Thursday, October 29, 2020

Paningin

Pasavogue itong bratatat ni Gen. Parlade sa mga merly na tumatayo sa kanilang karapatan particularly kina Liza Soberano at Catriona Gray. 'Wag daw um-associate sa tulad ng Gabriela na isa raw komunista. Infairness sa Gabriela, simula nang maupo sila as a party-list sa kongreso, wala silang pagod sa pagtaguyod sa karapatan at boses ng kababaihan. Ang mas malakas na pasavogue ay deretsahan niyang pinaratangan na NPA member ang kapatid ni Angel Locsin. Naglabas tuloy ng ebidensya ang Darna natin upang baliktarin ang paratang ng heneral. Pati sina Cavite Governor JonVic Remulla at House Speaker Lord Velasco ay imbey na "red-tagging" niya. 

Sa trulili lang, mala-Shrekty Fermin itong si Parlade. Puro kuda pero walang maipresentang ebidensya. Kung meron man, idaan sa legal na proseso at hindi sa FB. Kahihiyan sa AFP itong si ser.

Tama na ang stress! Tara't manood tayo ng isang masarap na pelikula...

Kurap (2008)
Silangan Pictures
Directed by Ronaldo Bertubin
Starring Sherwin Ordoñez, Jojit Lorenzo and Ashley Rhein Arca

Sa pagnanakaw binubuhay ni Ambet (Ordoñez) ang kapatid na si Luchie (Arca). Hindi ito alam ng huli na masipag sa pag-aaral pero unti-unting nawawala ang paningin dahil sa glaucoma. Upang mapaopera ang kapatid, tinanggap niya ang offer ng amateur videographer na si Marlon (Lorenzo), na ituro ang mga illegal na gawain sa paligid ng Quiapo. Kasama sa mga nilaglag niya ang pinagbebentahan ng nakaw na cellphone at mga kasabwat sa pandurukot. 

Pero 'ika nga nila, walang lihim na 'di nabubunyag. Nang nalaman ito ng mga trinaydor niya, siya naman ang binalikan at dito na nagkaroon ng bugbugan galore. 

Diyan nagtapos ang pelikula. Ang iksi, 'di ba? Para lang siyang Maalala Mo Kaya. Just don't get your hopes high because this is another poverty movie. But I'm fine with it kasi na-establish naman ang istorya at naihatid na hindi bitin sa pakiramdam.

Maayos ang shots na kinunan sa paligid ng Quiapo. May obvious na umuusyoso kaya minsan, nasa itaas ang camera angle para hindi agaw-pansin. Masherep ang mga sexy scenes ni Sherwin Ordonez dito huh! May mga pa-santolan station siya na magpapabaha sa estero natin. CHOS!

Ang direktor nito na si Ronaldo Bertubin ang siya rin nag-direk ng Sikil at Loverbirds na pasado din sa kaharian natin. 

Rating: 3/5 stars

Sunday, October 25, 2020

Umatras (final part)

Early in the morning, I was back in the hospital. Kabado dahil pinapakita sa TV na sinusundot ang pinakadulo ng ilong para sa swab test. It looks uncomfortable kaya medyo shokot sa pakiramdam. 

Hindi pa rin ako pinapasok sa ER kaya nilapitan na lang ako ng isang staff. Iniabot sa akin ang isang maliit na papel na babayaran ko daw sa cashier. Naloka ako sa nakalista - 2 kwit for PPE at 5 hams for N95 mask. Akala ko ba sagot ng HMO? For emergency cases lang daw 'yon. Etong pagbalik ko ay consultation na daw kaya wiz na. Masama man ang loob ay pineylet ko para matapos na. 

Pagkaabot ng resibo at agad naman lumabas si doc. 'Yung suot na PPE niya ay 'yung parang suot niya kagabi. Tapos parang wala pang 300 pukekels ang itsura. Ang nipis na parang itinali na lang basta sa katawan. Mala-bathrobe ang design. Na-judge ko talaga I swear ahahaha! 

Pinaupo niya ako sa isang monobloc at pumwesto na siya sa kabilang side ng glass barrier. Inihanda ko na ang ilong ko nang sabihin niyang oral swab daw ang gagawin - lalamunan ko ang susundutin imbes na ilong. Meron palang gano'n, bakit puro nasal swab ang binabalita?

I went home very worried kasi what if positive? Hinanda ko na ang sarili na pumunta sa isolation facility. Bawal na kasi ang home quarantine. 

