Wednesday, October 21, 2020

Malamlam

Dalawang buwan na lang at Pasko na! Naghahanda na ba kayo, mga ateng? Bumayla na ako ng bagong Christmas lights at ikinabit na sa labas ng balur para naman may kumukuti-kutitap kapag gumabi. Medyo malamlam kasi ang celebration ngayon gawa ng COVID-19. Bawal ang malalaking gatherings pati na ang pangangaroling. Punta na lang tayo sa Dolomite Beach para hindi tayo malukring. CHAR!

Habang nagkakalkal ako ng mabibili sa CDs Atbp. last month ay nakita ko ang DVD ng Hikbi, isang gay indie film na ipinalabas noong 2009. Wiz ako aware na may ganitey pala so may I buy agad.

Hikbi (2009)
Hikbi Ko Film Productions
Written and Directed by Felbert P. Go
Starring Felbert Go, Adrian Landicho and Carme Sanchez

Habang kumakain sa Angel's Burger kasama ang mga kaibigan, nakita ni Ram (Go) ang tricycle driver na si Jay (Landicho). Na-love at first sight si ateng at hindi tinantanan si kuya hanggang sa mag-date sila on the same day. Bilis 'di ba? Hindi nagtagal ay naging sila.

Loyalty award si Ram kay Jay na pabooking din pala sa iba. Hindi ito matanggap ni Ram at dito na nagsimula ang dramarama sa umaga, hapon at gabi. Nagkabalikan, nag-away, naghiwalay. Pajuliet-juliet hanggang magsawa si Jay. 

Hindi maka-move on si Ram at kung anu-anong ginawa - nag-droga, nakipag-orgy sa bakuran, naging lasenggo at sinusugod si Jay para sumbatan. Nagkaroon ng anak si boylet at ginawa siyang ninong. Simula noon, umayos na ulit ang kanyang buhay.

Kung akiz ang tatanungin, maganda sana ang istorya pero hindi na-execute o na-edit nang maayos. Madaming unecessary scenes na dragging panoorin. Nakakaumay ang pagda-drama ni Ram to the point na maiinis ka na sa kanya. But I guess ganoon naman yata sa totoong buhay, matagal maka-move on lalo na kung todong tinamaan ang puso mo. Awkward din kapag nag-i-English siya. Hindi akma sa mother (Sanchez) and son scenes.

It was refreshing to see Felbert Go playing the lead role. Hindi ka lulunurin sa ilusyon na dapat physically attractive kapag bida. Ang daling maka-relate sa kanya.

First time ko din mapanood sa pelikula si Adrian Landicho and I must say na mas magaling siyang umarte kaysa sa ibang indie actors na ilang beses nagkaroon ng pelikula. Maraming mahahabang eksena na parang one shot lang pero naitawid nila ni Felbert Go. My favourite was their love making scene which was very passionate but tastefully done.

Rating: 3/5 stars

No comments:

Post a Comment