Naaliw ba kayo sa sarswela nina
Cayetano at
Velasco para sa Speakership post sa kongreso? Ako hindi. Kasi pera natin ang nasasayang sa agawan nila sa pwesto. Imbes na magtrabaho sila para sa bayan, mga pansariling interes ang inuuna. Eh kung tutuusin, pareho lang naman silang tuta ni tatay. Tapos hindi rin impressive ang legislative work ni Velasco - renaming an airport, postponing an election, at nag-yes sa Marcos Day at Anti-Terror Bill.
KASUKA!According to Pulse Asia, 91% ng mga Pilipino ang aprub na aprub sa performance ni tatay. Well, well, well, baka nga naman nakatulong ang Dolomite Beach sa pagganda ng buhay natin. Tsaka siguro hindi naman talaga mahirap bumiyahe araw-araw, 'noh? Okay lang din siguro na may kaltas ang sahod natin kasi kokonti lang ang parokyano. Nakapag-abot din naman siya ng ayuda na sobra-sobra sa loob ng pitong buwang naka-lockdown tayo. Talagang above and beyond ang performance.
LOL!Bali-balitang umabot na sa lagpas 2 bilyong piso ang kinikita ng show ni
Raffy Tulfo sa
YouTube. Hindi ko alam kung nasabi ko na but I am not the biggest fan of the Tulfo brothers. Masyadong bargas for my taste. Taste daw oh?
Anyways, I do not recommend watching his show. Una, hindi siya dapat ang takbuhan kapag may hindi pagkakaintindihan. Pero dahil na rin siguro sa palpak na sistema kaya napipilitan ang iba. Pangalawa, kumikita ang show gamit ang issue ng ibang tao. Minsan, ginagawa pang katatawanan ng iba. Panghuli, binibigyan natin siya ng kapangyarihan sa tuwing sasabihin natin "isusumbong kita kay Tulfo", "ipapa-Tulfo ko kayo" or the likes.
Pero mahilig tayong makisawsaw sa isyu ng iba, kaya bentang-benta ang mga ganitong palabas.
No comments:
Post a Comment