Marami sa atin ang napantig ang tenga sa sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa pagpili ng bakunang bibilhin ng gobyerno...
SUPLADAAAH!!! Hindi pala pwede maging choosy ang mga Pilipino. Sa jowa nga, ang dami-dami nating qualifications. Ano 'yon, kung ano gusto nila, 'yon ang masusunod?
Sinovac kasi ang preferred brand nila na gawang China at ayon sa isang
late-stage trial sa Brazil,
less than 60% ang efficacy rate nito. At 'wag ka, mas mahal pa 'yan kumpara sa bakuna ng
Pfizer at
AstraZenica.
Ewan ko ba kung bakit taeng-tae ang gobyernong ito sa China? Bukod sa POGO na makalat eh ang daming kidnappers na Chinese sa Pilipinas. Tsaka alam naman ng karamihan na basta Made in China ay substandard ang kalidad. Hello Divisoria!
CHAAAR!!! Mga ateng, patuloy tayong mag-ingay at umalma sa kagustuhan nilang ito dahil kalusugan at pera ng bayan ang nakataya dito. Sabi nga ng makakating dila, baka may kickvac sa Sinovac. Totoo kaya?
No comments:
Post a Comment