***

After 2 days, may nag-text na unknown number. Punta daw ako sa ospital to get the results. Parang same level ng kaba nung nagpa-HIV test ako. Lutang sa kawalan but I wanted to know the result immediately para alam na agad ang susunod na gagawin. Abot-abot ang dasal ko na sana negative.

Pagdating sa ospital, una ko munang kinuha ang official reading ng X-ray at himala, normal daw ang magkabilang baga ko. Nang kinuha ko na ang sa COVID-19 result, laking tuwa ko ng makitang negative ang resulta. Salamat sa Diyos!

Sa totoo lang mga ateng, sobrang nakaka-stress itong kalagayan natin ngayon. Nasa libo pa rin kada araw ang nababalitang kaso at parang nag-aantay na lang na makadiskubre ng bakuna. 

Hangga't may COVID-19 pa, manatili muna tayo sa loob ng balur. Kung hindi importante ang lakad, iwasan natin ang lumabas. Mahirap na kalaban ang hindi nakikita ng mata. Sakaling mahawaan ka nito, hindi mo alam ang magiging epekto sa'yo. Maswerte kung asymptomatic at kusa kang gumaling. Paano kung hindi?

Wakas.

Saturday, October 24, 2020

Filipina

Habang naka-break sa work kagabi, napa-scroll ako sa aking social media feed at naabutan ang preliminary competition ng Miss Universe Philippines. Bilang long-time pageant fan, talagang naintriga akiz lalo na't mahigit sa kwarentang Pinay ang maglalaban-laban para sa titulo at bonggang korona na gawa ng Villarica. Tinawag nila itong Filipina...


Very similar ang show sa preliminary round ng Miss Universe minus the special awards. Level up ang production kahit hindi ginanap sa isang malaking venue. Dinaan sa LED screen at camera angles. Namaximize din ang stage at nabigyan ng chance ang mga merly na ipakita ang kanilang rampage skills. 

Mahirap mamili ng top 5 dahil ang daming magagaling kaya dagdagan natin ng isa. Gumawa ako ng tatlong category para madaling ma-trim ang listahan. Una ay Body Proportion. Pantay tingnan ang upper at lower part ng katawan. Sunod ang Rampa. Malinis maglakad. Hindi paikot-ikot at magaslaw. Lastly, Confidence. Tindig, tingin at kung paano mag-pose sa camera na hindi OA sa pagka-emotera.

Tanong nga ni Ate Koring, handa na ba kayo? Heto na sila...

BEST IN SWIMSUIT ROUND

Davao - Alaiza Flor Malinao
Cavite - Billie Hakenson

Bulacan - Daniella Loya
Pasig - Riana Pangindian

Laguna - Jo-ann Flores
Pasay - Zandra Sta. Maria

BEST IN EVENING GOWN

Davao - Alaiza Flor Malinao
Pasig - Riana Pangindian

Paranaque - Ysabella Ysmael
Cavite - Billie Hakenson

Makati - Ivanna Pacis
Iloilo City - Rabiya Mateo

Watch the Miss Universe Philippines finals tomorrow, October 25 at 9 a.m. on GMA 7.

Wednesday, October 21, 2020

Malamlam

Dalawang buwan na lang at Pasko na! Naghahanda na ba kayo, mga ateng? Bumayla na ako ng bagong Christmas lights at ikinabit na sa labas ng balur para naman may kumukuti-kutitap kapag gumabi. Medyo malamlam kasi ang celebration ngayon gawa ng COVID-19. Bawal ang malalaking gatherings pati na ang pangangaroling. Punta na lang tayo sa Dolomite Beach para hindi tayo malukring. CHAR!

Habang nagkakalkal ako ng mabibili sa CDs Atbp. last month ay nakita ko ang DVD ng Hikbi, isang gay indie film na ipinalabas noong 2009. Wiz ako aware na may ganitey pala so may I buy agad.

Hikbi (2009)
Hikbi Ko Film Productions
Written and Directed by Felbert P. Go
Starring Felbert Go, Adrian Landicho and Carme Sanchez

Habang kumakain sa Angel's Burger kasama ang mga kaibigan, nakita ni Ram (Go) ang tricycle driver na si Jay (Landicho). Na-love at first sight si ateng at hindi tinantanan si kuya hanggang sa mag-date sila on the same day. Bilis 'di ba? Hindi nagtagal ay naging sila.

Loyalty award si Ram kay Jay na pabooking din pala sa iba. Hindi ito matanggap ni Ram at dito na nagsimula ang dramarama sa umaga, hapon at gabi. Nagkabalikan, nag-away, naghiwalay. Pajuliet-juliet hanggang magsawa si Jay. 

