Monday, February 7, 2022

Talutot

Sa susunod na Lunes na pala ang Valentine's Day. Kumusta naman ang puso niyo, mga ateng? Kulay rosas ba ang paligid na tila umuulan ng mga talutot? O parang horror movie na madilim at puro agiw? Ano man ang lagay ng puso niyo, ang mahalaga eh malusog ito at tumitibok-tibok.

Napanood niyo na ba ang iba't ibang interviews ng mga presidentiables? Kanino ang paborito niyo? So far, bet na bet ko 'yung kay Jessica Soho. Direct to the point, mabilis, wala masyadong palabok at ramdam mo na pare-pareho ang atake niya sa bawat kandidato. Sana isunod niya ang mga tumatakbo sa pagka-pangalawang pangulo para mas makilala din natin sila. So far, may listahan na ako kung sinu-sino ang iboboto pero maaari pa itong magbago sa mga susunod na araw kapag mas nakilala natin sila at ang kanilang mga plataporma.

Dahil matagal-tagal na rin 'yung huli nating post tungkol sa laman ng "Balikbayan Package", halikayo't ibalik natin para naman kahit paano ay uminit ang nanlalamig nating mga puso. Simulan natin kay Dante Gomez...


Lumabas siya bilang supporting cast sa Burlesk King at Sa Paraiso ni Efren. Wala akong natatandaang pelikula kung saan siya ang leading man. Sayang kasi kung itsura at katawan ang pag-uusapan, hindi siya nalalayo kina Allen Dizon, Roy Rodrigo at Simon Ibarra. Iba din ang lakas ng sex appeal niya kaya madalas siyang nasa cover o centerfold ng Chika Chika at Extra! Extra! magazines. Isa siya sa mga pinantasya ko noong ako'y bubot pa lamang. Lagi kasing may paaninag. CHAR!


Mas kilalanin natin siya sa isang artikulo na sinulat ni Archie De Calma (RIP) na lumabas sa mga pahina ng Chika Chika Extra! Extra! Vol. 1, No. 31 dated June 8, 2000...

No comments:

Post a Comment