung anong oras ako nagsimula? Mga ala-una lang naman. KALOKA! Night shift kasi ang byuti ko ngayon sa work kaya baliktad ang buhay lalo na kapag rest day. Gustuhin ko man mag-mall, sarado na paggising ko. Keri na 'yun, at least tipidity.

Photo from Twitter. CTTO.
Ang gulo-gulo sa gobyerno ngayon, noh? Tapos kapag may pinost kang against sa mga nagaganap, instant dilawan ka kaagad. 'Di ba pwedeng neutral? 'Di ba pwedeng Pinoy na nagnanais lang nang maayos na buhay sa pangunguna ng mga inihalal ng bayan? Hay nako, ewan ko ba sa kanila. Dalawang panig lang ang nakikita, DDS at mga dilawan. BALAKAYOJAN! Basta mga ateng, kapag mali ang isang bagay at ipinipilit na ito ay tama, aba mag-isip na tayo. IBA NA 'YAN!

Recently ay nagustuhan ko ang version ni Gail Blanco ng Just Because na original ni Anita Baker. May version din si Jaya at pa-ul-ul lang ang dalawang 'yan sa playlist ko. Kapareho ko ba kayo na kayang makinig ng isang kanta sa buong araw? Minsan isang linggo pa bago ko palitan. Walang umayan ahahaha!

Feeling ko, marami pang ganap na mangyayari. Hopefully, it's for the benefit of the Filipino people na at hindi lang ng few privilege ones. We are more than 100 million at kung hindi man lahat, sana ay makaramdam ng kaginhawaan sa buhay ang karamihan.

MAY GOD BLESS THE PHILIPPINES.

Sunday, September 9, 2018

#BekiProblems

As you all know, mga ateng, BER months na at 8 years ko na rin yatang sinasabi dito sa ating kaharian na nakaka-happy talaga ang season na 'to. Although three months away pa ang Pasko, nagsisimula na ang ilan sa atin na magsabit ng mga Christmas lights at parol. Dadami na rin ang mga bazaars at tiangge sa daan at malls. Oh my! Sana naman mura pa rin ang paninda kahit sobrang taas ng inflation rate ngayon. KALOKA!

Isa pang rason kung bakit masaya ang pagpasok ng Setyembre ko ay ang librong Beki Problems na sinulat ni Jonison Fontanos, ang direktor ng indie film na Kumpare. Medyo rare na ang publication ng LGBT-themed books sa ngayon dahil going digital na ang ilan, kaya todong na-excite ako nang makita itez sa FB. Agad-agad akong nag-send ng private message sa author at tinanong kung paano makakabuyla. Hindi lumipas ang isang araw at nagkaroon ako ng kopya. Ang bilis!

May 34 entries ang libro, chapter kumbaga pero entry ang word na ginamit. Unique, 'di ba? Unang entry pa lang, napahalakhak na talaga ako! Bet na bet ko ang bida, hindi yayamanin at pretensyosa. Umaasa lang na makatagpo ng lalaking mamahalin at magiging loyal sa kanya. Kumakain pa siya sa lugawan at sumasakay ng tricycle. Sobrang relate! Pati ang mga lugar na pinuntahan niya, pamilyar din. Lakas maka-good vibes! Parang true-to-life story talaga.

Pinaka-bet kong entry 'yung tungkol sa chinitong moreno na tricycle driver na gustong ligawan ang bida. Nakakainis na nakakakilig! Bakit hindi na lang siya? Bakit iba pa ang hinanap? Oh, hanggang diyan na lang 'yan. Kung na-curious kayo, buy a copy for only 250 php. Go and support Ateng Joni! Baka magkaroon ng book 2 kung bebenta nang husto. Sana, sana!

To purchase, please contact Jonison Fontanos through his Facebook account.