Hindi maka-move on si Ram at kung anu-anong ginawa - nag-droga, nakipag-orgy sa bakuran, naging lasenggo at sinusugod si Jay para sumbatan. Nagkaroon ng anak si boylet at ginawa siyang ninong. Simula noon, umayos na ulit ang kanyang buhay.

Kung akiz ang tatanungin, maganda sana ang istorya pero hindi na-execute o na-edit nang maayos. Madaming unecessary scenes na dragging panoorin. Nakakaumay ang pagda-drama ni Ram to the point na maiinis ka na sa kanya. But I guess ganoon naman yata sa totoong buhay, matagal maka-move on lalo na kung todong tinamaan ang puso mo. Awkward din kapag nag-i-English siya. Hindi akma sa mother (Sanchez) and son scenes.

It was refreshing to see Felbert Go playing the lead role. Hindi ka lulunurin sa ilusyon na dapat physically attractive kapag bida. Ang daling maka-relate sa kanya.

First time ko din mapanood sa pelikula si Adrian Landicho and I must say na mas magaling siyang umarte kaysa sa ibang indie actors na ilang beses nagkaroon ng pelikula. Maraming mahahabang eksena na parang one shot lang pero naitawid nila ni Felbert Go. My favourite was their love making scene which was very passionate but tastefully done.

Rating: 3/5 stars

Friday, October 16, 2020

Tantiyado

Simula nang magsara ang SecondSpin sa US, naghagilap na ako ng ibang online store na mabibilhan ng CDs at DVDs. Karamihan sa mga nakita ko ay hindi nagshi-ship internationally kaya I decided to look for a shipping service na magkakaroon ako ng address for that country, then they will consolidate my items at sila na ang bahalang magpadala sa Pilipinas. Todo research ako kung ano ba ang best for my needs and budget. Some are very expensive dahil depende sa bigay ang presyuhan, lalo na kung by air ang mode of shipment. Kaya matapos ang ilang linggong pagbabasa ng feedback at pagkukumpara ng iba't ibang shipping companies, I decided to use Pinoyboxdelivery.


Linawin ko lang na hindi sponsored post ito. I rarely get that so this is all based on my experience with them. 

Una, sign up on their website, open a box and you can start shopping! Don't forget to use their warehouse address as your shipping address. For example: I shopped in eBay UK, ang ginamit kong address ay ang UK address ng Pinoyboxdelivery. Please note that if you are paying using a bank card, the billing address should be the address that you have with your bank. Magkaiba ang shipping address sa billing address huh! Baka magkaaberya eh. 

After paying for the item/s, just list it on their website para alam nila na may parating na package under your name. Provide the Item Name, Courier Name, Tracking Number (if available) and Description. Magiging Pending ang status ng item hangga't hindi nila natatanggap. Kung may extra budget ka pa, go, shop pa more and list pa more.

My box when it arrived last month
One of the best features of their site is the Box Fullness. Sa tuwing natatanggap nila ang items mo, updated ka kung how much space pa ang available for your other orders. In case na hindi magkasya, pwede kang mag-upgrade ng box. You can even request for pictures. Ang bait ng customer service nila!

Customers have 30 days from the date of the first item received to fill the box. After that, may fee na babayaran. Kaya bago ka pa mag-open ng box sa kanila, dapat tantiyado mo na kung ilang araw ang shipment ng items. At eto pa, no weight limit. AS IN! But ideally, dapat kaya ng dalawang tao na buhatin ang box for proper handling.

Kapag satisfied na sa pinamili, you can pay for the box and request for shipment. All you need to do is wait for the arrival! May tracking number na ibibigay sa'yo to monitor the package.

Since hindi ito by air, may katagalan ang paghihintay. I waited 2 months for my box to arrive. Pero kung hindi ka naman atat, Pinoyboxdelivery is for you.

For more information, visit their website here

Heto ang tips ko kung gagamit kayo ng kahit anong third-party shipping services - read their FAQs and terms & conditions carefully. Kung may hindi naintindihan, send a message on their social media pages. You also need to know if the item you will buy is allowed by law. May limit sa number of quantity at para iwas tax, dapat hindi lalagpas sa 10 kiyaw. Baka tagain tayo ng Customs. 'YUN NA!

Wednesday, October 14, 2020

Umatras (part 1)

A few weeks ago ay nagising akong bigla dahil hindi ako makahinga. It was the first time that it happened to me. Sa tuwing mahihiga ako on my right side ay sobrang sakit sa dibdib. I panicked kasi baka COVID-19 na, so I went to the nearest hospital. 

