Wednesday, October 14, 2020

Umatras (part 1)

A few weeks ago ay nagising akong bigla dahil hindi ako makahinga. It was the first time that it happened to me. Sa tuwing mahihiga ako on my right side ay sobrang sakit sa dibdib. I panicked kasi baka COVID-19 na, so I went to the nearest hospital. 

Hindi pa ako pinapapasok sa emergency room ay diniscuss na sa akin ng nurse ang mangyayari - I will be isolated and I need to pay for my PPE and for the PPE of the people who will check on me (e.g., doctor, nurse, nursing assistant). Alam niyo ba magkano ang isang PPE? 2.5K PEYSOS! Mas lalo yata akong magkakasakit so umatras ang beauty ko. Kailangan ko i-verify sa HMO provider kung sagot nila 'yon dahil hindi pa nga ako natitingnan, mukhang mamumulubi na akiz. Hindi daw ako pwedeng makigamit ng phone so I went home to call them and was informed na 6 kiyaw daw ang max na sagot nila sa PPE for emergency cases. Sagot ko na daw kung lalagpas doon. KALOKA! Ang mahal talaga magkasakit ngayon. Naisip ko tuloy paano pa kaya 'yung mga walang-wala.

Nag-canvass muna ako at nagtanong-tanong before I went to this private general hospital na hindi kamahalan kumpara sa una kong pinuntahan. Puno na ang ER nila at may makeshift tent na sa tabi ng kalsada to accommodate others. Medyo dangerous kasi may mga bus at truck na dumadaan. Katulad sa loob, wala na space for new patients at walang oxygen tank na available. Pinaupo ako sa tabi ng guard. Hhhmmm koya, ano 'yang nilalaro mo? CHAR!

A few minutes later, a nurse or a doctor ('di ko sure) checked my blood pressure and oxygen level. Medyo mataas ang BP samantalang medyo mababa daw ang oxygen level ko. After waiting for eternity, may lumabas na doktor at nagrekomendang magpa-blood test at X-ray akiz. After waiting for another eternity, lumabas ang resulta. Medyo malabo daw ang right lung ko na maaaring pneumonia or bronchitis. Bukas pa daw ang official result. May infection naman daw ako sa dugo kaya nagreseta siya ng pangmalakasang antibiotic. The doctor asked me kung may COVID-19 symptoms ako. Aside from hirap huminga, wala naman akong ubo, lagnat, sore throat o pagkawala ng panlasa. But they wanted to verify it so pinabalik ako kinabukasan for the swab test.

Tatapusin...

No comments:

Post a Comment