Saturday, February 19, 2022

Paos

Simula nang mag-pandemic, karamihan sa atin ay nag-switch sa online shopping bilang bawal lumabas noon. Some of us find it safe and very convenient dahil anytime pwede ka mamili. You don't have to prepare to go out, expose yourself, experience the traffic and the long lines to the cashier. You can even order in advance. Personally, ang dami kong na-discover na items na mas mura compare sa mga binebenta sa mall. Siyempre, wala naman silang pwestong binabayaran at taong pinapasahod kaya mas mura. Ang downside nga lang sa akin, nakakaadik. Para akong si Alma Moreno tuwing nagta-transform siya sa pelikulang Aswang. Kulang na lang maglaway ako. CHAR! 

Kada monthly sale ng Shopee eh may ina-add to cart ako. Pero hanggang doon lang, hindi na umaabot sa checkout. Kung meron man eh 'yung sakto lang na may pambayad. Ayokong matulad dito sa shupitbalur ko na hindi pinapansin ang rider kapag may delivery. Papatayin ang ilaw at ila-lock ang pinto, kunwari walang tao. Napaos na si kuya kaka-"tao po". KALOKA!

At para hindi tayo mapaos, magpahagod tayo sa lalamunan kay Jon Romano...

Saturday, February 12, 2022

Histerikal

Walang pahinga ang mga isyung politikal ngayong linggo. Matapos ibasura ng Comelec ang petisyon na i-disqualify si you-know-who, ngayon naman ay inendorso siya ng El Shaddai. Nakakaloka talaga itong mga religious group na itey. Nasa 10 Commandments naman ang bawal magnakaw pero sila pa itong humihimod sa puwet ng pamilya matinggera. Saang langit kaya sila dadalhin ng mga ginagawa nila? Totoo ba na dalawa ang pisngi ng langit? Tara't alamin natin...

Dalawang Pisngi ng Langit (2001)
El Niño Films
Directed by Cesar SB Abella
Written by Efren Piñon
Starring Nini Jacinto, Francis Enriquez, Mike Magat and Alma Soriano

Parehong estudyante sina Roel (Enriquez) at Ellen (Jacinto) na may kaniya-kaniyang sugar jowa. Si Meliton (Magat) ay isang abogado samantalang office girl naman si Laura (Soriano). Nagkainisan sa simula pero nang maimbita sa isang party at nag-match ang kanilang mga puso sa isang palaro, doon nagsimula ang kanilang landian. 

Nakatunog si Laura at pinamanmanan si Roel. Nang makumpirma ang hinala, nakipagkita siya kay Meliton at nagsumbong. Kinorner nila ang dalawa habang naglalampungan sa dilim. Naging histerikal si Laura samantalang kalmadong tinanggap ni Mileton ang pakikipaghiwalay ni Ellen.

Mula sa maalwan na pamumuhay, naging isang kahig, isang tuka sa ngalan ng pag-ibig sina Ellen at Roel. Hirap maka-move on si Laura kaya sinubukan niyang akitin si Roel nang imbitahan niya itong pumunta sa bahay. Tinanggihan siya ni Roel at pero nakiusap siya na samahan kumain not knowing na may pampatulog ang red wine.

"Totoo nga pala na dalawa ang pisngi ng pag-ibig. Isa 'yong tunay na pagmamahal, tunay na kaligayahan. At ang isa naman ay pagkukunwaring pagmamahal at kaligayahang dala ng karangyaan."
Hindi makatulog si Ellen dahil gabi na at wala pa si Roel. Napasugod siya sa bahay ni Laura at natagpuan ang otoko na nakahilata sa kama. Sinubukan niyang gisingin pero natuklasan na pinatulog ito. Galit na galit si Laura at sinubukang patayin si Ellen. Naghabulan at nag-agawan sa patalim ngunit si Laura ang nasaksak. Finally ay nagising si Roel at nakita ang pangyayari. Siya ang umako sa krimen. Napawalang-sala sa ending sa tulong ng isang witness at ni Mileton.