Hindi pa ako pinapapasok sa emergency room ay diniscuss na sa akin ng nurse ang mangyayari - I will be isolated and I need to pay for my PPE and for the PPE of the people who will check on me (e.g., doctor, nurse, nursing assistant). Alam niyo ba magkano ang isang PPE? 2.5K PEYSOS! Mas lalo yata akong magkakasakit so umatras ang beauty ko. Kailangan ko i-verify sa HMO provider kung sagot nila 'yon dahil hindi pa nga ako natitingnan, mukhang mamumulubi na akiz. Hindi daw ako pwedeng makigamit ng phone so I went home to call them and was informed na 6 kiyaw daw ang max na sagot nila sa PPE for emergency cases. Sagot ko na daw kung lalagpas doon. KALOKA! Ang mahal talaga magkasakit ngayon. Naisip ko tuloy paano pa kaya 'yung mga walang-wala.

Nag-canvass muna ako at nagtanong-tanong before I went to this private general hospital na hindi kamahalan kumpara sa una kong pinuntahan. Puno na ang ER nila at may makeshift tent na sa tabi ng kalsada to accommodate others. Medyo dangerous kasi may mga bus at truck na dumadaan. Katulad sa loob, wala na space for new patients at walang oxygen tank na available. Pinaupo ako sa tabi ng guard. Hhhmmm koya, ano 'yang nilalaro mo? CHAR!

A few minutes later, a nurse or a doctor ('di ko sure) checked my blood pressure and oxygen level. Medyo mataas ang BP samantalang medyo mababa daw ang oxygen level ko. After waiting for eternity, may lumabas na doktor at nagrekomendang magpa-blood test at X-ray akiz. After waiting for another eternity, lumabas ang resulta. Medyo malabo daw ang right lung ko na maaaring pneumonia or bronchitis. Bukas pa daw ang official result. May infection naman daw ako sa dugo kaya nagreseta siya ng pangmalakasang antibiotic. The doctor asked me kung may COVID-19 symptoms ako. Aside from hirap huminga, wala naman akong ubo, lagnat, sore throat o pagkawala ng panlasa. But they wanted to verify it so pinabalik ako kinabukasan for the swab test.

Tatapusin...

Tuesday, October 13, 2020

Las Opiniónes 3.0

Photo from iMPACT Leadership
Naaliw ba kayo sa sarswela nina Cayetano at Velasco para sa Speakership post sa kongreso? Ako hindi. Kasi pera natin ang nasasayang sa agawan nila sa pwesto. Imbes na magtrabaho sila para sa bayan, mga pansariling interes ang inuuna. Eh kung tutuusin, pareho lang naman silang tuta ni tatay. Tapos hindi rin impressive ang legislative work ni Velasco - renaming an airport, postponing an election, at nag-yes sa Marcos Day at Anti-Terror Bill. KASUKA!

Photo from Philippine Star
According to Pulse Asia, 91% ng mga Pilipino ang aprub na aprub sa performance ni tatay. Well, well, well, baka nga naman nakatulong ang Dolomite Beach sa pagganda ng buhay natin. Tsaka siguro hindi naman talaga mahirap bumiyahe araw-araw, 'noh? Okay lang din siguro na may kaltas ang sahod natin kasi kokonti lang ang parokyano. Nakapag-abot din naman siya ng ayuda na sobra-sobra sa loob ng pitong buwang naka-lockdown tayo. Talagang above and beyond ang performance. LOL!

Photo from Latest Chika
Bali-balitang umabot na sa lagpas 2 bilyong piso ang kinikita ng show ni Raffy Tulfo sa YouTube. Hindi ko alam kung nasabi ko na but I am not the biggest fan of the Tulfo brothers. Masyadong bargas for my taste. Taste daw oh?

Anyways, I do not recommend watching his show. Una, hindi siya dapat ang takbuhan kapag may hindi pagkakaintindihan. Pero dahil na rin siguro sa palpak na sistema kaya napipilitan ang iba. Pangalawa, kumikita ang show gamit ang issue ng ibang tao. Minsan, ginagawa pang katatawanan ng iba. Panghuli, binibigyan natin siya ng kapangyarihan sa tuwing sasabihin natin "isusumbong kita kay Tulfo", "ipapa-Tulfo ko kayo" or the likes. 

Pero mahilig tayong makisawsaw sa isyu ng iba, kaya bentang-benta ang mga ganitong palabas.