Simula nang mag-pandemic, karamihan sa atin ay nag-switch sa online shopping bilang bawal lumabas noon. Some of us find it safe and very convenient dahil anytime pwede ka mamili. You don't have to prepare to go out, expose yourself, experience the traffic and the long lines to the cashier. You can even order in advance. Personally, ang dami kong na-discover na items na mas mura compare sa mga binebenta sa mall. Siyempre, wala naman silang pwestong binabayaran at taong pinapasahod kaya mas mura. Ang downside nga lang sa akin, nakakaadik. Para akong si Alma Moreno tuwing nagta-transform siya sa pelikulang Aswang. Kulang na lang maglaway ako. CHAR!
Kada monthly sale ng Shopee eh may ina-add to cart ako. Pero hanggang doon lang, hindi na umaabot sa checkout. Kung meron man eh 'yung sakto lang na may pambayad. Ayokong matulad dito sa shupitbalur ko na hindi pinapansin ang rider kapag may delivery. Papatayin ang ilaw at ila-lock ang pinto, kunwari walang tao. Napaos na si kuya kaka-"tao po". KALOKA!
At para hindi tayo mapaos, magpahagod tayo sa lalamunan kay Jon Romano...
Grabe naman yang shupitbalur mo mie. Haha Bat oorder tapos tataguan ang delivery rider pag andyan na? Weird niya.
ReplyDelete