Nabili ko 'yung VCD sa Lazada pero parehong disc A ang dumating. Napansin ko na lang nung papalitan ko na ang bala. Buti na lang at uploaded sa YouTube ang pelikula at doon ko na tinapos. Katulad nang nabasa niyo, walang espesyal sa istorya. But it's a good break from the usual Netflix and Star Cinema movies.

Isa sa mga paborito kong sexy actress itong si Nini Jacinto. Bagay na bagay sa kanya 'yung pabebe na inosente. Tsaka marunong talagang umarte, hindi puro katawan lang ang kayang ipakita. 

Rating: 2/5 stars

Thursday, February 10, 2022

Sipit

Trending sa social media itong si Toni Gonzaga at ang pag-host niya sa proclamation rally ng isang partido. Pinakilala pa niya ang kongresista na isa sa mga nag-deny ng new franchise sa ABS-CBN na ngayon ay may apog na tumakbong senador. May linya pa siyang "buhay na buhay ang pagmamahal ng Pilipinas kay Apo Lakay." Like whuuut? Girl, 'wag mong idamay ang buong bansa, hindi namin siya love.

Maraming frustrated na Kapamilya fans at ex-employees ang nagpahayag ng kanilang saloobin. La Traidora naman kasi ang dating nitong si Toni. Kung hindi nag-invest sa kanya ang ABS-CBN, hindi niya mararating ang kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon. Wiz naman kasi siya kagalingan umarte at kagandahan kumanta pero binigyan siya ng magagandang proyekto at todong exposure. Nakailang box-office hits siya at awards sa mga album niya, 'di ba? Mapatugtog nga ang Nanghihinayang by Jeremiah. Sayang eh.

Para hindi naman masyadong mabigat sa pakiramdam, eto ang malaki at magaling na si Zoltan Amore...

Tuesday, February 8, 2022

Doorknob

Umpisa na ng kampanya para sa national elections. Todong excited na akong mapalitan ang kasalukuyang gobyerno. Pero sana naman 'wag tayong bumoto ng magnanakaw at manloloko ng taong bayan. Doon tayo sa malinis ang track record at laging nandiyan para tumulong. Gumagawa ng paraan maliit man ang budget. Pumili din tayo ng mga senador na ipaglalaban ang pantay na karapatan ng LGBTQIA+ community. Nakakasawa na mapanood sa TV na ginagawa tayong katatawanan kapag ipinaglalaban ang panukalang batas na para sa atin. Huwag magpagoyo at magsaliksik nang husto kung sino ba ang may tunay na plano para sa nakararami.

Matapos ang post natin about Dante Gomez, naisip kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga underrated sexy actors na lumabas sa Chika Chika. 'Yung tipong kumpletos rekados at pasado sa ating pihikang panlasa pero hindi masyadong nabigyan ng movie projects o hindi man lang nakapag-bida. Next natin si Harold Pineda...

Monday, February 7, 2022

Talutot

Sa susunod na Lunes na pala ang Valentine's Day. Kumusta naman ang puso niyo, mga ateng? Kulay rosas ba ang paligid na tila umuulan ng mga talutot? O parang horror movie na madilim at puro agiw? Ano man ang lagay ng puso niyo, ang mahalaga eh malusog ito at tumitibok-tibok.

Napanood niyo na ba ang iba't ibang interviews ng mga presidentiables? Kanino ang paborito niyo? So far, bet na bet ko 'yung kay Jessica Soho. Direct to the point, mabilis, wala masyadong palabok at ramdam mo na pare-pareho ang atake niya sa bawat kandidato. Sana isunod niya ang mga tumatakbo sa pagka-pangalawang pangulo para mas makilala din natin sila. So far, may listahan na ako kung sinu-sino ang iboboto pero maaari pa itong magbago sa mga susunod na araw kapag mas nakilala natin sila at ang kanilang mga plataporma.

Dahil matagal-tagal na rin 'yung huli nating post tungkol sa laman ng "Balikbayan Package", halikayo't ibalik natin para naman kahit paano ay uminit ang nanlalamig nating mga puso. Simulan natin kay Dante Gomez...