Sa dinami-dami ng pelikula na tinalakay o hinapyawan ang buhay ng pagiging macho dancer, wala pa ring makakatalo sa Pinoy quadrilogy ng Macho Dancer (1988), Sibak: Midnight Dancers (1994), Burlesk King (1999) at Twilight Dancers (2006). Lahat 'yan ay sinulat ni Ricky Lee.
At ngayong 2021, may nais humanay diyan, ang Anak ng Macho Dancer.
Nang ilabas ang trailer noong nakaraang buwan, medyo nayanig ang mga pantog sa kaharian dahil havs na havs sa kaseksihan. Limang kalalakihan ang gigiling para tayo ay sairin - sina Miko Pasamonte, Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales, at si Sean De Guzman sa title role. Pamilyar ang ilan sa kanila dahil si Ricky Gumera ay naging pambato natin sa Mister Global 2019. Si Charles Nathan ay na-introduce sa Beki Problems bilang Ardel Presentacion. At may hindi pa ba nakakakilala kay Miko Pasamonte. Pinafresh ang fez niya huh!Kasama rin dito ang dalawa sa original cast ng Macho Dancer, sina Alan Paule at Jaclyn Jose. Kung may 80s represent, meron din galing 90s dahil join ang nag-iisang Titilating Queen, Rosanna Roces at si Totoy Mola Jay Manalo. Wish ko lang sinama na din nila si Cherry Pie Picache bilang suki siya ng macho dancer movies. This is directed by Joel Lamangan. May role din kaya siya dito?
Marami akong questions nang malaman kong magkakaroon ulit ng ganitong klaseng pelikula. Una, uso pa ba ang macho dancer sa panahon ngayon? Paano nila gagawing relevant ang istorya ngayong digital age na? Nakatahi kaya ang kwento nito sa Macho Dancer (1988) dahil iba ang sumulat nito? Well, malalaman natin 'yan the soonest dahil sabi sa trailer, ipapalabas na ngayong Enero.
Are you ready, mga ateng?
No comments:
Post a Comment