Early in the morning, I was back in the hospital. Kabado dahil pinapakita sa TV na sinusundot ang pinakadulo ng ilong para sa swab test. It looks uncomfortable kaya medyo shokot sa pakiramdam.
Hindi pa rin ako pinapasok sa ER kaya nilapitan na lang ako ng isang staff. Iniabot sa akin ang isang maliit na papel na babayaran ko daw sa cashier. Naloka ako sa nakalista - 2 kwit for PPE at 5 hams for N95 mask. Akala ko ba sagot ng HMO? For emergency cases lang daw 'yon. Etong pagbalik ko ay consultation na daw kaya wiz na. Masama man ang loob ay pineylet ko para matapos na.
Pagkaabot ng resibo at agad naman lumabas si doc. 'Yung suot na PPE niya ay 'yung parang suot niya kagabi. Tapos parang wala pang 300 pukekels ang itsura. Ang nipis na parang itinali na lang basta sa katawan. Mala-bathrobe ang design. Na-judge ko talaga I swear ahahaha!
Pinaupo niya ako sa isang monobloc at pumwesto na siya sa kabilang side ng glass barrier. Inihanda ko na ang ilong ko nang sabihin niyang oral swab daw ang gagawin - lalamunan ko ang susundutin imbes na ilong. Meron palang gano'n, bakit puro nasal swab ang binabalita?
I went home very worried kasi what if positive? Hinanda ko na ang sarili na pumunta sa isolation facility. Bawal na kasi ang home quarantine.
***
After 2 days, may nag-text na unknown number. Punta daw ako sa ospital to get the results. Parang same level ng kaba nung nagpa-HIV test ako. Lutang sa kawalan but I wanted to know the result immediately para alam na agad ang susunod na gagawin. Abot-abot ang dasal ko na sana negative.
Pagdating sa ospital, una ko munang kinuha ang official reading ng X-ray at himala, normal daw ang magkabilang baga ko. Nang kinuha ko na ang sa COVID-19 result, laking tuwa ko ng makitang negative ang resulta. Salamat sa Diyos!
Sa totoo lang mga ateng, sobrang nakaka-stress itong kalagayan natin ngayon. Nasa libo pa rin kada araw ang nababalitang kaso at parang nag-aantay na lang na makadiskubre ng bakuna.
Hangga't may COVID-19 pa, manatili muna tayo sa loob ng balur. Kung hindi importante ang lakad, iwasan natin ang lumabas. Mahirap na kalaban ang hindi nakikita ng mata. Sakaling mahawaan ka nito, hindi mo alam ang magiging epekto sa'yo. Maswerte kung asymptomatic at kusa kang gumaling. Paano kung hindi?
Wakas.
No comments:
Post a Comment