Sunday, January 2, 2022

Rehistro

HAPPY 2022, MGA ATENG! Sa tuwing pumapasok ang bagong taon, ito rin ang araw kung kailan ipinagdiriwang ang anibersaryo ng ating blog.

Labing-dalawang taon na ang nakararaan nang simulan kong tipahin ang keyboard at isambulat sa mundo ng internet ang aking mga opinyon, pantasya, balita, at buhay-buhay na may kinalaman sa ating makulay na kaharian. I remember patapos pa lang ang pamumuno ni Gloria noon at sabik na sabik tayo sa bagong lider. Hindi pa toxic ang Facebook at panay status message lang ang madalas i-post. Galing pa sa digicam ang mga pictures at kiber kung may mag-like o wala. Hindi pa conscious kung 'di maganda ang lighting o kung chaka ang rehistro kasi 'di pa takot maging meme. Kasagsagan nina Rihanna, Katy Perry at Lady Gaga. Rude Boy, Telephone, Teenage Dream ang mga madalas patugtugin. 480p ang YouTube video quality, mabagal na bandwidth kapag naka-720p. Sina Nicolehyala at Christsuper ang naririnig tuwing umaga. May Cosmopolitan, Metro, Preview, Good Housekeeping, Star Studio magazines every month. Kabi-kabila ang bikini contests. Hindi ako maka-catch up sa dami ng pinapalabas na gay indie films. Sina Mandaya Moore at Manila Gay Guy ang mga inspirasyon ko noon sa pagsusulat. Feels so good to reminisce the good old days.

A lot has happened since then. The energy that I had during the early years of our blog is not there anymore. Maybe it's just wandering somewhere at babalik pa because I really miss writing almost everyday. Minsan nakakadalawa o tatlong post pa tayo. Kahit pagod sa work, nakakapagsulat pa din. Maybe I'll look back and see what I was doing then compare to now. Baka pwede ibalik, nakaka-miss kasi.

Also, hindi na rin basta-basta pwedeng mag-post ngayon without verifying facts. Pwede kang maging source of fake news kaya maiging research dapat ang gagawin para credible ang isusulat. Pati paglalandi natin sa ibang otoko na akala natin ay harmless may be considered as sexual harassment. 

I hope that the new year will bring us better days compare to the last two years. May nabasa nga ako sa Twitter, hindi daw niya ma-distinguish 'yung mga memories noong 2020 at 2021. Same. Pero nasa kamay natin kung paano maiiba ang taong ito. Hindi siguro natin kontrolado ang magiging aksyon ng gobyerno but we have now the opportunity to change them. Nakakapagod at nakaka-drain sila ng energy sa totoo lang. Lakas-tama sa mental health! Now that their 6 years is almost over, I pray that we vote for someone who will prioritize us and not terrorize us. 'Yung pamumunong may puso at tayo ang priority, hindi ang mga kapartido o padrino. We now have the power to have a better future so let's not waste it. 

MANIGONG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!!!

3 comments:

  1. Hi Bb. Melanie. Ngayon lang ako napadpad ulit dito, 2014 pa last. Glad to know na active pa blog mo. Reader ako ng mga lgbt blogs before kasama ka at parte ka ng college days ko, 2009-2013. Sad na wala na yung iba like Manila Gay Guy. Aliw talaga ako sa posts mo sana continue writing. Ingat po and God bless.

    ReplyDelete
  2. Teh Anonymous February 7, 2022 at 4:38 PM, thank you so much for visiting again and for the good words. Tuluy-tuloy lang ang pagsusulat hangga't may napipiga pa. Keep safe always. MWAH!

    ReplyDelete