Monday, January 31, 2022

Ang Sapatos at si Sassa Gurl

Bago matapos ang buwan na ito, gusto ko lang i-share na after 4 years ay nakabili akong muli ng high heels (right pair). It may sound shallow to some but for someone like me na size 42 with limited budget, achievement unlocked ito dahil napakadalang ng murang sapatos na ganyan ang sukat. Pinakamalaking size na sa Pinas ang 8. Plus size nang maituturing kapag lagpas diyan na madalang makakita sa mall. Ang alam ko lang na meron ay mga gawang Bragais pero libuhin naman ang presyo. At dahil nasa laylayan tayo ng lipunan, ilang beses tayong mag-iisip bago maglabas ng ganyang halaga. Salamat talaga at nag-sale sa Payless at nagkaroon tayo ng sexy pointed black pumps. Mukhang Louboutin ang style. Love it!

Nabanggit ko rin lang naman ang laylayan sa lipunan, medyo napantig ang tainga ko nang mabasa itong tweet na 'to patungkol sa pagmomodelo ni Sassa Gurl (who identifies as a woman) para sa White Castle calendar..


Wit ko siya kilala pero nagbukas siya ng diskusyon patungkol sa konsepto ng kung ano ba dapat ang pagiging transgender woman. Pagkakaintindi ko sa tweets niya, nakakulong siya sa konsepto na ang mga transgender woman ay dapat mala-Geena Rocero sa ganda at lambot. Para sa kanya, dapat ay lumaklak tayo ng pillar at magmakaawa sa health centers dahil importante na maging "passing" para sa kumportableng buhay.

Miz/ma'am, paano po kaming ang gender identity ay babae pero walang pribilehiyong makabili ng hormones o pills? Para sa aming mga nasa laylayan ng lipunan, limited ang choices namin. Hindi lahat ay afford ang turok/tusok. Meron din sa amin na sinimulan ang transition pero hininto dahil sa side effects. Hindi keri ang magtiis-ganda lalo na kung naaapektuhan ang ibang gawain.  Gustuhin man namin maging member ng #TeamBarbie, may mga priorities kami more than physical transitioning. Also, hindi lahat ng transgender woman ay iniisip ang konseptong "passing" para sa mas maginhawang buhay. Some of us are happy for whatever we have, whether we look "passing" or not. It doesn't invalidate our gender identity.

Kaya salamat sa White Castle for this historical moment, and to Sassa Gurl, thank you for representing our kind. Personally, I feel visible because of this project.

Kaya mga ateng, suportahan natin sila by buying White Castle Light Whisky with free Sassa Gurl calendar through Lazada and Shopee.

No comments:

Post a Comment