Saturday, January 2, 2021

Labing Isa sa Dalawampu't Isa

Photo by Jude Beck on Unsplash

MANIGONG BAGONG TAON, MGA ATENG!

Isa na yata ang 2020 sa pinaka hindi malilimutang taon sa ating buhay. Marami ang naapektuhan ng pandemya - mga nawalan ng trabaho at mahal sa buhay. Pero sa tuwing tumatapat ang kamay ng orasan  alas-dose ng hatinggabi sa unang araw ng Enero, marami pa rin sa atin ang umaasa na ang bagong taon ay maghahatid ng pag-asa at panibagong simula.

Mahirap man pero subukan nating iwan ang hindi magagandang alaala sa nakaraang taon. Pagkakataon natin ito para magsimula muli. Actually, pwede naman tayo magsimula sa kahit anong araw pero iba ang hatid ng bagong taon. Kung old school ka na tulad ko, sige lang ang isulat mo ang new year's resolution mo, sa cellphone man 'yan o sa isang piraso ng papel. Ang mahalaga na may panghahawakan tayo ngayong 2021.

Bilang panimula, nais kong ibahagi sa inyo ang isang proyekto na sinimulan namin ng kaibigan ko. Ang Thirty Talks with Mel & Tsary podcast. 


It started as a secret project. Hindi kami mga propesyonal na tagapagsalita o komentarista. But we wanted to try it kaya naman nirecord namin ang aming usapan gamit ang isang app at headset ng mobile phone. The conversations are raw. Sometimes, I'm at a loss for words kasi hindi malawak ang bokabolaryo ko kaya hindi maiwasang may pause. It made me realize na writer talaga ako. Takot ako na baka masabihang trying hard pero kebs! Ang sabi nga nila, if you want it, go for it! Kaya kung may oras kayo, please listen to us on Spotify. We are now on our second season.

Personally, marami akong gustong tuparin at gawin ngayong taon. Isa na diyan ang ipagpatuloy ang pagsusulat sa kaharian natin. Ika-labing isang anibersaryo na natin kaya sana, mas marami pa tayong pag-usapan, mapa-pulitika man, pelikula, libro, musika o tungkol sa kalalakihan.

To more experiences to share and more stories to tell!

HAPPY 11th ANNIVERSARY TO US! CHEERS!

2 comments:

  1. Dito ko lang pala kayo makikita sa blogger hinanap ko pa naman kayo ara ipm sa fb/twitter/ig

    Sobrnag sarap nyo pakinggan as in last year pa ata ako naghahanap ng paraan para mapm kayo at magpasalamat sa blogger ko lang pala kayo makikita

    Sending you both hugs ang sarap nyo pakinggan at kayo yung kasama ko habang nagkocope ngayon sa pandemic

    Sobrang salamat! I treat finding you guys a blessing kase sobrang ganda ng feeling ko at literally you guys are my light/s in the tunnel

    Ingat kayo lagi lablab

    ~from May ng QC, I love you guys swear. Also nasa advertising industry din ako so double whammy yung tuwa ko na nalaman kong may podcast pala yung mga "katribe" ko :*

    Ingat kayo lagi

    ReplyDelete
  2. Hi May! Thank you so much for listening to our podcast. We truly appreciate it! Hopefully makapag-record ulit kami soon.

    ReplyDelete